"Anong ginagawa mo dito?!" Dinuro ko siya ng toothpick. "Sinundan mo ba ako?" Pinanlakihan ko siya ng mata. Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya dito. Ayoko nga ng stress, tapos makikita ko pa siya? Nasira na tuloy ang araw ko!
Napatigil siya sa pagpupunas, ngumisi saka umiwas ng tingin. "Asa."
Pinagmasdan ko siya.
"Eh bakit nandito ka nga?"
"Because as far as I know I'm free to go here whenever I want," sagot niya saka saglit lang akong sinulyapan. Lumapit siya nang bahagya sa stall. Nang magsalita siya upang mag-order ay tinignan lang siya ni ateng tindera dahil kausap pa din nito ang honeybunchsugarplum. Mukhang na-gets niya rin naman ang order niya kaya nagsimula na siyang maghanda.
Napalingon ako kay Cadence nang bigla siyang nagsalita.
"You should make your day productive, not like this. Clean your house, take care of your sister, help your mom, read a book, advanc
"Hindi ka mag-u-unli rice?" Umiling ako kay Carol. Nang uwian ay nagyaya sila Mia at Hannie na kumain sa sisigan malapit sa school namin. Madalas kasi silang kumain dito. Sulit na sulit raw ang singkwenta. Unli rice na, juice pa ang drinks nila. Madami pa silang maglagay ng sisig. Ayan ang sabi nila kaya napapayag kami ni Carol. "Ay, diet 'yan?" rinig kong tanong ni Mia. Siya ang kaharap ko sa mesa. Katabi naman niya si Hannie tapos si Carol katabi ko. "Anong diet? Walang gano'n," rinig kong sabat ni Hannie. Nagpatuloy ako sa pag-s-scroll sa f******k ko habang nakapangalumbaba sa mesa. "Natatae lang siya, guys." Kibit balikat ni Carol.
"Hi, Jude!" masigla kong bati sa kaniya paglabas niya pa lang ng room. Napatigil ito at kunot noo akong pinasadahan ng tingin."Excuse me? Who are you?" tanong nito. Palihim ko siyang inirapan at nanatiling kalma.May biglang umakbay dito na meztisong lalaki. "Ayos pre! May syota ka na pala!" Tinapik nito ang balikat habang nakatingin sa akin. Nang kumindat ito ay saglit kong nakalimutan ang pakay ko. Bakit ang gwapo ng nilalang na 'to?Pero ano daw? Syota?!"Hindi-""Whoop whoop~""Yieee, si Jude may girlfriend na!"Hindi na ako nakapagsalita dahil sunod sunod na lumabas ang mga classmate niya na nang-aasar. Gano'n din siya, speechless. Ang epic nga ng mukha niya!Nang makaalis na silang lahat ay doon lang ako nagkaroon ng pagkakataon para hilahin siya sa dulong hallway kung saan din siya dinala ni Yza kanina. Hindi naman siya agad nakatanggi dahil biglaan ang ginawa ko.
"Kung gusto mong patawarin ka ni Lord sa ginawa mong pagsisinungaling, kilayan mo 'ko." Tinapat ko ang pangkilay sa leeg ni Innie na parang handa kong tusukin ito sa leeg niya. Naistobro ko siya sa paglalagay ng face powder kaya dahan dahan itong umangat ng tingin sa akin saka malawak na ngumiti. "Akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mong traydor ka? Neknek mo. Kaya kilayan mo 'ko!""Ah... hehe... oo ba! No problem!" Agad siyang tumayo at pinaupo ako sa upuan niya. Napangisi ako. Kahit na kating kati ang kamay kong sampalin siya ng kaliwa't kanan, mas pinili kong magtimpi at mag-take advantage na lang. Dahil kailangan kong bumalik sa normal na ginagawa ko, kailangan kong magpaganda.At si Innie ang isa sa mga maymagical handspagdating sa pagkikilay.Ibinaon
"Okay, back to practice Humss-B! Let's go! Let's go!"Napalingon ako kay Frenzy, leader namin sa sabayang pagbigkas. Wala naman akong balak sumali pero nang pina-required na ay wala na akong nagawa. Hindi ko naman ugali sumali sa mga ganito, 'e.Si Carol, siya ang mahilig dito. Kaya nga bago pa man magsalita si Frenzy, nasa pwesto na agad siya. Habang ako bored na bored sa upuan ko. Ang dami talaga naming pagkakaiba.Nang tumayo ako at akmang pahakbang na ay biglang may umakbay at umangkala sa akin. Hindi na ako lumingon dahil sa amoy pa lang, kilalang kilala ko na sila."Tahimik natin, ah. Ganiyan ba talaga kapag broken hearted?" tanong ni Mia. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o talagang wala siyang ideya. 
Sa isang iglap natapos ang lahat. Nagpupunas ako ng pawis sa mukha at katawan habang nakatayo lang sa gilid. Pagkatapos ng performance namin, madami pa ang sumunod. Dahil pangalawa kami sa nag-perform, ang tagal namin naghintay hanggang sa i-announce na ang winner. Maganda nga ang venue pero kinulang sa electric fan. Hindi sapat ang hangin na sumisilip sa bintana. Kada magpupunas ako ng pawis, may panibagong pawis na naman ang lalabas. Ganito kainit sa venue. Hindi kami na-inform na free trial pala sa impyerno ang mararanasan namin dito. "Pucha, ang init talaga," reklamo ko habang sariling sikap na pinapaypayan ang sarili gamit ang aking panyo. Bumaling ang tingin ko sa paligid. Hindi pa rin matapos ang yakapan a
"When are you going to appreciate all my efforts?! Ginagawa ko naman ang lahat para matanggap mo 'ko! I treat you more like my own child than to my real son! I even stayed unfair to Calum just to make you feel that you have someone that's on your side! I was always there!" pagsusumamo ng step mom niya."Why everything wasn't still enough for you?!" punong puno ng pait ang boses niya. Para bang sobrang bigat ng dinadala niya. Mabigat talaga at mukhang ngayon lang siya sumabog sa harap ni Cadence. Pero ang hindi ma-sink in sa utak ko...Magkapatid si Calum at Cadence sa ama?! "It's because you are not my real mom! And you'll never be! My mom is my mom... and no one can ever replace her!" angil ni Cadence. Muli akong napatakip sa bibig. Oo, nasigawan na niya ako pero hi
"You won't going to pick a fight with me ever again? You're going to stop giving me headache?And you will now live as a decent student and will stop giving a damn about other people? Is that what you meant by your sorry?" sunod sunod niyang tanong na siyang nagpanganga sa'kin. Gustong gusto niya talagang alisin ko ang gano'ng ugali ko. Ano ba kasing mali kung mangialam ako ng buhay ng iba kahit na malinis ang intensyon ko? Gusto ko lang naman tumulong. Ayun lang naman. Pero para sa kaniya napaka big deal non. Hindi lang 'yun. Lahat lahat ng bagay sa buhay ko, ang laki ng epekto sa pagiging presidente niya. Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya. "Oo na. Hindi na nga." Pinaglaruan ko ang kamay ko. "Hindi na kita aawayin," dugtong ko. Kumunot ang noo niya. "That's all?" Para bang hindi siya makapaniwala na sa dami ng binanggit niya, isang bagay lang ang pinansin ko. Humalukipkip ako. "Nangingialam ako ng buhay dahil gusto kong tumulong. Malini
Dali dali akong umalis sa kumpulan upang puntahan ang dalawa sa canteen. Hindi ko na kasi matiis na panoorin ang eksena do'n. Bakit sa TV nakakakilig kapag may nangyayaring gano'n? Pero 'pag sa totoong buhay, halos lahat ng buhok ko sa katawan nagsisitayuan. Nakakakilabot.Napairap na lang ako nang maalala kong tinanggap ni Cadence ang regalo ng babae. Akala ko babalewalain niya lang. Halata naman sa una na ayaw niya ang mga gano'ng senaryo. Pero sa huli, bumigay din pala siya. Tss.Luminga ako sa paligid upang hanapin ang dalawa. Hindi ko kasi sila namataan sa loob ng canteen. Mukhang tapos na sila bumili at baka gumagala lang sa paligid.Nang hindi ko sila nahagilap sa buong paligid, paalis na sana ako nang may umagaw ng atensyon ko.Imbes na ang mga kaibigan ko ang makita ko, isang tao ang bumungad sa paningin ko."Long time no see, ah," bulong ko.Bumaon ang kuko ko sa palad sa sobrang diin ng pagkuyom ng kamao ko. Hind