Share

Chapter 20

Lauren

Papunta na ako sa condo ni Lavine ngayon. Hindi ko na ito sinabi pa kay Janine at mang aasar lang naman kasi ang isang iyon. Baka kung ano pa ang sabihin nito sa akin ay mapatulan ko na siya.

Agad na akong sumakay sa elevator ng makarating ako sa parking lot ng building.

May dala nga rin pala akong bouquet ng flowers para kay Lavine. Baka kasi sabihin nito na wala man lang akong kadala dala para sa kanya.

Tsaka nakakahiya rin kung sarili ko lang ang bitbit ko diba? Kahit ba sabihin na ito naman ang nag invite sa akin eh nakakahiya pa rin kung ganun.

Nandito na ako sa may pinto niya ng naisipan ko na mag doorbell. Medyo inayos ko muna saglit ang aking sarili para hindi naman nakakahiya na haharap ako dito.

Maya lang ay bigla na lang bumukas ang pinto at lumabas ang isang Lavine na naka dress ngayon at kuntodo ayos nito na para bang may isang dinner date itong pupuntahan.

Parang ako pa ang nahiya sa suot ko na naka pants lang at white v neck na shirt and vans naman sa baba.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status