StephanieMag sisimula na sana ang pa games ng pinsan ko ng bigla na lang akong hinila nitong si Samantha at hindi ko alam kung saan ako balak nitong dalhin. Basta ang nakikita ko lamang ay ang likod nito pero alam ko na madilim ang mukha nito at hindi ko na naman maintindihan kung ano na naman ang nagawa kong kasalanan dito. Para magalit siya sa akin ngayon ng ganyan. Basta ang alam ko lang ay nag simula ito ng sabihin ng pinsan ko na ang ka partner ko sa games na lalaruin namin ay ang friends nito na kanina pa nag pa pansin sa akin. Pero hindi ko naman ito pinapansin kasi nga ay na kay Samantha lamang ang mga mata ko. Ang gusto ko nga sana ay ito ang ka partner ko kaya lang kill joy naman siya at alam ko din na Hindi din naman ito papayag. Nang mag simula na ang games ay bigla na lang itong tumayo at ito nga hinila na lang ako at mukhang pa punta sa may garden ang tinutumbok namin ngayon. Hindi naman ako nag pu pumiglas pa dahil nga sa gusto ko din naman na hawak ako nito sa ka
StephanieDahil sa sinagot nito sa akin at hindi siya naniniwala ay mabilis na hinigit ko pa lalo ito at bigla na lang itinaas ang kanyang baba upang salubungin ang labi nito ng isang mainit na halik. Bahala na kung ano ang gawin nito sa akin ngayon. Basta kanina ko pa ito gustong gawin sa kanya. Dahil sa pagka bigla sa ginawa ko ay bigla na lang napa awang ang bibig niya na mabilis ko naman ipinasok sa loob nito ang dila ko at ginalugad ang loob niyon. Halos hindi ko naman napigilan ang pag ungol ko ng sinalubong naman ng dila nito ang dila ako at maya lang ay nag labanan na ang aming mga dila at nag paligsahan kung sino ang mas magaling sa aming dalawa. At dahil nga sa wala pa akong experience sa mga halikan na ganyan ay natalo ako nito kaya naman nag paubaya na lang ako sa kanya at e guide ako kung paano ang tamang pag halik. Halos maubusan na kami ng hininga ng mag hiwalay ang labi namin na dalawa. Magka dikit pa rin ang noo namin habang nag hahabol pa rin ng hininga. Hindi k
Stephanie"Nainis lang naman ako dahil sa mga sinabi mo sa amin na below the belt na kaya nasabi ko ang bagay na yun sayo. And sorry for that cupcakes ko." Hingi ko naman sa kanya ng sorry. "Pero alam mo ba na Hindi naman talaga ako nakipag halikan kay Jade eh. Binigla lang niya akong hinalikan nung nakita mo ay hindi ko yun kagustuhan no. Mabuti sana kung ikaw yun ay baka mas pina lalim ko pa ang halikan natin dahil ikaw yun eh." Sabi ko sa kanya. Totoo naman kasi na Hindi ko kagustuhan ang nangyari na yun. Bigla na lang akong hinalikan no. at syempre nagulat ako kaya hindj ako kaagad nakapag react. Sakto naman na pumasok siya at yun ang kanyang naabutan.Matapos ko na ipag tapat sa kanya ang totoong nangyari ay bigla na lang a nakuyom nito ang kanyang kamao. Ang mukhang paa talaga na yun ang kapal ng mukha na halikan ka. Pero sini siguro ko na hindi na muli mauulit pa ang bagay na yun dahil mang hihiram na talaga siya ng mukha sa paa ko. Tangina niya." Galit na galit na sabi nito
StephanieNang maka upo na kami sa bench ay naka hawak pa rin ako sa kamay niya habang ito naman ay naka sandal sa balikat ko habangnaka tanaw kami sa may buwan. Napaka sarap sa pakiramdam na ganito kami ngayon ni Samantha. Hindi ko alam na may gusto din pala siya sa akin. Parang isang fairy tail lang ang lahat ng ito. Kung panaginip ka man sana hindi na ako magising pa. Maya lang ay nag salita na si Samantha"Stephanie, pwede ba na ilihim muna natin ang tungkol sa ating dalawa? Hindi pa kasi ako ready na mag come out eh. Hindi pa ako handa na ipaalam sa iba na ganito ako na may girlfriend na ako at ikaw nga yun. Please sana maintindihan mo ako. Kailangan ko lang na e handa ang sarili ko. Pero Hindi naman mag tagal yun eh. Dahil gusto ko na ipag sigawan don sa mundo na ikaw ang mahal ko at pag aari na kita para wala ng mang harot pa sayo." Malungkot na paki usap nito sa akin. Mabilis na pinaharap ko naman ito sa akin habang naka tingin sa kanyang mga mata. "Naintindihan kita, kaya
StephanieMedyo malalim na ang gabi at kanina pa gusto ko na sana umuwe kaya lang hindi pa ako maka alis dahil nandito pa nga itong si cupcakes ko. Hindi ko naman siya basta basta na maiiwan dito no. Isa pang iniisip ko ay hindi ko man lang nakuha ang number niya. Ang tagal namin na nag usap sa garden kanina ang mahalaga na baga pa na yun ang nakalimutan ko. Hayst nakakainis ka talaga Stephanie. Nawala ka na naman sa sarili mo kasama mo lang mahal mo eh. Hindi na nag function ang utak mo. Tsaka gusto ko din kasi na kung pwede ay ihatid ko siya sa kanila at medyo naka inom na kasi ito eh. Baka kung ano pa ang mangyari na masama dito. Anong silbi na girlfriend ko naman nito kung papabayaan ko lang siya no. Dapat talaga ay nakuha ko ang number niya eh. Kanina ko pa nga hinihintay na mag cr ito at balak ko na sundan na ito at doon na lang kausapin. Hindi naman pwede na basta na lang ako lumapit sa kanya dyan. Mamaya ay magalit pa ito at may usapan nga kami diba na e lihim lang muna an
StephanieMatapos ko makapag paalam sa pinsan ko ay lumabas na ako ng bahay nila at dumiritso na sa kotse ko. Nang maka sakay na ako ay kinuha ko muna ang phone ko at nag chat kay cupcakes ko. Napangiti pa ako ng makita ko ang nilagay niyang name sa phone book ko. "Cupcakes ni Steph." Hayst ang cupcake ko talaga oh. Nag text na ako dito na pauwe na ako kako sa bahay at umuwe na rin siya dyan ng hindi ako nag aalala sa kanya dito. Matapos kong mag text dito ay pina andar ko na rin ang aking kotse at tuluyan ng umuwe sa condo ko. Pag dating ko sa unit ko ay sakto naman na nag reply na ito sa akin na pauwe n rin daw siya. Kaya naman naka hinga ako ng maluwag dahil doon Mabuti naman at umalis na siya doon. Dahil Hindi ako matatahimik kung hanggang ngayon ay nandoon pa rin siya. Alam ko naman ang isip ng mga lalaki na nandoon eh. Hahanap lang ng tyempo para maka isa sa cupcakes ko. Hindi pwede yun no. May girlfriend na ito at ako yun. Kaya off limits na ito. Kung ayaw nila na makatik
StephanieNandito na ako sa may meeting place namin ni Samantha kung saan napagkasunduan namin na dalawa na dito mag kikita. Bago kami pumunta sa date namin.Shit kinikilig na naman ako maisip ko pa lang na date namin na dalawa ito. Halos hindi nga ako nakatulog kakaisip kung saan ko suya da dalhin eh. Syempre naman no first date namin na dalawa ito at couple na kaagad kami. Kaya nga kinakabahan talaga ako ng todo sa totoo lang. Maaga din na bumangon ako kanina upang mag handa ng pagkain namin nito kasi plano ko na sa may Rizal ko siya banda da dalhin. Mas maganda na doon kasi na search ko na marami pwede na mapasyalan kami doon na dalawa. Kung mahilig nga sana ito na mag hiking ay gusto ko na mag hiking kaming dalawa niya. Para ba mas lalo na makapag bonding kami nito. Pero syempre dapat na alamin ko muna ang mga gusto at hindi nito gusto bago ko siya yayain sa ganun. Baka mamaya ay nahihiya lang ito na tumanggi sa akin yun naman pala ay ayaw niya diba. Maya lang ay natanawan ko n
StephanieMag na nine na ng umaga ng makarating kami sa flower farm dito sa Rizal. Ito ang napili ko na puntahan namin ng cupcakes ko. Pansin ko lang kasi na mahilig siya sa flowers at halos lahat ng gamit nito ay may napapansin ako na may flowers ang nga yun.Kaya nga ito kaagad ang naisip ko ng mag search ako ng mga possible na puntahan namin dito eh. Saka ko na lang siya da dalhin sa mga adventure na ganyan kung may mahaba kaming weekend at walang pasok para sulit ang byahe namin. At isa pa ay nasabi ko nga na di ko sure kung like ba nito ang mag gagala at mga hiking na ganyan. Nag bayad na muna ako ng intrance fee bago kami nilapitan ng mag ga guide sa amin ni Samantha. Iniwan ko na rin sa kotse muna ang mga gamit namin at nah dala lang ako ng tubig namin. At saka nilagyan ko na rin tuloy ng towel ang likod nito baka kasi matuyuan siya mamaya dyan ng pawis eh. Nakita ko naman na mukhang tuwang tuwa ito habang busy siya sa pag tingin ng mga bulaklak na nadaraan namin. Habang ang