StephanieNandito ako ngayon sa bahay. Dito na muna ako umuuwe ngayon at nandito na rin kasi sila Mommy galing sa business trip nila. Baka kasi mag taka ang mga ito kapag wala ako dito sa bahay eh. Ang gusto pa naman ng mga yan ay pag nandito sila nakikita nila ako. Para naman palagi silang nandyan. Mas matagal pa nga na nasa ibang bansa sila kaysa ang nandito sila sa pinas eh. Ang dami kaisng business tapos halos ang nag iisa nilang anak Hindi na nila maharap. Kaya gusto mag girlfriend na kaagad para siguro hindi ko sila kinukulit na mag stay naman sila dito sa bahay at hindi yung halos hindi na kami nag papangita ng mga ito. Ang lungkot kaya. Kung alam lang nila. hayst. Kung sana gumawa pa sila ng kapatid ko e di kahit paano ay hindi ako nalulungkot na mag isa lang ako kasi may kapatid pa ako na ba bantayan ko at makakasama ko. Lalo na sa mga lakad. Pag punta sa kung saan saan. Pag gagala sa mall. Kahit naman kasi may jowa ako ay hindi ko naman ito basta na lang mayaya manood n
Stephanie"Mag hunos dili kayo Dad Mom. Joke lang po yung sinabi ko sa inyo. Wala pa sa isip ko ang ganyan. Virgin na virgin pa po ako. Kayo naman oh masyadong excited. Gusto ko lang naman ma feel yung napapanood ko sa mga movies na paallayasin ako tapos makakatikim ako ng mga masasakit na salita sa inyo tapos sasabihin nyo sa akin na wala akong makukuhang mana o kahit ni kusing sa inyo. Naman kasi eh. Bakit naman kasi ganyan ang reaction nyo." Naiinis na baling ko sa mga ito. Kainis naman oh. Gusto ko lang naman ma feel ang ganun ay. Hayst ano ba naman klaseng parents meron ako oo. Mas gusto pa nila na maka buntis ako ng maaga. Kaysa ang maka graduate na muna ako. Walang hiya . Nakita ko naman kung paano biglang nawala ang malawak nilang ngiti ngayon na napalitan naman ng pagka asar na naka tingin sa akin at para bang gusto na akong tirisin sa inis Tama lang yan ng pare pareho tayo ng nararamdaman ngayon. Akala naman nila ha. "Kausapin mo nga ng maayos yang anak mo ha Mommy at pa
StephanieLunesHindi natuloy yung lakad namin kahapon ni Samantha dahil nga anong oras na sila naka uwe ng family nya galing sa Batangas. Akala kasi nito ay before lunch eh nasa Manila na sila yun naman pala ay gabi na nag byahe ang mga ito. Kaya tuloy yung balak namin na date nito ay hindi na rin natuloy. Balak ko pa naman na dalhin ito sa condo ko at ipag luluto ko na lang siya doon ng mga favorite nitong pagkain. Alam nyo na Hindi ko naman yan pwede dalhin sa mga sikat na restaurant at baka nga may maka kita sa amin na magkasama. Ayaw ko naman na pag chismissan kami. Sa akin okay lang ang inaalala ko lang ay ito.Dahil sure ako na sobrang affected ito pag nagkataon. Na ayaw ko naman na mangyari. Di bali babawi na lang ako sa susunod. Naintindihan ko naman ito eh. Hindi naman nito kasalanan kung late na silang naka uwe sa bahay nila. Desisyon yun ng parents nya at wala akong magagawa sa bagay na yun. Dumaan na muna ako sa locker at bitbit ang niluto kong lunch para kay Samanth
StephanieNag hi hintay ako ngayon dito sa may coffee shop kung saan ang usapan namin ni Samantha. May date kasi kami ngayon eh. Ngayon namin itutuloy ang hindi nangyari nung weekend kasi nga diba nasa Batangas sila ng family nya. Nauna na ako dito kasi nga wala na kaming pasok at nagpa activity na lang si Sir. At sa next meeting namin pa iyon ipapasa. Mas maganda na mauna ako sa kanya kaysa ito ang pag hintayin ko. Alam nyo naman ang ugali nun wagas. Baka bigla na lang yun umuwe pag hindi ako nakarating kaagad. Iniisip ko ngayon kung saan ko kaya ito da dalhin. Gusto ko sana na ayain itong manood kami ng sine. Showing na kasi yung matagal ko ng hinihintay na movie eh. Pero mukhang hindi yun pwede. Pero try ko pa rin. Malay nyo naman diba pumayag ito. Eh di ito ang una namin na manonood ng sine together. Sa medyo malayo na lang sa mall ko ito da dalhin para naman walang chance na may maligaw doon na nag aaral sa university or nakakakilala dito. Medyo sikat pa naman ito. Hindi
StephanieNandito na kami ngayon ni Samantha sa Mall kung saan ay balak namin na manood ng sine. Manonood na daw muna kami bago kumain. Total naman ay kumain na kami ng cookies kanina sa may coffee shop. Ang laki tuloy ng ngiti ko. Hindi ko alam na effective din pala dito ang kunwari pag tatampo ko. Kung alam ko lang sana ay matagal ko ng ginawa ang bagay na yun. Hindi nya rin pala ako kayang tiisin. Hayst ano ba yan kinikilig na naman ako eh. Sa simpleng mga ganitong bagay na ginagawa niya ay kilig na kilig na ako. Paano pa kaya kung mga major major na. Hayst baka himatayin na ako nun. Sumakay na kami sa elevator para maka punta na sa sinehan. Sa may 4th floor pa kasi banda yun eh. Tinatamad na yata ang isang ito na mag lakad. Baka umiiwas lang sa mga makakakita sa amin na dalawa. Sakto naman na dalawa lang kami ang sakay nun ng sumakay kami kaya naman mas lalo lang akong lumapit dito. Gusto ko pa nga sana na hawakan ang kamay nito pero mukhang ayaw niya. Kaya hindi na lang ako
Stephanie"Bakit hindi ka man lang umiwas nung hinalikan ka ng malanding yun ha!!!? Siguro gustong gusto mo talaga eh no. Mag sama kayo ng babaeng yun!!!" galit na sigaw nito sa akin habang hindi pa rin tinitigilan na kuskusin ang aking pisngi na hinalikan ni ate girl. Masakit na sa totoo lang ang pisngi ko pero hindi ako maka reklamo sa kanya at baka hindi lang ito ang abutin ko sa kanya. Lalo pa nga at alam ko na galit na galit ito. Kung bakit ba naman kasi hinalikan pa ako sa pisngi ng babaeng yun eh. Hindi ko naman siya gusto at wala naman akong paki sa kanya. Tapos pag bintangan pa ako na I checking her out daw. Apaka sinungaling. Napa tingin lang eh. Masyadong assuming naman sya. Kaya Samantha lang naman ako mapapatulala no. Tsaka hindi man lang nahiya na bigla na lang nang hahalik. haystTuloy kailangan ko pang manuyo ngayon ng mqlditang handa na akong bugahan ng apoy. hayst kainis talaga. Ang ganda na kasi ng simula namin kanina eh. Kunting kunti na lang oh at makarating na
StephanieNung una ay nag pupumiglas pa ito habang hinahalikan ko siya pero kalaunan ay gumanti na rin ito sa halik ko at mas aggressive pa siya ngayon kaysa sa dati. Agad na ikinawit nito ang kanyang mga braso sa leeg ko at mas pinag lapat ang halikan namin na dalawa kaya naman hindi ko naiwasan na mapa ungol ng hulihin nito ang dila ko at sinipsip yun ng bahagya. Shit ang aggressive niya na para bang dito niya idinadaan ang kanyang galit. Pero okay lang naman sa akin yun. Nang pareho na kaming maubusan ng hininga ay nag hiwalay kami saglit nito bago nag lapat muli ang aming labi at this time ay medyo mabagal na at may pag suyo na doon. Oara bang ninanamnam na lang ang tamis ng labi ng bawat isa. Mga ilang minuto din na nag halikan kami ni Samantha hanggang sa nag hiwalay na rin kami nito. Medyo humabol pa nga ako sa kanyang labi eh. Bitin ang potek"Manood na tayo" Pag aaya ko na dito kapag daka. Tumango naman ito sa akin kaya naman hinawakan ko na ang kamay nito at lumabas na
StephanieNandito kami ngayon sa isang kilalang restaurant medyo malapit lang kung saan kami pumunta ng mall upang manood ng sine. Hindi na kami kumain sa mall at baka may maka kita pa sa aming dalawa doon at mag taka kung bakit magkasama kami ni Samantha. Mabilis lang naman na na e handa ang aming mga na order at sinimulan ko ng lagyan ng pagkain ang plato nito. Naka pwesto kami dito sa may bandang gilid at medyo tago. Yung hindi mo kaagad mapapansin kung hindi mo sa sadyain na puntahan dito banda. Mabuti na nga lang at may ganito silang area dito eh. Malaya ko tuloy na maaasikaso ito sa kanyang pagkain. Hindi naman sa imbalado ito at hindi niya kayang kumain na mag isa. Syempre gusto ko lang na pag silbihan siya no. Sa dami ba naman ang nakuha kong halik dito kanina at yakap. Naman inspired ako na gawin ang mga bagay na ito sa kanya no. At isa pa ay gusto ko din na iparamdam dito na special siya sa akin. Kahit naman hindi ako naka halik sa kanya ay gagawin ko pa rin ang bagay n