StephaniePanay naman ang tinginan ng mga estudyante na madaanan namin. Habang itong isang tuko na ito ay ang laki ng ngiti pa nito. Hindi ba siya nahihiya na pinag uusapan kami ng ganyan. Na nakikita nila kung gaano siya ka dikit sa akin. Na ako ang kasama niya? Sa isip isip ko. Ang nakikita ko kasi ngayon ay isang Jade na parang proud na proud pa na ako ay kasama niya. At parang sinasabi sa lahat na off limits na ako kasi pag aari na niya ako. Duh walang pwedeng mag may ari sa akin kung hindi ako lang. Naranasan ko ng ipag damot ako at angkinin ng iba na puro pag ku kunwari at pag pa panggap lang pala ang lahat for the shake of Lamborghini. Heck hindi na ako mag papauto ngayon. Kahit na si Jade pa yan. Gusto ko na maka siguro muna kung tunay ba ang nararamdaman nito sa akin. at kahit tunay pa yun ay hindi ko pwede na basta na lang ipagkatiwala ang puso ko dito. Gusto ko muna maka move on para hindi unfair din sa part niya. Ang gusto ko ay buo ako pag nag mahal akong muli. Tama
StephanieDumaan muna ako sa cr dito sa building namin dahil naiihi na kasi ako eh. Kanina pa ito. Tiniis ko na nga lang at inihatid ko pa nga sa room nila itong si Jade. Tapos isama nyo pa yung mga bully na mukhang sila naman ngayon ang na bully. Ang kakapal ng mga mukha na mag pakita pa sa akin. Akala naman nila ay maka isa pa sila. duh hindi naman ako pinanganak kahapon no. At hindi naman ako pinanganak ng nanay ko para pag laruan lang nila. Kung gusto pala nila ng laro di ko sila urungan. Kaya lang dapat ganun din sila. Walang ayawan. Baka pag na sampulan silq tulad nung kanina ay baka umayaw na ang mga ito. Nang maka raos ako ay lumabas na ako sa cubicle pero natigilan ako bigla ng makita ko itong leader nila na todo ang sama na naka tingin sa akin. Pansin ko din na may dala itong jacket. Pero nag iwas na lang ako ng tingin dito. Mas gusto ko na lang iwasan ito baka pag di ako makapag pigil sa aking sarili maka sakit ako. Na ayaw na ayaw kong mangyari. Nag hugas lang ako ng
Stephanie"Wala akong dapat na ipaliwanag sayo. At ano na man sayo kung sya ang may gawa ng nasa leeg ko na sinasabi mo. Duh single ako. Single din sya sa pag kaka alam ko at walang rason para hindi kp gawin ang mga ganitong bagay. Unless na may boyfriend siya ay talagang hindi namin pwedeng gawin yun." sagot ko na lang dito. Tsaka inalis ko na rin ng tuluyan ang pag kakahawak nito sa aking kamay. Masakit na kasi eh. Gusto ko na rin na umalis na sa cr na ito at baka kung ano pa ang mangyari sa among dalawa dito. Kahit na sobrang galit ako ay hindi ko pa rin kaya na manakit dito. Baka sapakin pa ako ng Mom pag nalaman nito na may sinaktan akong babae. Kahit na kasalanan pa nito yun. "Kung wala ka ng itatanong pa ay aalis na ako. Masyado kang nakaka abala." Sabi ko dito at tuluyan ng umalis. Mabuti na nga lang at hindi na ako nito pinigilan pa. Subukan lang naman niya eh. Tanggalin ko naman talaga ang kamay niya sa akin. Muli kong inilabas ang aking alcohol at nag lagay sa part na a
StephanieLunch break na at mag isa na lang ako nag lalakad ngayon pa punta sa may canteen. Naka pag bihis na rin ako. Napalitan ko na yung suot kong crop top at pati na rin yung jacket na ipinilit na pinasuot sa akin ni Samantha kanina nung nasa cr kami. Kakaiba talaga ang babae na yun eh. Kapal ng mukha na basta na lang lalapit sa akin ng ganun ganun na lang na akala mo ay walang ginawang kabalbalan sa akin. Kung Hindi nga lang ako naka oo kanina kay Jade ay baka sa labas na lang ako kakain eh. Makaiwas na rin sa gulo na dala ng mga ito. Wala din naman si Avril at ewan ko ba sa isang yun halos hindi ko na nakakasabay kumain palaging may important na gagawin or pupuntahan. Nakakapag hinala na talaga. Pansin ko din na halos si Ms. Catherine na lang ang nakikita ko na lumalabas para kumain dito sa canteen. Wala na rin ang mga kaibigan nito na katulad niyang dyosa sa ganda pero drangon na parang laging bubunga ng apoy pag galit. Bahala sila dyan. Basta huwag nila akong bugahan ng a
StephanieMag sa salita pa sana ang kaibigan ni Jade ng bigla na lang sumigaw si Samantha "shut the fuck up!!!, hindi ito palingki para mag ingay kayo ng ganyan at lalong hindi ito motel oara mag landian kayo!!!" galit na galit na sigaw nito. Bigla na lang tuloy natigil ang kaingayan at lahat na lang ay naka yuko na ang mga nandito sa Canteen na halatang takot na takot makagawa ng ingay man lang. Maging itong mga kaibigan ni Jade ay natahimik na rin at parang nag usap na lang sila sa mata. Ano naman kaya ang problema ng isang ito? Dapat yung sarili niya ang pag sabihan niya ng ganyan. Dahil siya naman ang pasimuno ng mga kaingayan at kalandian dito sa campus duh. Maya lang ay tumayo na kami ni Jade at balak na namin na bumili ng pagkain namin. Medyo gutom na rin kasi ako. Mabuti na nga lang at nav aya na ito na bumili kami. Akala ko nga ay wala pa siyang balak bumili eh. Makikipag yabangan na lang sa kanyang mga kaibigan. Naka bili na kasi ang mga friends nito at mukhang hinintay
StephanieNang maka alis na ang mga ito ay lumapit naman sa kin si Ms. Catherine na may naka paskil na smirk sa kanyang mukha. "Good yung ginawa mo kanina. Tama lang sa kanila yun para maramdaman din nila kung paano ma bully at wala silang magawa" bulong nito sa akin at tuluyan na itong umalis. Napa sunod na lang tuloy ang tingin ko sa kanya. Hayst akala ko kung ano lang ang sa sabihin sa akin ni Ma'am. Akala ko pa nga ay papagalitan pa ako nito dahil sa nagawa ko eh. Mabuti na lang talaga at mukhang alam naman nito na palagi akong na bu bully ng mga ito. Yan tuloy hindi sila naka ganti sa akin. Pero expect ko na sa mga susunod na araw at oras ay mas lalo lang lumiliit ang lugar ko dito sa campus. Kailangan na talaga na maka graduate na ako kaagad upang maka alis na ako sa lugar na ito. Dahil baka hindi na ako makapag pigil pa ay mapa tulan ko ang mga ito. Kawawa naman sila pag naubos na ng tuluyan ang pasensya ko sa kanila. Maya lang ay lumapit na sa akin si Jade at mabilis na c
StephanieNag mamadali na akong nag lalakad papunta sa room ko. Baka kasi ma late ako e. Alam nyo naman na medyo napatagal pa ako na naka alis kay Jade at ang dami pa kasing tanong nito at halos ayaw pa talaga ako nitong paalisin. Kung hindi nga lang ako nakiusap sa kanya ay malamang na wala pa talaga balak na pakawalan ako nun. Sa wakas ay dumating na rin ako sa room namin at nandoon na nga si Avril na naka kunot noo na naka tingin sa akin. Nag tataka siguro ito kung saan pa ako nag susuot at bakit late na ako naka pasok. Di pa naman sa late talaga pero malapit na. Dati kasi ay mas nauuna pa talaga ako dito room. Sadyang may mga nangyari lang talaga na Hindi maiiwasan kaya yun. "Saan kapa galing at ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay dito." tanong nito sa akin kapag daka. "Napa sarap lang ang tambay ko sa garden at di ko namalayan ang oras. Hindi ko nga napansin na lobat na pala ang phone ko kaya naman pala hindi tumunog ang alarm ko." pag dadahilan ko naman dito. Sana lan
StephanieHabang nag da drive ako pauwe sa bahay ay takaw attention ang aking kotse. Ano pa nga ba ang asahan ko eh. Mukhang tanga lang naman ang kotse na mukhang binaboy ng mga baboy.Mula yan ng pag alis ko sa school hanggang dito sa pag pasok ko sa subdivision ay pinag titinginan talaga. Iniisip siguro nila ano kayang trip ko sa buhay. Wala naman akong trip sa buhay. Sadyang napag ti tripan lang ng mga taong kulang sa attention at aruga ng kanilang mha magulang. Mga pa pansin. Mga ksp kulangot sa paa. Kainis lang. Nang makarating ako sa bahay ay mabilis na tinawag ko ang driver namin at inutusan ito na ipa ayos ang kotse ko. At tsaka huwag na lang banggitin pa ito sa parents ko dahil sure ko naman na mag tatanong ang mga ito sa akin eh. Yung Big bike ko na lang muna siguro ang aking ga gamitin pansamantala at hindi na rin muna ako doon sa usual parking ako mag pa park. Para maka iwas na rin tuloy ako. Pakiusapan ko na rin tuloy yung mga guard sa school na kung pwede paki tanaw