Share

Chapter 19

Avril

Di ko naman maiwasang mapailing sa sinabi nito. Siguro nag away na naman sila ng boyfriend niyang mukhang kulugo na may pagkakahawig ni dambu.

Sinimulan ko na rin na punasan ito ng maligamgam na tubig at ng kahit paano ay mahimasmasan naman sya sa kanyang kalasingan.

Pinunasan ko ng dahan dahan ang mukha nito ng bimpo at panay lang ang tabig nito sa kamay ko.

"Ano ba? Bakit ba ang init naman nyan? Gusto mo ba akong pasuin?" Lasing at galit nitong sita sa akin.

Hay kahit lasing na ay ang sungit pa rin. Maligamgam lang kaya ito. Kung makapag reklamo kala mo naman ay bagong kulo tong ginamit kong tubig sa kanya. Maya buhusan ko siya dyan ng bagong kulong tubig at doon siya mag reklamo.

"Maligamgam lang to Ma'am." Inis ko namang sagot dito. Ang kulit kasi

"Basta mainit yan. Lagot ka sa asawa ko pag nalaman non na gusto mo akong paliguan ng kumukulong tubig." Pa pikit pikit ito habang nagsasalita.

"Bakit kamukha mo yung cute kong asawa ha?" Tanong nito sa akin sabay hawak sa mukha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status