AvrilNang makaupo na ito ay mabilis na sumakay na rin ako at inayos ko na rin ang aking seat belt. Bago ko ito pina andar na. "Saan tayo pupunta Julian?" Tanong ko kaagad dito sa katabi ko."Pa Batangas tayo na miss ko nang pumunta doon. Basta sasabihin ko na lang sa iyo kung saan banda kapag nandoon na tayo." Mabilis naman na sagot nito sa akin.Tumango na lang ako at nag drive na. "Ah Julian pwede kumain muna tayo at di pa kasi ako nag be breakfast." Nahihiyang sabi ko dito ng nasa kalagitnaan na kami ng biyahe. Nakakaramdam na rin kasi ako ng gutom. Tsaka like ko rin na makapag pahinga pansamantala sa pag da drive. Ayaw ko naman na itong kasama ko pa ang mag drive at nakakahiya naman. "Sige, ikaw na lang bahala kung saan tayo kakain. Konti din lang ang kinain ko kanina kamamadali." Sagot naman nito sa akin ng nakangiti."Pwede mag fast-food na lang muna tayo at wala pa atang open na mga fine restaurant ngayon." Baling kong tanong ko naman dito."Sure walang problema. Di naman ak
AvrilPansin ko lang dito kay Julian parang bigla ata syang tumamlay mula nung pinag usapan namin yung about sa marriage ko kay dragon na maldita.Di na kasi ito katulad kanina before kami kumain na sobrang hyper nya. Oh baka nagkamali lang ako ng sapantaha at baka napagod na siguro ito. Sabagay ay ang dami na nga naming nalibot kanina. Last na pupuntahan namin dito sa farm ay yung mag tatanim kami ng puno ni Julian. Lahat daw kasi ng pumupunta dito bago umalis ay need na mag tree planting kaya naman mag tatanim kami mamaya. "Ok ka lang ba Julian? Para kasing matamlay ka. Masama ba pakiramdam mo?" Nag aalala kong tanong dito ng di na ako makatiis. Mas matamlay kasi siya ngayon kaysa kanina. "Kung gusto mo pwede mauna ka na sa kotse at hinatayon mo na lang ako doon. Kami ni manong ang bahalang mag tree planting." Concern na suggestions ko dito. Kargo ko pa naman ito. Yan kasi akala mo malakas ang katawan at dito ako niyaya mamasyal. Yun naman pala sakitin. Hayst ang liit naman kas
JaneMedyo tinanghali na akong nagising ngayon. Buti na nga lang at sabado kaya ok lang kahit magbabad pa ako sa kama ko. Dami ko kasing tinapos na paperwork's kagabi. Medyo uminit pa nga ang ulo ko dahil andami na namang mababa ang nakuhang score sa pa long quiz ko kahapon. Nag announce na nga ako na mag pa long quiz ako at ng makapag review muna sila pero wala pa rin talaga. Nakakainit lang tuloy ng ulo. Mga tamad mag aral puro pasarap lang sa buhay porket mga anak mayaman. Hindi ko naman nilalahat ha. Nakakainis lang kasi. Kala naman nila maaawa ako sa kanila pag di sila naka pasa. Sa parents nila ako naaawa dahil halos mag paka kuba na ang mga magulang ng mga ito sa kaka trabaho para lang mabigyan sila ng maginhawang buhay at mapag aral sila pero anong ginagawa ng mga ito? Puro lakwatsa, paggastos ng walang habas. Inom dito inom doon. Puro pag boboyfriend girlfriend ang ginagawa na akala mo naman at mga kaya na nila ang sarili nila pero ginagastos sa date ay pera pa rin ng paren
AvrilPauwe na kami ngayon ni Julian pa Manila. Traffic pa dito sa may Batangas banda. 7 na ng gabi kaya kabado na talaga ako. Mukhang magmamadaling araw pa yata kami makarating ng manila pag ganito ang usad ng sasakyan. Dapat kasi kanina pa kami umuwi at ng hindi kami naabutan ng rush hour. "Avril kain kaya muna tayo? Medyo gutom na rin kasi ako." Sabi sa akin ni Julian. Bigla naman akong nahiya dito dahil doon. Oo nga pala di pa kami nag di dinner. Kakaisip ko kasi kung paano agad makakauwi at kung ano na kaya ang ginagawa ng dragon ngayon. "Pasensya na Julian ah. Sige tingin ka na lang dyan sa gilid kung saan mo like kumain." Sabi ko dito habang nag da drive pa rin. "Ge pag may nadaanan tayong restaurant ay doon na tayo kumain." Ngiting sabi naman nito sa akin."Huwag ka ng kabahan dyan. Magagalit lang yung asawa mo ngayon pero di ka nun kayang tiisin. Ikaw pa e ang lakas mo kaya doon." Sabi nito pero di ko naman ma gets dahil paano ako naging malakas doon? palagi ngang galit s
AvrilPagka park ko ng kotse sa may garahe ay napabuntong hininga na lang ako. Kinakabahan na bumaba na ako ng aking kotse at naglakad na papunta sa front door.Sana naman po god tulog na ang aking asawa at hindi nito mapansin na wala ako sa bahay niya. Pero alam ko na malabong mangyari yun. Knowing Ma'am Jane hindi niya palalampasin ang mga ganitong ginawa ko. Agad ko naman na nilabas ang susi at kinakabahan na binuksan ko na ang pintuan saka dahan dahang pumasok. Nakikiramdam baka gising pa ang dragon. Nakahinga naman ako ng maluwag ng mapansin ko na nakapatay na ang ilaw dito sa sala. Mukhang naka tulog na ang asawa ko ah. Thanks god at pinakinggan mo ang dasal ko. Nasisiyahang pumasok na ako ng tuluyan at sinara na rin ang pinto.Bubuksan ko na sana ang ilaw ng biglang may nag flash mula sa monitor ng tv dito sa may sala.Agad naman akong napatingin doon. Isang "welcome home cheater" ang nakasulat doon. Nang mabasa ko iyon ay bigla na lang akong pinag pawisan ng malamig. Pati
AvrilKinakabahan naman na kinuha ko mula sa aking bulsa yung phone ko saka ko inabot ito dito. Patay na ang naglason. Di ko pa na erase yung mga selfie at mga picture namin doon kanina ni Julian. Bakit ba kasi hindi ko naisip ang bagay na iyon kanina. Pagka abot ko dito ng phone ko ay agad na akong umalis sa harapan nito at nag mamadali ng umakyat papunta sa aking kwarto. Kailangan ko ng maligo agad dahil ayaw kong paghintayin pa ito sa akin. Alam ko naman na malalagot na talaga ako dito mamaya. Bakit ba kasi di ko naisip kanina na e shareit na lang ang mga picture kanina sa phone ni Julian. Tuloy imbis na nakaligtas na ako sa kanya ay mas lalo pa akong malalagot nito. Need ko na bang maghukay ng aking libingan? Need ko na rin bang tawagan ang St Peter para sa service nila? Huhuhu sana naman po ay sumanib sa asawa ko ang kapangyarihan ng kabaitan at hindi ang kamalditahan kahit ngayon lang po nakikiusap ako. Kailangan ko na rin bang tawagan ang parents at mga kaibigan ko upang m
AvrilNilapitan ko ulit ito at pinunasan ng damit ko ang ilang bakas pa ng luha sa pisngi at mata nito. Napapikit nalang ako dahil sa katangahan na nagawa ko. Pinaka ayaw ko na nakikita ito na ganito. Mas ako ang nasasaktan. Sobrang na ko konsensya talaga ako sa aking nagawa dito. Maling mali nga naman kasi ako sa bagay na iyon. May asawa na ako kaya dapat nagsasabi ako dito ng mga gagawin ko. Hindi ko dapat e compare kung ano ang ginagawa nito dapat gawin ko rin dahil may isip naman ako para malaman kung tama o mali ang mga gagawin ko. Maya lang ay narinig ko na lang ang biglang pagtunog ng tiyan nito. Nagtatakang napatingin naman ako dito."Kumain ka na po ba?" Tanong ko naman agad dito na medyo naka kunot pa ang aking noo.Inirapan lang naman ako nito " sino naman kaya ang gaganahang kumain kung ganyang di na nga kita ma contact tapos nambabae ka lang naman pala." Sagot agad nito saka tingin ulit sa akin ng masama.Napakamot na lang ako sa aking ulo at hinila na ito pa puntang k
JaneMagaan ang pakiramdam na nagising ako. Ang ganda kasi ng panaginip ko. Agad ko naman ginala ang aking mata at tinignan ang katabi ko. Pero biglang nangunot ang aking noo ng mapansin na wala na ito sa kanyang higaan. Don't tell me umalis nanaman sya?Dahil kung oo ay itatali ko na talaga siya dito sa bahay. Inuubos nya na masyado ang pasensya ko ha. Pasalamat nga siya sa akin kagabi at ang pag bato ko lang ng phone nya ang nangyari sa kanya. Dahil kung hindi ay puputulan ko na talaga sya. Pero mautak din ito dahil niyakap ako kagabi. Alam ko naman kung bakit para nga naman hindi ko siya masampal. Nag iisip din pala ito minsan. Inis na bumangon na ako sa aking kama at nag tungo na sa cr upang gawin ang aking daily routine. After ko sa cr ay lumabas na ako ng kwarto at tuloy tuloy na bumaba na.Agad naman akong sinalubong ng isang mabangong amoy na nanggagaling sa may kusina. Parang alam ko na kung nasaan ang aking magaling na asawa ah. Napapangiting lumakad na ako at agad dumir