Paglingon ko ay nakadapa na ang bata, katabi ang mga basag na hollowblocks. Kita ko ang agad na paglapit ng isang teacher habang ang iba ay nakiki-usyoso lang. May kumuha pa ng video. "T-tumawag kayo ng ambulansya," sigaw ng teacher na ngayon ay kandong na ang bata habang hawak ang ulo nitong may dugo. "Tumabi kayo..." Hinawi ko ang mga taong naki-usyoso, at Kaagad kong binuhat ang bata. "Teacher sumama ka na, dalhin na natin siya sa hospital," sabi ko. Walang tugon, pero sumunod naman sa sinabi ko ang teacher. Patakbo naming tinungo ang gate. Mabuti na lang at maraming tricycle na naka-abang sa labas. Uwian na nga kasi. Pero itong batang pasaway na 'to, imbes na umuwi kaagad. Bumuntot-buntot pa sa akin, kaya ito ang napala. Binigyan pa ako ng problema. Sa pinakamalapit na hospital kami nagpahatid. Mahigpit ang pagyakap sa akin ng bata. Umiiyak at walang tigil ang pagbigkas ng salitang Papa hanggang makarating kami sa hospital. Nasa labas lang ako ng ER. Inaasikaso na kaagad ng
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako, o talaga bang si Gwin ang babae na nakikita ko. Hindi ako makagalaw, hindi ko magawang lumapit sa kanya.Kaagad siyang sinalubong ng teacher at tinuro ang kinaroroonan ng bata. "Mama..." humihikbing sigaw ng bata. Sabay bumaling ang tingin namin ni Tonyo sa bata na ngayon ay nakaupo na. Nakalahad ang mga kamay, at hinihintay na lumapit si Gwin na tinawag niyang Mama. Kahit may luha sa mga mata, ngiting-ngiti naman. Sandaling bumagal ang paglalakad ni Gwin. Bakas ang pagkagulat nang makita kami ni Tonyo, pero maya maya ay patakbo itong lumapit sa bata at kaagad niyakap. "Anak, Widmark, anong nangyari? Masakit ba?" tanong niya. Banayad niyang hinaplos ang ulo ng bata at hinalikan ang sugat nito. Kumunot ang noo ko. Talagang si Gwin nga ang babae na nasa harap namin ngayon. Umiiyak habang yakap ang batang sinasabi niyang anak. Nahagod ko ang buhok ko kalaunan. Ano ba itong nangyayari? Akala namin nawala na siya. Akala namin may nangyari
Awtomatikong nahinto ang paghakbang niya. Kita ko rin ang pagtaas-baba ng kanyang balikat bago niya ako muling hinarap. "Anong kasinungalingan ba ang pinagsasabi mo sa Anak mo, Gwin? Hindi kita hinuhusgahan o nilalait sa naging buhay mo ngayon. Pero ang gamitin ako at sabihin sa kanya na ako ang Papa niya, mali 'yon, Gwin." "Hindi mo ba narinig kanina, Fred. Paulit-ulit ko na ngang sinasabi sa kanya na hindi ka niya Papa," madiin nitong tugon. "Kung gano'n, bakit niya pinipilit na Papa niya ako?""Kasalanan ko, inaamin ko naman 'yon. Naging burara ako. Nakita niya ang picture nating dalawa. Pero 'wag kang mag-alala, Fred. Ginagawa ko naman ang lahat, mawala lang isip niya na may Papa siya. Sunog na nga ang picture na 'yon, hindi na niya makikita. Wala nang magiging problema." "Sigurado ka?" tanong ko. Lumapit ako at hinawakan ang braso niya . Matalim din ang mga titig ko sa kanya na bahagyang nagpaatras sa kanya. Kaagad niya ring hinablot ang kamay niya. "S-siguradong ano, Fred?"
GWIN POV Madaling araw na, ngunit dilat pa rin ang mga mata ko. Sobrang pagod ang katawan ko. Ang isip ko, pero ayaw naman akong dalawin ng antok. Mabuti pa itong Anak ko, kahit may sugat at masakit ang ulo, mahimbing pa rin ang tulog. Humihilik pa nga. Napapangiti na lang din ako habang pinagmamasdan siya. Panay kasi ang pag-sleep-talk niya, ako naman ay panay ang pagbuntong -hininga. Paanong hindi ako makatulog, akala ko kasi matapos ng sagutan namin ni Fred kanina ay hindi na niya ako kakausapin o papansinin. Pero may pahatid-hatid pa ng resibo. Pwede naman sanang iutos na lamang niya kay Tonyo 'yon. Tapos may pasundo-sundo pang sinasabi. Loko ba siya? Sabi niya, ayaw niyang bubuntot sa kanya ang Anak ko. Bakit ngayon, siya ang parang bumubuntot? Napabuntong-hininga na naman ako. Napatingin sa bigay ni Fred na resibo. Hanggang ngayon kasi ay hawak ko pa rin. Nabuang na rin siguro ako. Dahil sa resibong 'to kasi. Naalala ko ang noon. 'Yong panahon na hinawakan n'ya ang kamay k
FRED POVKanina pa ako nagtitimpi. Kanina pa nagpipigil. Ang pinakaayaw ko ay iyong pinaghihintay ako. Insaktong alas-otso ako nagpunta sa bahay nila, hindi pa pala sila handa. Tama siya, galit nga ako. Sino ba ang hindi magagalit? Pinaghintay na nga niya ako kanina. Nasaksihan ko pa maagang landian nila ng nobyo niyang kalbo. Ngayon ay uutasan niya pa ako? Nanliit ang mga mata niya na ngayon ay walang kurap na nakipagtitigan sa akin. Kung anong talim ng tingin ko ay 'yon din ang nakikita ko sa mga mata niya. "Bitiwan mo ako Fred!" utos na naman niya. Napangisi ako. "Ayos ka rin, Gwin. Matapos ng mga sinabi mo kahapon, ngayon ay aasta kang parang walang nangyari. Kikilos ka ng normal, at uutusan mo pa ako ng basta-basta na lang gaya ng dati—""Sira-ulo ka ba, Fred?" gigil, ngunit pabulong niyang putol sa pagsasalita ko. "Matindi pa ako sa sira-ulo, Gwin. Para sabihin ko sayo, hindi na ako ang dating Fred na kaibigan mo! Kaya 'wag kang umasta na kilala mo pa rin ako." Nilingon niy
"Fan? Seriously, Gwin? Iyon talaga ang sinabi mo sa Anak mo, fan lang kita? Is it that hard for you to say that I'm your best friend?" I asked bluntly.Tumiim ang labi niya. Namumula na rin ang mga mata at unti-unting namumuo ang mga luha, pero may bakas pa rin ng inis. "Hindi ka lang pala mahilig sa taguan, Gwin, sinungaling ka pa!" dagdag ko. Pero parang hindi na niya ako naririnig. Na kay Widmark na ang paningin niya. Napangisi ako. Ang dami kong sinabi. Wala man lang siyang reaksyon. Kahit ang e-defend ang sarili, hindi niya ginawa. Napaghahalata ang pagiging guilty niya. "Anak, Widmark... " Hinaplos niya ang balikat ng bata, ngunit tingin ko, wala siyang balak magpaliwanag. Inaalo niya lang si Widmark, para hindi na ito magtanong pa. Hindi ko maintindihan. Bakit niya kailangan itago na mag-best friends kami? Ang dali lang namang sabihin. Ang daling ipaliwanag. Bakit ang hirap para sa kanya? "Magsalita ka naman, Gwin. Naghihintay kami ng paliwanag mo. Bakit ka ba, nagsinungali
GWIN POVHindi ko na napigil ang magtaas ng boses. Talagang ginagalit kasi ako nitong si Fred. Nabuhay kami ng Anak ko na wala siya. Nabuhay kami na hindi niya alam na may bata na palang nabuo dahil sa kahibangan namin noon. Tapos ngayon ay basta na lang siya papasok sa buhay namin. Aastang concern sa Anak ko. Samantalang no'ng panahon na kailangan ko siyang makausap, para malutas ang problemang pinasok namin. Wala siya dahil puro na lang siya Mitch. Hindi ko siya hahayaan na guluhin ang mga utak ng namin ng Anak ko. Hindi ko 'yon mapapayagan. Sisiguraduhin kong aalis siya rito sa Negros, matapos ang project nila, at hindi na muling babalik. Magkalimutan na lang kaming lahat. "Halika na Widmark. 'Wag na matigas ang ulo." Hinawakan ko ang kamay ng Anak ko, at hinila siya. Pero ayaw siyang bitiwan ni Fred. Nakagat ko ang labi ko. Matalim na tingin ang pinukol ko sa kanya. "Bitiwan mo ang Anak ko, Fred," gigil at madiin kong sabi. "Ayaw ngang umuwi ng Anak mo, Gwin. Pagod at inaan
Nabitiwan ko ang hawak na kutsara. Feeling ko nawalan ako ng lakas sa sobrang pagkabigla. Hindi ko inaasahan ang tanong niya. 'Tsaka, bakit niya ba naisip na si Fred ang ama ng anak ko? Ni si Fred nga, hindi nag-isip na anak niya si Widmark. "Masyado bang nakakagulat ang tanong ko, Gwin?" ngising tanong niya. "Wala nga akong bibananggit na pangalan, pero ganyan ka na maka-react. Napaghahalata ka tuloy." Naubo ako. Nabilaukan dahil dito kay Tonyo na panay pasaring, may kasama pang nakakalokong ngiti ang mga sinasabi niya. "Tumahimik ka nga, Tonyo. Pinagsasabi mo r'yan," tugon ko matapos uminum ng tubig. Feeling ko bumara ang pagkain sa lalamunan ko. "Pinagsasabi ko?" ngumisi na naman siya. Kada ngisi niya ay nag-iinit lalo ang ulo ko. Gusto ko na nga siyang sigawan ngayon. Tumahimik lang siya. "Hindi ka nakakatuwa, Tonyo—" "Hindi rin ako nagpapatawa, para matuwa ka," sarkastiko niyang tugon. "Ano ba talaga ang problema mo, Tonyo? Deritsuhin mo nga ako. 'Wag mo akong idaan sa mga