Chapter 14Nalipat lahat ng paningin ng mga estudyante sa room namin nang padabog na namang nagbukas ang pintuan.Tulad ng inaasahan, si Michael na naman ang pumasok. Pawisan ito at sinabi na naman ang usual line niya, "Ma'am, sorry for being late." Paghingi nya ang pasensya sa professor namin na tumango at muli nang bumalik sa pagkaklase. Bad mood ata si tanda.Agad akong napaiwas nang tingin nang magtama ang paningin namin ni Michael. Nag-umpisa syang maglakad at tumigil sa tapat mismo ng desk ko. Nagpatay malisya naman ako at kunwari ay may binabasa sa notebook ko.Napansin nya sigurong wala akong balak na pansinin sya kaya naman naupo na sya at naglabas ng kung ano sa bag nya.Maya-maya ay may pumatak na crumpled paper sa desk ko galing panigurado kay Michael. Muli ay nagpatay malisya ako at dahan-dahang siniko iyong papel para mahulog iyon sa sahig.Rinig kong napatakla si Michael sa ginawa ko at di ko naman maiwasang mapangi. Sinigurado ko naman di nya napansin ang pagngiti ko.
Chapter 15"Aray... po... ate dahan-dahan po!"Natawa nalang ako nang maluha-luhang sinabi ni Hikari iyong mga salita iyon sa babaeng nagbubunot ng kilay nya. Kasi naman, kahit nasasaktan na sya di parin nya nakakalimutang gumalang. Kakatuwa syang panuorin dahil kakaiba 'yung mga reaksyon nya."Wag ka malikot, be! Baka hindi pumantay ang bunot ko!" Sabi pa ng babae na nagbubunot ng kilay ni Hiraki. Pilit nitong inihaharap ang mukha nya pero nanlalaban naman sya.Tumingin iyong babae kay Dark na para bang humihingi ng tulong. Napabuntong hininga naman si Dark na nasa tabi bago tumayo at lumapit sa kapatid nya.Nagulat ako nang bigla nya pisilin ang kaliwang pisngi ni Hikari at napaaray naman ito. "Wag ka nga maarte, Hikari! Tinutulungan ka na nga dyan! Pag di pumantay 'yang kilay mo bahala ka, sa halip na mawalan ka ng bully madadagdagan pa dahil mukha kang tanga!" Sabi ni Dark kay Hikari at binigyan ito ng masamang tingin.Di naman sumagot si Hikari at maluha-luhang tumingin dun sa ba
"Woah! Hikari, is that you?" Natutuwang tanong ko habang papalapit kami sa isang babaeng nakatayo sa harap ng isang salamin. Mukhang di rin sya makapaniwala sa nakikita nya. "You're look very different."Namumulang tumingin naman sya sa'min ng kuya nya at kiming ngumiti. "I can't believe it myself." Nahihiya pang sabi nya.Inilipat ko naman ang tingin ko kay Dark na abot tenga ang ngiti. Tumatango-tango pa sya habang nakahawak sa baba nya. "Hmm. I knew it. Ghad, I'm a genius." Mahangin na bulong nya.Natawa ako sa sinabi nya. Para syang isang artist habang tinitingnan ang obra maestra nya. Ehem, wala po syang ginawa kanina kundi kumain ng tatlo bowl ng ice cream. 'Yung nagmake-up po ang bigyan natin ng credits.Binalik ko ang tingin ko kay Hikari.Iba na ang suot nya ngayon. It's a cute pink dress. Tama lamang ang haba nito. Kita ang napakaputi na tuhod at binti ni Hikari. Sleeveless iyong dress kaya medyo na expose 'yung braso nya pero desente parin tingnan. Napansin kong wala na din
After kong makatanggap ng letter mula sa isang di kilalang tao, pakiramdam ko ay parati na may nagmamatyag sa bawat kinikilos ko. Pakiramdam ko palaging may mata na nakasunod sa bawat galaw ko. Nararamdaman ko ang presenya nya sa paligid ngunit hindi ko sya makita. Simula noon, palagi din akong nakakatanggap ng rosas na nakalagay sa loob ng locker ko. Ang totoo nyan, napapalitan ko ang lock ng locker ko pero sa di malamang dahilan ay patuloy parin ang pagtanggap ko ng mga rosas.Natatakot man ako ay wala akong ibang pinagsabihan. Tulad ng palaging rason ko, ayoko nang mandamay pa ng ibang tao. Isa pa lalaki ako kaya walang dapat ikabahala. Medyo liko man ang sekswalidad ko, may lakas parin naman ako ng tulad sa iba pang mga lalaki. Hindi ko na rin masyadong iniisip at binibigyang pansin ito. Lalo na at malaki ang posibilidad na babae ang may kagagawan ng prank na ito, hanggang sulat lang ang magagawa nya.Naputol ang malalim na pag-iisip ko nang biglang tumunog ang cellphone ko na na
"D-Dark?" Mahinang sabi ko.Tama, si Dark nga ang nakabungguan ko. Bigla naman akong nakaramdam ng relief nang malaman kong nandito siya sa harapan ko. Tila nabawasan ang sakit sa loob-loob ko. Ngunit kahit na naibsan ang sakit sa dibdib ko, andun parin ang luha na gustong kumawala mula sa mata ko.Inilahad naman sa'kin ni Dark ang kamay nya para tulungan akong tumayo ngunit di ko na iyon natanggap dahil nag-umpisa nang tumulo ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.Halata ang gulat mula sa mukha ni Dark dahil sa biglaan kong pag-iyak sa harap nya. Ngunit hindi sya nagtanong sa akin.Marahang inalalayan nya akong patayo at hinila papunta kung saan. Dinala nya ako sa likuran ng bahay nina Michael kung saan naroroon pool at kung saan walang tao kundi kaming dalawa lang.Hindi sya nagsalita at inantay nya lang akong matapos ng pag-iyak. Nakaupo lang kami sa isang upuan doon habang tahimik nya akong pinagmamasdan."You alright now?" Tanong nya nang mapansin nyang hindi na ako naiyak. M
"Kuya, do I really have to attend school wearing this outfit?" Nahihiyang tanong ko kay Kuya Dark na nagda-drive ngayon papuntang school. "Baka hindi bagay sa'kin." Dagdag ko pa at tiningnan ang suot kong off-shoulder dress na above knee ang haba. Tinapunan naman ako ni Kuya ng tingin at agad ding binalik ang mata nya sa daan, "Hikari, have faith in your self. You look stunning today." Pagpuri sa akin ni Kuya Dark dahilan para mamula ako. Hindi kasi ako sanay na pinupuri ako ng tao, kung kutya siguro baka kasanayan ko pa. Napakagat ako sa labi ko, "Hindi ba malaswang tingnan?" Paninigurado ko pa. Eh kasi naman, medyo labas ang hita at balikat ko sa suot ko. Nakakailang talaga para sa akin. Nagulat ako nang tumawa nang malakas si Kuya, "Patawa ka, 'neng!" Sabi nya. "Ikumpara mo naman 'yang sa mga suot ng kaklase mo na halos labas na 'yung kuyukot at hinaharap nila, di hamak na disente kang tingnan." Sabi nya na naiiling-iling pa. "Kuya naman, eh!" Ungot ko sa kanya. Kinakabahan na
I want to violate you.Napakunot ng bahagya ang noo ko ng mabasa ang sulat na nakalagay na naman sa locker ko. Tulad ng mga nakaraang araw, may kasama na naman itong rosas na pula. At aaminin ko, nag-uumpisa na akong mabahala dahil mukha wala talagang balak na tumigil ang taong nagpapadala nito sa'kin.Nabahala din ako sa nilalaman ng sulat ngayon. Isang pangungusap lang iyon pero parang may halong ibig sabihin ang mga salitang iyon. Nakaramdam tuloy ng kilabot ang buong katawan ko.Kailangan ko na bang humingi ng tulong?Nabigla ako nang magbukas ang locker ni Michael. Binuksan na naman pala iyon ni Avy at may kung anong kinalikot na naman sa loob ng locker ni Michael. Mabilis ko naman naitago sa loob ng locker ang sulat na hawak ko bago pa sya tuluyang mapatingin sa akin."Hi, Carlo." Sabi nya habang may nakapaskil na pekeng ngiti sa labi nya. Paano ko nasabi peke? Halata kasi. "Bakit bigla ka nalang nawala kagabi?"Dahil sa hindi ko inaasahan na itatanong nya ang bagay na iyon, di
Napaaray ako nang may malakas na dumutdot sa noo ko. Marahan ko naman nahimas iyon at tumingin kay Dark na malawak nakangiti sa akin."Wag mo ikunot 'yang noo mo. Papangit ka pag naging permanente 'yan." Natatawang sabi nya at inirapan ko nalang sya. Walang sabing umupo sya tabi ko at umakbay sa'kin. "Bakit ka andito? Nagcucutting ka?" Tanong nya sa'kin.Napabuntong-hininga ako at napahalumbaba habang nakatingin sa soccer field ng school namin. May mga nag-eensayo doon na mga estudyante. Naghahanda na yata talaga sila dahil nalalapit na ang official game nila laban sa ibang school. Napakahalaga pa naman nito sa school namin dahil panalo kami ng 7 consecutive years sa larong soccer."Hindi. Napalabas ako sa classroom." Nanghihina na sabi ko. "Di lang 'yun, nasigawan pa ko ng prof namin." Walang ganang sabi ko at napabisangot ang mukha dahil naalala ko ang itsura ng prof ko kanina.Narinig ko tumawa si Dark kaya sinamaan ko sya ng tingin. Naitikom naman nya ang bibig nya at tumikhim, "B