Share

Chapter 33

"Carlo, inom ka pa!" Sabi ni Coach at muling tinagayan ng alak ang baso ko.

Marahas na napailing naman ako sa ginawa nya, "De, tama na po. Hindi po ako pwedeng uminom ng marami, magagalit po 'yung Tita ko." Sabi ko na lamang.

Ang totoo nyan, ayos lang naman kay Tita kung iinom ako basta limitahan ko lang daw. Ako lang talaga ang may ayaw uminom ng madami dahil di ako gaanong sanay.

"Teka, nasan na ba si Michael?" Biglang tanong ni Coach kina Ailan na nagkukwentuhan tungkol sa nangyari sa game kanina.

Napatingin naman 'yung tatlo sa kanya.

Napansin ko na napasulyap muna si Ailan sa'kin, "Bigla pong nawala pagkatapos ng game, eh!" Sabi nya.

Kinuha ko 'yung baso na tinagayan ni Coach ng alak kanina at ininom iyon sa sobrang inis. Alam ko naman kasing kaya wala dito si Michael ay dahil iniiwasan ako nito.

Eh di wag sya pumunta! Ano naman? Pabor pa nga sa'kin 'yun.

Naramdaman ko bigla ang mainit na pag guhit ng alak sa lalamunan ko nang lunukin ko iyon. Nagtaka pa ako dahil hindi na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status