"So alam na niya and he's planning na mag-live in kayong dalawa sa unit niya?" Lei asked as I told her about the news, na sinabi ko na kay Levi na buntis ako at gusto ni Lev na doon ako titira sa unit niya para mabantayan, maalagaan ako at ang pagbubuntis ko.May part sa akin na gusto ko na doon tumira kasi makakasama ko na si Lev at mas masasanay kaming dalawa na mag-handle ng relationship namin nang magkasama at maaalagaan namin ng maayos ang pagbubuntis ko pero may part sa akin na ayaw kong umalis kasi iiwanan ko si Lei na mag-isa dito sa apartment."You look so happy so yeah I'm always here to support you." Lei smiled at me and held my hands. "Pwede ba kaming sumama ni Zy para alam din namin kung maayos ba ang tutuluyan mo.""Yeah, sure! Nasabi ko na rin naman kay Lev na isasama ko kayo and approved naman sakaniyan iyon.""That's great!" and she looked at her phone kasi nag-ring iyon, baka si Zy na iyon. "So tara na at nandoon na daw si Zy sa baba pati na rin ang future husband mo
"What?" Ine-expect ko na talaga na ganito ang magiging reaction ng pamilya ni Levi kapag nalaman nila na buntis ako. Ano pa nga bang aasahan ko? Tutol sila sa relasyon namin ni Levi, siyempre mas lalo silang magagalit sa akin dahil nagpabuntis ako sa anak nila."Mom I'm sorry po pero nangyari na eh." "I'm sorry nagulat lang ako hijo. I didn't expect na mapapaaga ng ganito. Ang bata niyo pa for f*cking sake." Nagulat si Levi sa sinabi ng mommy niya at ako hindi na nagulat. Pakitang tao lang naman ang mommy niya. Mabait kapag nakaharap si Levi pero kapag wala ang anak niya, halos isumpa na ako."I am planning to marry her mom and dad." Napatayo bigla ang mommy niya atsaka tumingin sa akin ng masama. Aba! bakit ako sisisihin niya? Ako ba nag-aya magpakasal? hindi naman ah, anak niya nag-aya hindi ako."Anak look hindi ka pa tapos sa pag-aaral mo and also si Allison. Mahihirapan kayo niyan to build a family. Last year mo na sa college and five months from now ga-graduate kana and you'll
"Para kang zombie dyan." Sabi ni Lei na nag-a-asikaso ng breakfast namin. Maaga kasi yan pumunta dito dahil sinabi ko sakaniya yung narinig ko kagabi. Feeling ko talaga si Dianne iyon eh."Hindi lang ako nakatulog ng maayos." napa-face palm ako. Nag-o-overthink na naman ako."Baka naman kasi ka-boses lang iyon ng ex niyang higad be." Sabi niya habang papalapit sa akin dito sa table. Inilapag niya yung pagkain at umupo sa tapat ko. Binigay niya sa akin yung milk na tinimpla niya at yung tocilog na gawa niya."Hindi eh, parang boses talaga niya iyon.""Hay nako Allison, ma-stress ka lang diyan. Makakasama yan sa baby mo. Ito ikain mo nalang." susubuan niya sana ako nang kuhain ko sa kamay niya yung kutsara.May kamay naman ako bakit pa ako susubuan? Babaeng ito talaga."Niloloko lang kaya ako ni Levi?" Sabi ko sabay nguya ng pagkain. Sinamaan naman ako ni Lei ng tingin."Allison mahal ka ni Levi atsaka bahala ka mag-isip diyan.""Tignan mo ito, akala ko ba ayaw mo kay Levi? Bakit parang
"Are you still thinking about her?" Levi asked while playing with my hair. Is he pertaining to Dianne? Siya lang naman ang pinag-awayan namin kanina.Nandito kami sa kwarto at nakahinga kami sa kama. Nakaunan ako sa dibdib niya habang siya naman ay pinaglalaruan ang buhok ko. Nakayapos naman ang braso ko sa baywang niya. Nilalanghap ko rin ang pabango niya na.Nang hindi ako sumagot ay itinigil niya ang paglalaro sa buhok ko at nagulat ako nang halikan niya ako sa noo ko. I smiled."You don't need to think about Dianne, wifey. You're now my girl and soon to be my wife. Magkakaroon na tayo ng anak so bakit kita lolokohin? Nagbago na ako wifey." Ramdam ko ang sincerity niya doon sa sinabi niya. I know he's changed and I trust him but I don't trust that girl.Alam kong mahal pa rin ni Dianne si Levi. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Kahit kaunting panahon ko lang nakilala si Dianne, alam ko na agad ang motibo niya. Mas lalo siyang nagkaroon ng lakas ng loob
Aaminin ko nakaka-boring dito sa condo ni Levi. Kahit may TV, kahit maraming pwedeng pagkaabalahan, kahit may phone ako, iba pa rin talaga iyong nakakagalaw ka ng maayos, iyong nakakapag-exercise ka, iyong nagtatrabaho ka para kumita ng pera. Nakakamiss iyong ganoon na ginagawa ko.Alam ko naman na maraming nagbago, hindi ko naman pwede na ipagpilitan na magtrabaho dahil buntis ako. Kahit gusto kong nandito lang si Levi ay hindi ko pwedeng hilingin dahil siya ang pinagkakatiwalaan sa kompanya nila. Hindi lang ako ang priority niya at naiintindihan ko naman.Hindi ko rin pwede na papuntahin lagi dito sila Lei at Zy, may mga sarili pa rin silang buhay. Kahit gusto ko naman lumabas ay hindi ko pwedeng gawin baka kung ano lang ang mangyari sa akin lalo na't wala akong kasama.Maya't-maya naman tumatawag si Levi sa akin kaya nababawasan ang pagka-boring ko. Kapag tumatawag si Levi ay saglit lang pero maya-maya ay tatawag ulit. Gugustuhin niyang umuwi kaso marami siyang kailangan tapusin. N
Nag-stay pa ako rito sa secret room sa office niya at si Levi ay nasa mismong office niya ngayon para may tapusin na mga documents. Hindi alam ng mga empleyado ang secret room na ito, only Cianne at ako lang ang nakakaalam. Nagtataka nga ako bakit hindi alam ni Dianne, ay ano naman kung hindi niya alam, mas better nga iyon eh. Sino ba siya, ex lang naman siya ah!Marami naman stocks ng foods dito kaya habang nanunuod ng Netflix sa kwarto ay kumakain ako. Ang ganda naman ng buhay ko rito, para akong princess. Bigla naman nag-ring ang phone ko kaya kinuha ko iyon sa bedside table, si Lei tumatawag. Bakit kaya? Sinagot ko na para malaman kung bakit siya tumatawag."Oh?" Bungad ko sakanya"Gaga ka nasaan ka ba?" "Nasa office ni Levi, bakit?" I asked habang humihigop ng milk tea na in-order ni Levi kanina."Nandito kami ni Zy sa labas ng condo unit niyo, gaga ka sabi mo kasi Ice cream kaya bumili ako para ibigay sa 'yo!""Biro lang iyon eh pero bakit mo ako binilihan?""Ay ang dami mong t
Hindi ko alam kung anong kasalanan ko bakit biglang nagalit si Levi. Ilang beses ko rin siyang tinatawagan pero hindi naman niya sinasagot at nang tawagan ko ulit, pinatay niya ang phone niya. So I called Cianne but she said na pinauwi na siya ng sir Levi niya. Hindi naman ako pwede pumunta roon kasi ang lakas ng ulan at mukhang may bagyo pa yata.Hindi ko na alam ang gagawin ko, iyak lang ako nang iyak rito. Tinatanong ko nga ang sarili ko kung ano nga ba yung mga nasabi ko or kung ano bang nagawa ko bakit siya nagalit. Yung tungkol ba kay Andrew? Siguro pero ayoko naman sisihin si Andrew, wala naman siyang kasalanan rito.Speaking of Andrew, tumatawag siya so I answer it immediately. Huminga muna ako ng malalim at pinunasan ang mga luha ko. I heard him sigh."Are you okay? You're crying, hmm nag-away ba kayo?" Ang galing niya naman mahalata na umiiyak ako pero ayoko pa rin iparinig sakanya na umiiyak ako baka isipin at sisihin niya ang sarili niya, wala naman siyang kasalanan. Humi
Naiwan na naman ako dito sa condo dahil may pasok si Lei at si Zy naman ay may iniutos sakanya si Tita. Mag-isa na naman ako kaya naisipan ko nalang na manuod ng T.VPero agad din naman akong na-boring sa pinapanuod ko kaya naisipan ko nalang na matulog nalang ulit dahil inaantok na naman ako.Nagising ako dahil may narinig akong ingay sa labas, nakauwi na ba si Levi? Bumangon ako para tignan kung nakauwi na ba si Levi pero pagkalabas ko wala naman siya. Tuluyan na akong nakalabas ng kwarto at ni-check ko ang buong bahay pero wala si Levi doon. Baka napa paranoid lang ako, nkakarinig ng kung anu-ano.Babalik na sana ulit ako sa kwarto nang biglang lumitaw si Levi galing sa kabilang kwarto at gulo-gulo ang damit niya at ang buhok. Anong nangyari sakanya at bakit siya galing doon?Bakas sa mukha niya ang pagkagulat, nagtataka akong tumingin sakanya, pinagmamasdan ko nang mabuti ang inaakto niya. Panay rin ang paglunok niya na akala mo may ginawa siyang malaking kasalanan."Hon okay ka l