Dos:NGITING TAGUMPAY AKONG napatitig kay Rose na pulang-pula sa wala sa oras niyang pag-amin na umani ng hiyawan at tilian sa amin ng buong nayon.Panay pa ang kurot nitong gigil na gigil sa akin at 'di makatingin sa mga mata kong nanunudyo sa kanya. Parang nawala ang kalasingan ko na napasagot ito at sa harap pa ng lahat!"Sweetheart" malambing tawag ko ng napakatahimik na nito habang nandidito na kami sa bahay. Natahimik na rin ang paligid mula sa kasiyahang naganap kanina at mukhang tulog na ang mga tao.Napahalukipkip itong napatingala sa bilog na buwan na napapanguso."Dos" saway nito sa pagyakap ko mula sa likuran at nakidungaw na rin dito sa bintana na pinagmasdan ang may kabilugang buwan."Saan mo gustong magpakasal tayo sweetheart? Dito o sa syudad? P'wede ring beach wedding o kaya abroad" napailing itong binaklas ang mga braso kong nakayapos sa baywang nito at pumihit paharap."Ang bilis mo talaga, kasasagot ko pa nga lang sayo eh. Kasal agad?" napabungisngis akong sumubsob
Dos:MARIIN AKONG NAPAPIKIT at pinakiramdaman ang paligid. Napakatahimik pa rin dito at ramdam kong nakahiga na ako sa matigas na bagay at nakaunan sa hita ng kung sino at sinusuklay-suklay ang buhok ko."Rosas, anong gagawin natin? Humihinga pa ba si poging bay? Lagot tayo nito kay Bagyo" dinig kong nag-aalalang saad ni Tight sa paanan ko at....minamasahe ako sa paa."Kalma ka lang, humihinga pa naman siya. Paano ba 'to naging captain sa duwag niya? Nakakaloka, gusto ko ng maniwalang bakla ito eh" natatawang sagot nitong ikinabungisngis ni Tight. Hindi na ako nakapagpigil at kinabig ito sa batok at siniil ng mapagparusang halik sa labi! Napatili pa si Tight sa paanan habang nanigas itong sweetheart kong hindi makakilos sa pagsisiil ko ng may kariinan! Dawalang beses na niya akong sinabihang bakla! Kahit naman may pagkamalambot ako ay alam ko naman sa sarili ko na 101 percent sigurado na lalake ako. Lalaking-lalake!"Hmptt! lintek ka Dos!" hinihingal itong pilit hinaharangan ang mukha
BAGYO:NAIILING na lamang ako at hinahayaan ang mga staff ng salon na pinasukan namin nila Kuya Tyrone, Typhus at Taylor na asikasuhin ako mula ulo hanggang paa. Kagagaling lang namin sa dermatologist nila para sa recommend nitong safe gamitin sa balat ko para mag-glow. Kahit tumanggi ako ay wala na akong nagawa ng bitbitin ako nila kuya na pinagkaisahan.Kahit paglilinis ng mga kuko ko pinagawa pa talaga nila. Kita ko naman ang effort nila para madagdagan ang self confidence ko at makalabas sa comfort zone na nakasanayan ko. Ayon kay Ate Yonyon masanay na raw ako sa tatlong Kuya namin dahil kung sinabi nila ay gagawin talaga nila. Wala namang masama sa kagustuhan nilang mag-level-up ako lalo sa panlabas na anyo at pananamit. Sobrang tuwa ko lang na inilalabas nila ako sa publiko.Kita ko nga na mas kuminis at pumuti na ang balat ko sa dalawang araw pa lang namin. Maging si Mommy at Daddy ay kitang masaya sila na magkakasundo kami ng mga Kuya at Ate ko. Nakakamiss lang na wala si Do
BAGYO:NAPANGISI ako sa isip-isip ko ng mapalunok itong bumaba ng tingin sa mga labi ko. Sinadya kong iawang ang mga labi kong bahagyang ikinakibot ng mga labi nitong napaawang din. Dahan-dahan kong iyinuko ang mukha ko at mahinang natawa ng itingala din nito ang mukha na tila hinihintay dumapo ang mga labi ko dito at napapikit."Tingin mo ba talaga. . . hahalikan kita, Lieutenant?" bulong kong ikinamulat nito. Napangisi akong ikinamula ng magandang mukha nito at bigla akong. . . tinuhod!"Urghhh!! Lintek naman oh! ahhh! Shit!" Sunod-sunod kong hiyaw na napasapo sa alaga ko. Nagka-crack na yata ang eggs ko sa lakas ng pangtuhod nito. Namutla naman ito na bakas ang pag-aalala sa mga mata nito at 'di alam kung tatakbo ba o dadaluhan ako!"S-Sorry! M-Masakit ba?" nauutal nitong tanong.Sinamaan ko ito ng tingin na ikinatikom ng bibig nito at nagsusumamong tumitig sa akin na parang nagpapaawa!"Sira ulo ka ba!? Ikaw kaya ang may bayag at tutuhurin kita kung 'di ka mapapadaing. Pag ako
DOS:BAGSAK ang balikat kong muling bumalik ng mansion pagkahatid ko kay Bagyo sa labas. Naiintindihan ko naman ang malaking obligasyong ginagampanan niya sa nayon nila kaya hindi ko na ito pinilit manatili pa dito kahit namimiss ko na itong kasama. Marami pa namang nexttime at kailangan ko na ring bumalik ng trabaho ko."Saan ka ba nagpupupunta, huh?! Ang dami na palang nangyayari sa'yo, wala manlang akong kaalam-alam." Napakamot ako ng ulo sa panenermon ng bestfriend kong sumunod din pala hanggang dito sa silid ko."Nanuyo ng katulad mong magandang dilag pero mainitin ang ulo sa aming mga JR Del Mundo, bakit?" makahulugang sagot kong ikinatigil nito at bahagyang pinamulaan. Pinaningkitan ko ito na ikinangiwi at iwas nito sa akin ng tingin. Napaghahalataang tinamaan sa sinaad ko."Hmm. . .anong nangyayari dito, Ange? Ikaw yata ang dapat magkwento ng mga ganap dito ah," tudyo kong inakbayan na itong iginiya paupo ng sofa. Napahalukipkip pa itong pinatulis ang nguso na pinakibot-kib
BAGYO:MAGDIDILIM na nang makarating ako ng nayon at agad namang sumalubong si Tight at Rosas na halatang namiss din ako. Napapa-oh pa ang bibig nila na namimilog ang mga matang napupuno ng kamanghaan na mapasadaan ako. Wala na kasi akong suot na reading glasses at nakapagpagupit na ako ng tulad kay Dos na bumagay din naman sa akin. Kaya siguro hindi ako namukhaan ni Ange na may lahing maninipa dahil lalo kaming naging magkamukha ni Dos. Kung pagtatabiin nga kaming tatlo nila Kuya Taylor ay mapagkakamalhan kaming triplets dahil iisa na halos ang mukha namin. Iba-iba nga lang ang personality na siyang pagkakakilanlan sa aming tatlo."Ikaw na ba 'yan, bay?" natutulalang saad ni Tight na sinusuri pa rin ako mula ulo hanggang paa. Napapalunok pa itong humawak sa kamay ko at maging pamumuti at kinis ng balat ko ay 'di nakaligtas sa paningin nito."Ayos ba?" nangingiting tanong kong ikinatango-tango ng mga ito na napa-thumbs-up pa."Anong ginawa sa'yo, bay? Iba na talaga ang nagagawa ng m
BAGYO:TARANTA ang mga itong nire-revieve si Dos dahil tumutunog pa rin ang monitor na flatline ang lumalabas kung saan wala na itong pulso! Lalo yata silang napi-pressure na nandidito ang buong angkan ng mga Montereal!"Ako na nga!!" bulyaw ko na nagpatigil sa mga ito at agad binigyan ako ng espasyo. Kaagad ding sumunod si Rosas sa akin na linapitan ang walang buhay na katawan ng kapatid ko! Para akong may sapi at walang ibang mahalaga sa akin ngayon kundi ang buhayin siya!"Dos. . . Kuya, nandidito ako. Ililigtas kita. Lumaban ka, huh?" pagkausap ko dito at sinimulang i-cpr ito. Sumampa na rin ako ng kama at pumailalim sa tyan nito. Panay ang pump ko sa dibdib nito habang tumutulo ang luha."D-Dos. . . Dos, nandito ako. Lumaban ka naman oh. Marami pa tayong plano, 'di ba? Nangako kang magpapakasal pa tayo at bubuo ng malaking pamilya. Sige na, please? Nakikiusap ako. Lumaban ka, sweetheart. Nandito lang ako," umiiyak na pagkausap ni Rosas na nasa ulunan ng kapatid ko.Nagpatuloy a
Bagyo:NAGHAHABOL AKO NG hiningang binitawan ang mga labi nitong nilalakumos ko sa sobrang panggigigil ko sa kamalditahan nito.Napalabi itong pinangilidan ng luhang ikinatigil ko kaya nabitawan ko na ang mga kamay nitong inipit ko sa ulunan nito. Bigla naman akong nakonsensya na tumulo ang luha sa magaganda niyang mga mata habang nakatingala sa akin."S-Sorry...b-bakit kasi mapanakit ka" mahinang saad ko na pinahid ang luha nito. Lalo tuloy itong naiyak at parang batang umatungal sa harapan ko. Natatawa kong kinabig ito na ikinulong sa bisig at sinamantalang yakapin ang malambot at slim nitong pangangatawan. Napasubsob naman ito sa dibdib ko na napapahagulhol pa rin. Sa uri ng pagiyak ay dinaig pa ang namatayan. Hinagod-hagod ko ito sa likuran at pasimpleng sinisinghot ang bango nito. Maging ang gamit na shampoo ay humahalimuyak ang bangong kay sarap samyuhin."Bw*set ka talaga ng buhay ko. Aamoy-amoyin mo pa ako. M*nyak mo talaga" humihikbing saad nito na ikinabungisngis ko at mas n