Tama nga ang iniisip ko kanina, hindi kami sabay kumain. Mag-aalas otso na ng gabi pero hini padin ako makatulog. Napabalikwas ako at tumihaya. Hindi din siya dito natulog gaya no'ng nakaraang gabi. Kailangan ko bang magsorry? Umupo ako at ginulo ang buhok.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko." Sabi ko sa sarili.
"Kung puntahan ko kaya siya sa kwarto niya?" Masaya kong sambit.
Kinuha ko ang isang unan at naglakad papuntang kwarto niya. Hinawakan ko ang lock saka pinaikot ito. Mabuti nalang at hindi niya sinarado. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto saka tahimik na sinarado.
Tumayo ako sa gilid ng kama niya habang nakatalikod siyang nakahiga. Mabuti pa siya nakatulog agad. Naglagay ako ng unan sa band
Nakarating kami sa klase na hindi nawala ang paghawak kamay. Pilit kong kinakalas kanina ang mga daliri niya pero ayaw niya ako bitawan. Pagkapasok at pagkapasok namin ay rinig na rinig ko kung paano ako pag-usapan ng mga kaklase namin. Pati ba naman sila? Hinatid ako ni Darrel sa upuan na parang sa tingin niya sobrang layo nito. Naiinis akong umupo sa upuan. Nilapag ko agad ang mamahalin kong bag at lumingon kay Yohan.Napalabi ako sa kaniya. "Yohan," tawag ko."Hmmmm?" ang tanging naging sambit niya na hindi man lang ako binigyan ng tingin."Morning." Bati ko. Hindi siya kumibo. "May problema ka ba?" Nagbabakasakaling tanong ko.Umiling lang siya at humarap sa pisara. Anong nangyari sa kaniya? Galit ba siya sa'kin?"Uyyy, Yohan." Kinalabit ko siya. "Yohan." Sa wakas at lumingon na siya sa'kin."'Wag
Buong araw akong hindi lumabas ng kwarto. Nilagyan na ni Mom ng benda ang sugat ko sa pisngi. Hindi ko napansin kanina may sugat din pala ang tuhod ko. Hindi din ako kumain, wala akong gana. Pumapasok lagi sa isip ko ang sinabi ni Yohan pati nadin ang ginawa ng ibang estudyante dahil sa dalawang lalaking 'yon. Ano pa kaya ang kaya nilang gawim sa'kin 'pag nagpatuloy lahat ng 'to? Mabubuhay pa kaya ako? O puro nalang sugat ang mukha ko? Gano'n ba nila kagusto ang dalawang 'yon? Na halos saktan na nila ako? At si Yohan? Gano'n na lang ang pagkakaibigan namin? Nakatulugan ko ang pag-iisip sa lahat ng nangyari.Nagising ako ng maramdamang may humahaplos sa pisngi ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nasilayan ko ang nag-aalalang mukha ni Darrel. Nakaupos siya sa kama saka pinagmamasdan ang mukha ko ng malapitan."Hey," bati niya. Pilit siyang ngumiti pero hindi ko ito sinuklian bagkos tinitingnan ko kung ano siya kagwapo sa malapitan. "I'
Lumabas ako nang kwarto para hanapin si Darrel suot ang pares ng pajama ko. Alas sais na pala ng gabi. Bumaba ako mula sa ikalawang palapag ng bahay. Pagkadating sa baba ay nakita kong busy sina Mom at Dad, nakaharap sila sa nga papeles na nakalatag sa mini table."Good evening, mom, dad." Bati ko sa kanila. Tumayo agad sila at humalik sa pisngi ko."How are you, Pen?" tanong ni Dad. Bumalik naman si Mom sa ginagawa niya."I'm fine, Dad." Sagot ko."Nakitang kong bumaba si Darrel kanina, parang galit yata siya." Napataas agad ako ng kilay kay Dad. "Where did he go, dad?" kuryoso kong tanong.&nb
Lumabas si Darrel mula sa banyo na nakasuot ng kulay blue na pajama at sando na puti. Ang gwapo niya lalo. Nakahiga lang ako habang pinagmamasdan siya. "Sleepy?" tumaas ang gilid ng labi niya matapos magtanong. Iling lang ang tanging naging tugon ko. Magagabi na kaya ako nagising. Umupo agad siya sa tabi ko saka hinaplos ang buhok ko. Napapikit ako bigla."May test tayo bukas, hindi ka magrereview?" napabuntong hininga ako. "Ayoko, tinatamad ako." Sabi ko saka pumuot."Hmmmm? Magiging cheater ka na naman?" "Hindi ah!" depensa ko."Eh ano? Magrereview o hindi?" napairap
Hinatid kami ng mga magulang namin sa labas. Nakaparada na pala ang kotse niya sa harap. Humarap muna ako sa kanila at nagpalaam."Mauna na po kami." Tumango ako sa kanila at pumasok na sa kotse. Sinarado agad ni Darrel ang pinto at humarap sa kanila. Nagpaalam siya siguro pero bakit ang tagal naman yata? Nagtaka akong tumingin sa kanila. Sa huli ay humalik siya sa Mom ko at Mommy niya. Umikot agad siya sa kotse at pumasok sa driver's seat. Kumaway ako sa kanila at maayos na umupo."Bakit ang tagal mo?""May pinag-usapan lang sandali." Pinaandar niya ang makina saka pinatunog ng dalawang beses ang busina. Umalis na kami lulan ng kotse."Anong pinag-usapan niyo?" kuryoso kong tanong.
Nagising ako na nakahiga sa malambot na kama ng clinic. Inikot ko agad ang tingin ko sa kabuuan nito at nakita kong nakatulog si Darrel habang hawak ang kamay ko. Bahagya ako napangiti. Napatingin ako sa damit ko. Nakahinga ako ng maluwag na naka T-shirt ako. Hindi na ako madumi, pero sino ang nagbihis sa'kin? At kaninong damit 'to? Akma akong uupo ng kumirot ang puwetan ko. Napabalik ako sa kama."Pen, gising kana pala." Halatang bagong gising ang boses niya. "Uwi na tayo?" Malungkot niyang aya."Dar," tipid akong ngumiti sa kaniya. "Sorry.""Bakit ikaw ang nagsosorry? Ako dapat. Iniwan kita do'n." Naging malungkot lalo ang mukha niya at hinalikan ang likod ng palad ko."Okay lang 'yon, Dar. Hindi m
Pagdating sa labas ng kwarto ko ay binuksan muna niya ang pinto saka ako pinapasok. Kitang-kita ko ang mahimbing na natutulog si Darrel."Mom, thank you." Bumulong ako sa kaniya. Tumango lang siya at inalalayan ako para umupo sa malapad na kama na hinihigaan ni Darrel. Masakit pa din ang balakang ko kapag matagal na umuupo.Hinalikan niya muna ako bago lumabas. Matamis akong ngumiti at nag paalam. Humiga agad ako sa tabi niya at pinagmamasdan ang mukha niyang puyat.Napuyat ba siya dahil sa'kin? Nakabusangot akong hinaplos ang buhok niya. Napakaswerte ko naman 'pag totoong gusto niya ako. Akalain mo 'yon? Kahit pangiti ako gusto ako ng taong pinapangarap ko. Pilit ako ngumiti sa mahimbing na natutul
"Goodnight, hubby." Sa wakas at makakatulog na din kami. Hindi mawala ang excitement na nararamdaman naming dalawa. Akalain mo 'yon? Gusto niya din pala ako? Napakasuwerte ko naman."Goodnight, wife." Hinalikan niya ako sa noo at humiga sa tabi ko. "Can't wait to marry you." Napangiti ako sa sinabi niya."Gano'n din ako kung alam mo lang." Mahina akong natawa."Alam na alam ko, Pen. Akala mo hindi ko natatandaan ang sigaw mo na, 'Asawahin na lang kita, Darrel!" maarte siyang sumigaw at ginaya ang boses ko."Ano ba!" naiinis kong asik sa kaniya kasabay ng marahang pagpalo sa braso niya.Tumawa siya at niyakap ako. Nawala naman ang inis ko dahil sa init ng yakap niya. Naalala ko pa noon kung paano ako sumigaw-sigaw sa kaniya habang hawak ang banner."Nakakahiya kaya 'yon." Napasandal ako sa dibdib niya."Hindi kaya, ang cute mo kay