Pagdating namin sa pinakamalaking mall dito sa Manila ay pumasok agad ako sa Expression. Bumili ako ng dalawang yellow at isang black na cartolina. Isang glue at gunting, pero pagtingin ko sa nakabuntot sa likod na si Darrel ay nakasimangot lamang ito.
"Ba't naka simangot kana naman?" malakas kong tanong.
"Hindi na kita fan? kay Yohan kana? Dapat sinusuportahan mu'ko!" sabi niya sabay irap kasabay ng pagkunot ng noo niyang mapuputi at lalong paniningkit ng mga mata niyang singkit.
Bahagya ako tumawa. Ang cute niya tingnan.
"Ang suplado at lagi ka nalang galit. Na-realize ko na hindi na kita gustong supportahan." Sagot ko sa kaniya.
Nagbayad muna ako sa counter at tsaka lumabas. Naka sunod lang siya sa'kin pero ng may makita kaming paparating na estudyante ng Thorn University ay nagtago ito sa isang boutique at nagpatuloy ako sa paglalakad. Bahala siya sa buhay niya.
"’Di ba ikaw ‘yung girlfriend
"May favoritism ka nuh? No'ng hinila ka ni Darrel tinapon mo agad ang pangalan ko, parang tinapon mo na din ako, ang sakit naman no'n." Sabi niya. Umarte pa siya na parang nasasaktan. Humawak siya sa puso niya at dumaing ng sakit."Nabigla lang talaga ako sa kaniya, hindi ko kaya iniexpect 'yun," sagot ko. Nagpa ikot-ikot ako sa kilig habang ngumingiti."Dream come true 'yun." Pagtingin ko sa kanya ay sa kawalan lang siya naka tingin kaya nagtaka ako."Uyy nakikinig ka ba?" I asked him."Ha?Ano yung sinabi mo?" tanong niya pabalik habang natataranta."Hindi ka naman nakikinig eh, 'wag na nga lang." Nauna na akong naglakad papuntang parking lot kaysa sa kaniya. Hihintayin ko si Darrel."Hintayin mu'ko, Pen." Sigaw niya habang humabol sa'kin, nang maabotan ay inakbayan niya ako."Sorry na, may inisip lang ako." Pagdadahilan niya. Ginulo ang buh
Nakatayo kaming dalawa ni Darrel sa harap ng pinto na magkalayo habang hinihintay ang pagdating ng mga parents namin. Nami-miss ko na sina Mom at Dad kaya excited akong makita sila."Tsk!" napatingin ako ng masama kay Darrel habang umiiwas siya ng tingin."Edi wow." Sabi ko.Nakarinig kami ng doorbell hudyat na nandito na sila. Dali-dali akong nagpunta ng pinto para buksan ito pero hindi lang ako ang nakahawak kundi pati nadin kamay niya. Gulat na gulat akong napatingin sakanya habang nakatulala siya sa'kin. Nasa ilalim ang kamay ko at nasa ibabaw ang kamay niya. Parang tumigil ng ilang segundo ang oras at nagpatuloy ng makarinig ulit kami ng doorbell kaya sabay kaming dalawa bumitaw at nag iwas tingin. Nakakainis namumula ako. Ang init ng pisngi ko. Ang gwapo niya kasi, ang aga-aga.Narinig kong nagbukas ang pinto habang nakatalikod ako. Binuksan siguro ni Darrel."Bakit antagal niyong
Nakahilata ako sa kama habang nakatingin sa kisame. Parang ang saya ko yata ngayon. Sobrang na-miss ko lang talaga siguro ang presence ni Mom at Dad at medyo naging maingay ang condo.Napalingon ako kay Mom. Pumasok pala siya ng kwarto, "Peny anak! Hindi pa ba kayo magkatabi matulog ni Darrel?"Hindi ko mapigilang manlaki ang mga matang tumingin sa kaniya, "Wala naman pong nagsabi na kailangan naming magkatabi." Sagot ko.Naku 'pag sinabi nila kay Darrel 'to tiyak magwawala 'yon. Napakagat-labi ako habang iniisip ang maaring reaksiyon niya.Biglang sumilip si Tita sa kwarto ko kaya napatingin kaming dalawa ni Mom. "What are you talking about, ladies?" malambing na tanong niya. Mukang bagong ligo siya."Hindi magkatabi matulog ang mga anak natin, Jessel." Sumbong ni Mom kaya napanguso ako habang umiiwas ng tingin."Hindi kayo magkatabi? I told him last time, ikakasal na din naman kayo." N
Magkakasama kaming lahat kumain. Sina Tito at Tita, Mommy and Daddy at kaming dalawa ni Darrel. Uuwi na yata sila mamaya. Namimiss ko na talagang umuwi sa'min."Mom, Dad, uuwi na po ba kayo mamaya?" tanong ko. Napanguso akong tumingin sa kanila. Marahan kong hiniwa ang porkchop na ulam."Yes, anak. Marami pa kaming aasikasuhin ng Daddy mo." Sabi ni Mom tinapik ni Dad ang likod kaya napatingin ako sa kaniya. Bahagya siyang ngumiti kaya nanlumo ako habang kumakain."Puwedi po bang mag extend kayo kahit one night lang? Dad, please." Malambing kong pakiusap habang nagpapacute."Sorry, Peny. But we really need to do this besides nandito naman si Darrel. Why don't you go shopping or stroll outside? ‘Di ba Darrel?" baling ni dad sa kaniya, “Please make my Peny happy." Napatingin si Darrel sa'kin at tumango sa kaniya."Yes po, tito. Ako na po ang bahala sa kaniya.""Mudos
Nagpatuloy ang mga araw na lagi nalang kaming nagbabangayan. Ang trato niya? Gano'n padin, laging galit. Hindi ko alam kong ano ba talaga ang problema niya. Pero minsan mabait naman, MINSAN lang. Napaka-moody no'n kaya nga lagi ko siyang binibiro eh ang dali niya ma pikon. "Good morning, hubby." Ngumiti ako ng kay lapad-lapad sa tapat mismo sa mukha niya. Ang gwapo niya talaga."Hubby mo mukha mo!" tinulak niya ang ulo ko gamit ang isa niyang daliri at tumalikod. Napangisi naman ako habang sumusunod ang tingin sa kaniya. Ito 'yung mga ginagawa ko para magalit siya."Bakit magiging asawa naman talaga kita ah?" maang-mangan kong sabi habang sumusunod sa kaniya."Ayaw ko sa'yo." Plain
Pasukan na. Matapos ang isang linggong bakasyon, ganun padin masungit padin ang hubby ko. Tingnan nga natin kong mahulog siya. Ang tigas ng laman niya eh, hindi nga kinikilig maliban lang sa ngiti niya no'ng nakaraang araw. Madami akong pakulo na gagawin sa kanya. Insert evil laugh. Charring. Nasa kotse ako ngayon ng hubby ko. Syempre nag da-drive siya. Papunta na kaming school ng magkasama. "Magkasama ba tayong kakain ng lunch mamaya, hubby?" tin-try ko talagang magtanong habang nagpapa-cute. Ang hirap pala magpanggap kasi nga maganda ako."Hindi!" may diin niyang sabi habang pinaiikot ang steering wheel. Sana marunong din akong mag-drive."Bakit? ‘Di ba dapat magkasama tayong kakain?" nagtataka k
"Pen, mag mall tayo." Sabi ni Yohan. Naglalakad kami ngayon papuntang parking lot. Kakatapos lang ng klase namin."Ano naman ang gagawin natin do'n?" tanong ko sakaniya."Maglilibot, kakain, maglalaro at kung ano ang puweding gawin." Nakanguso siya habang nililibot ang tingin at nasa likod ang dalawang kamay."Sige, pero may tatawagan muna ako. Pahiram ng cellphone mo." Nilahad ko ang kamay ko para kunin ang cp. Nakita kong kinuha niya ang iPhone niya mula sa bulsa. Nilagay niya sa palad ko at dali-dali ko 'tong binuksan. Wala man lang passcode."Ang gwapo mo dito ah?" tumawa ako at itinuro ang wallpaper niya. Ang gwapo niya parang model eh. "Saan 'to kinunan?" tanong ko habang naglalakad kami.
Magkatabi kaming dalawa ni Yohan at nasa harap ko naman si Darrel, as in sa harap mismo. Naiilang ako sa bawat titig niya kaya napapaiwas ako ng tingin. "Eto na po ang order n'yo, Sir, Ma'am." Sabi ng waiter habang dala-dala ang isang malaking box, sorang laki naman yata nito? Eto ba 'yong sinabi ko sa kaniya? Family size 'to eh. Napatitig na lang ako sa kaniya habang dahan-dahan niyang nilapag ang dalawang pineapple juice, nilagay niya ang isang baso sa harapan ko na hindi tumitingin. Nasa kaniya din ang dalawang pinggan. Gulong-gulo ako habang tinitingnan siya, nagka-amnesia ba 'to? Nilagyan niya ng tatlong piraso ang tig-iisang pinggan at ibinigay sa'kin ang isa. "Kumain kana." Sabi niya. Hindi maalis ang titig kong naghahanap ng sagot."Pareho kayo ng