Fatima POV
Masaya ako na nakain ng umagahan kahit na pansin ako ang mga tingin na pinupukol sa akin nila tita at Carrie.
Kinuha ko ang gatas at hotdog sa plato at ngumiti ako habang ngumunguya.
Ngayon ko lang napansin na masarap pala ang hotdog aa breakfast ire-request ko ulit 'to kay tita.
"Ah! ate Tim, sorry pinakelaman ko nanaman yung mga paintings mo," ani ni Carrie.
Ngumiti ako dito. "Ayos lang."
May ngiti pa din sa labi ko habang nakain at nang matapos na ay hinalikan ko sila Carrie at tita at nag paalam na sa kanila.
Hanggang sa school ay baon ko pa din ang ngiti sa labi ko minsan ay may mga klasmate ako na nakakasalubong at binabati nila ang unat ko'ng buhok.
"Hi Jaya," bati ko kay Jaya.
Nakita ko si Jaya na nasa locker nito at kinukuha ang mga libro niya. Kita ko ang pag
Fatima POV "Jaya, sa number eleven." Turo ko kay Jaya. Tumalima agad ito at dinala na ang tray na naglalaman ng inorder. Ako naman ay inayos muli ang machine para sa replace ng order. Nasa tatlong linggo na ako na nagtatrabaho sa restaurant at masasabi ko naman na masaya ako. Kabisado ko na agad ang mga gawain at parang master ko na pati ang pagbati sa mga kostumer. Tatlong linggo na din simula ng nandito na muli si Van. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi sa pamilya niya ang relasyon namin. Hindi ako makakuha ng tamang tyempo para masabi kay tita at tito. Panakaw ang aming pagkikita at limitado kung mag-usap kami sa loob ng mansion. "Nakakapagod ang daming kostumer ngayon," ani ni Jaya nang makalapit sa counter. "
Fatima POV Isang mamahaling restaurant kami pumunta ni Van. Kahit ano kasing pagpupumilit ko na kahit sa fastfood na lang, ay ayaw niya. Mas gusto daw nito na kumain sa medyo romantic na lugar. Hindi pa rin siya nagbabago napaka sweet pa rin. "Ang daming babae na gusto akong maka date sa States, pero never ko silang pinagbigyan," kwento ni Van. Sa second floor kami at katabi ang salamin kaya kitang-kita ang magandang tanawin sa labas. Ang restaurant kasi ay nakatayo malapit sa isang Bay, kaya maganda ang makikita. "Bakit naman hindi mo sila pinagbigyan," saad ko. "I was really busy sa study ko and I also have this special someone," Napatingin naman ako sa kaniya maging ito ay nakatutok na ang tingin sa akin. "Corny mo," sabay tawa ko. "Why? I always this chessy person," taw
Fatima POVNapahikab muli ako sa sobrang antok. Parang hindi ako natulog dahil binabagabag pa rin ang utak ko.Kagabi gusto ko na puntahan si Gayrill at tanungin, pero obvious naman kung gagawin ko 'yon at lalo itong magtataka.Inabot ako ng tatlong oras sa kakaisip kaya ngayon puyat na puyat ako.Uminom ako ng tubig ng may pumasok sa dining room.Muntik ko ng mabuga ang tubig sa bibig ko ng makita ko ang cold na muka ni Gayrill."Are you okay Fatima?" tanong ni tita.Tumungo ako at pinakalma ang sarili.Naupo naman si Gayrill sa pwesto nito sa unahan ko at nagsandok ng pagkain.Pinagmamasdan at ino-obserbahan ang bawat galaw ni Gayrill. Napakatahimik niya at parang wala sa mood na magsalita, kahit hindi naman talaga siya masyadong palausap.Akma niyang
Fatima POVNilukuban ng takot ang dibdib ko dahil baka mahuli niya ako.Hindi pwedeng mahuli, hindi pa naman niya nakikita ang muka ko."Huwag ka ng tumakas dahil mali ang ginagawa ninyo," ani pa ng lalaki.Hinila muli ako ng lalaki pero dahil sa bilis ng repleksib ko ay na sipa ko ang tuhod niya.Umaray naman ito at agad akong nabitawan."Sorry po manong, sorry pero hindi ako pwedeng mahuli."Agad akong tumakbo sa kabilang direksyon. Halos hindi na mahulugan ng sinulid sa sobrang dami ng estudyante na nagkakagulo.Lumiko ako sa isang hallway tumakbo ako hanggang sa papunta na sa dulo nito.Huminga muna ako dahil sobrang layo ng tinakbo ko. Ngayon lang ako nakatakbo ng sobrang layo para lang makatakas."Huwag. Maawa ka huwag niyo ako sasaktan."
Rose POV (Gayrill's Mother) "Kapapasok pa lang na balita. Sumiklab ang kaguluhan sa paaralan ng Santo Tomas College. Ang pinag-ugatan ng nasabing kaguluhan ay ang mga realista, na kapwa estudyante din ng paaralan. Maraming nai-ulat na nasaktan at nasira dahil sa gulo na nangyari..." "Ang mga estudyante ngayon ay talaga naman nakakatakot," "Tama ka diyan. Sa pagdating ng panahon ay sila na ang masusunod." Dinig ko ang usapan ng mga kasambahay ng makapasok ako sa kusina. Nakaharao ang dalawa sa telebisyon at pawang tutok na tutok. "Ano 'yan?" tanong ko ng makalapit sa likuran nila. Nagulat ko ata ang dalawa dahil agad na lumingon ang mga ito. "Kayo po pala madam," saad ni Gina, ang kusinera. "May kailangan po ba kayo?" tanong ni Nelia, ang taga-linis nama
Jaya POV (Fatima's friend)Nakakasilaw ang liwanag ng araw na ngayon ay direktang tumatama sa akin.Bumangon na ako sa kama na aking kinahihigaan at tumingin sa ngayon ay bukas ng bintana.Noon palagi akong nagagalit kay Mama dahil kahit tulog pa ako ay binubuksan na niya ito.Pero ngayon ay masarap sa pakiramdam ang sinag ng araw. Ang init na binibigay nito sa umaga ay nakakagaan ng pakiramdam.Napabuntong-hininga ako at tumingin muli sa aking kamay. Dinampi ang isang sugat na naghihilom na sa aking palad, kita na din na mag-iiwan ito ng pilat.Tatlong araw na din ang nakakalipas ng mangyari ang rally, walang magandang naidulot ang kaguluhan. Maraming nasira at nasaktan sa mga nangyari.Maging si Fatima ay tatlong araw na hindi pa rin nagising. Sabi naman ng Doctor ay stable na ang lagay niya, kailangan lang ng mahaba p
Van's POV"Sir, narito na yung order niyo na bulaklak."Napatayo na ako sa dahil sa sinabi ni Cassandra."Papasukin mo." Utos ko naman.Isang delivery ng bulaklak ang hinihintay ko bago pumunta sa hospital."Sir, boquet of blue rose," saad ng lalaki."Yes," ani ko naman.Pagkatapos ko na bayaran ay agad naman na umalis ang lalaki. Matutuwa si Fatima nito sa regalo ko sa kaniya.Sa nakalipas ng tatlong araw ay palagi akong nagpapadala ng bulaklak. Punong-puno na ang silid ni Fatima ng bulaklak."Cassandra, I want you to cancel all my meetings for today." Utos ko."But Sir, Mr. Buenavista is here to make a proposal, matagal na pong gusto niya kayong makausap,"Na alala ko na ngayon pala ang dating ni Mr. Buenavista, one of the owner o
Fatima POVNagtago muli ako sa isang malaking puno at pinag-igi ang pagkakasiksik.Nakita ko na ang likuran ni inang dahil nalagpasan nito ang puno kung saan ako nagtatago."Fatima... nasaan ka na."Napahagikgik ako ng marinig ko ang pagtawag ni inang, nakakatuwa dahil para akong bata kung tawagin.Lumapit ako sa kaniyang likuran nang dahan-dahan upang hindi niya ako mapansin."Boo!" Gulat ko sa kaniya.Kita ko naman ang gulat na ekspresiyon niya kaya lalo akong natuwa."Nariyan ka lang pala," ani ni inang.Napakasaya ko ng pagmulat ko ng aking mata ay si inang ang una kong nakita. Sabi ni inang ay nasa isang paraiso kami kung saan ngayon ay nakatira na si inang. Maraming puno, ibon at napakasarap ng hangin.May dalampasigan din na mah kulay asul na tubig. Ayoko nang lum