Share

Bonding

CHAPTER 7

Pagkarating ko sa bahay ay tumawag ako kay Owen upang ipaalam na hindi nalang ito ginising dahil baka ma istorbo ko pa ito.

Naghanda naman ako ng pananghalian namin dahil tiyak na gutom na itong si Uone.

Pinaupo ko lang ito sa upuan habang nanunuod ng Alphapet dahil makakatulong ito.

Hindi ko parin mapigilang mainis dahil naglapat naman ang labi namin ni Thom, at sa tingin pa nito na nakakatakot.

Ngunit hindi dapat ako matakot sa kanya dahil lang sa mga pinapakita nito at mga kilos.

Pagkatapos kung magluto ay inilapag ko na sa mesa.

Nagdasal muna kami ni Uone bago ipagsandok ito ng kanin.

Tinignan ko lang ito habang kumakain, masasabi kung matured at matalino si Uone na bata dahil sa kilos nito.

At tiyak akong namana niya sa kanyang ama.

Speaking of him, may alam ba siya dahil sa pagtanong nito na anak ba niya si Uone.

Ngunit pinagsawala ko nalang ito ng pansin, ang mahalaga ngayon dapat focus ako sa anak ko at sa sarili ko.

Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming nag tootbrush kaya naman napangiti ito sa akin.

Pinagpaliban ko na muna sa klase si Uone upang maka pag bonding kami dahil minsan nalang kame mag kasama dahil nag aaral na nga ito.

At wala naman yung problema sa akin dahil matalino namang bata si Uone at hindi sakit sa ulo hindi katulad ng ama niya.

Napabuntong hininga muna ako at naghanda dahil balak kong ipasyal si Uone dahil matagal tagal naring hindi kami nag ma mall.

Masaya namang itong nagtatalon kaya naman pinatigil ko ito.

"Uone, stop!" pagpatigil ko nito, at buti naman nakinig ito sa akin.

"Sorry, po Mommy excited po kasi ako eh!" ngiting sabi nito at yumakap sa binti ko.

"Okay! kailangan na nating magbihis para maka pamasyal na tayo!"

Pagkatapos naming magbihis ay bumaba na kami at lumabas.

Ngunit napahinto naman ako ng may makita ako sa labas na isang itim na sasakyan.

Nakaramdam naman ako ng konting kaba.

Ngunit napaawang naman ako ng lumabas ang may ari nito at walang iba kundi ang iniiwasan ko, iniinis niya ba ako?.

Tinaasan ko naman ito ng kilay ngunit imbis na mainis ito ay ngumiti pa ito.

"Mommy diba siya po yung guy na pinsan ni Daddy Owen?" tanong sa akin ni Uone kaya naman napabaling ang paningin ko nito.

"Yeah, baby!" sagot ko nito.

Pagkalabas ko sa bahay ay tinaasan ko ulit ito ng kilay.

"What are you doing here?" inis na tanong ko nito dahil hindi ko alam kung anong pakay niya dito.

"Is't there something wrong kong pupunta ako dito!" sagot nito ng ikinalaglag ng panga ko.

"Oo, dahil hindi ka belong dito!" inis na sagot ko nito at nilagpasan hay kumukulo ang dugo ko sa lalakeng to.

Ngunit napahinto naman ako ng bigla ako nitong hinila at pilit pinapasok sa kotse niya.

"Hoy! ano bang ginagawa mo?" inis na asik ko nito kasabay naman ang pagpasok namin ni Uone sa kotse nito.

Bubuksan ko sana ang pinto ng kotse ngunit naka lock.

Pagkapasok nito sa sasakyan ay tinignan ko ito ng masama.

"Ano ba talaga ang problema mo ha?" pasigaw na tanong ko nito at niyakap si Uone.

"I don't have bad intention both of you at ayaw mo bang mamasyal na kasama ako!" ng ikina inis ko na talaga.

"For your information Mister kung nababaliw kana you are free to leave!" inis na sigaw ko nito kasabay ang paghinto ng sasakyan at bumaling sa akin.

"If you don't close your mouth I will kiss you infornt of your son!" ng ikinahinto ko kaya naman ngumusi ito at tunuloy ulit ang pagmaneho.

Kapag talaga ako nainis nito sasabunutan ko talaga ito at titirisin ng pinong pino.

Huminto kami sa isang restaurant at lumabas ito at pinagbuksan kami.

Ayaw ko sanang lumabas ng unang lumabas si Uone kaya naman sinamaan ko ng tingin si Thom.

Una itong naglakad sa amin habang papasok ng restaurant at nang nakapasok na kami ay sari saring bulungan at ang iba naman napatingin sa amin.

At ito ang pinakaayaw ko yung pinag chichismisan ng ibang tao.

Sumunod lang kami nito hanggang sa huminto ito sa VIP table at pinaupo kami at hindi ko sana susundin ng pinag babantaan ako nito gamit ang kanyang mata.

Tahimik lang kaming dalawa ni Uone at ang dating may gustong mamasyal ay nawalan narin ako ng gana dahil sa lalaking to na umorder lang mag isa.

Pagkatapos nitong mag order ay tumingin sa akin pagkatapos sa anak ko.

"Ang galing naman ng pinalit mong lalake sa akin, inanakan ka lang hindi pinanagutan?" ng ikina kuyom ng kamao ko.

"pakialam mo ba ha?" tanong ko nito medyo umigting naman ang panga nito.

"At para sabihin ko sayo! wala kang karapatan para husgahan ako!" dugtong ko pa nito habang inosente lang si Uone na nakikinig sa amin.

Magsasalita sana siya ng dumating ang waiter kaya napabaling nalang ang paningin nito.

Nakahanda lahat ang paborito kung pagkain sa harapan ng mesa.

Gusto ko sanang kumain ngunit wala akong sapat na pera upang ipang bayad kaya mas mabuting umalis na kami ni Uone.

Akmang tatayo na ako ng nagsalita ulit siya.

"This food is for you and also your son!" kaya naman napalingon ako.

"Wala akong pambayad kaya kung gusto mo yan kainin mo mag isa!".

"Tst!" bulong nito at tumayo at medyo napa atras pa ako dahil sa paglapit nito sa akin.

"I lost my patience to you Shin kaya kung ayaw mong ng eskandalo dito kumain ka nalang!" sabi nito kasabay ang pagtaas ng balahibo ko ng nakawan ako ng halik sa labi.

Napatingin naman ako kay Uone ngunit laking gulat ko na nagsimula na pala itong kumain.

Kaya no choice ako at kumain nalang, at bahala siya kung ubusin namin ang pagkain dahil siya naman ang may sabi.

Habang nagsisimula akong kumain ay hindi ko na pinasin si Thom dahil busy ako sa paborito kong pagkain at ganon rin si Uone.

Napansin ko namang may nakatingin sa akin kaya nag angat ako ng tingin at nagtama ang mata namin ni Thom.

Kasabay naman ang pagtibok ng mabilis ng aking puso ng kinakatakutan ko.

"Ehem!" kaya napabaling ang paningin nito sa paligid at bumalik narin ako sa pagkain.

At ilang minuto ay natapos narin kami at subrang sarap ng pagkain at busog na busog talaga kami.

Pinainom ko naman ng tubig si Uone dahil alam kong napadami ang nakain nito.

Mayamaya ay nagbayad na si Thom at hindi ko akalain na umabot ng sampung libo ang nabayaran nito, ganon ba kami katakaw sa pagkain.

"Sir, yan na po ba ang asawa at anak niyo!" dahilan para mapaubo ako, kilala ba siya ng waiter dahil tinanong si Thom.

"Nope, she is my friend!" kaya naman napatingin ako nito, ang lakas niyang sabihin na magkaibigan kami.

"Pasensya na po sir, akala ko kase dahil magkamukha kayo ng bata!" kaya naman nagulat ako sa tanong nito, magkamukha nga talaga si Thom at si Uone.

Medyo nag bago naman ang mukha ni Thom kaya dali daling nagpaalam ang waiter sa amin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status