Share

CHAPTER 6

[Jane's POV.]

Nandito parin ako sa lumang park malapit sa bahay namin.

Nakaupo ako sa duyan ng humangin ng malakas. Napatingala ako sa langit na ang ganda tignan dahil sa mga bituin. Napapikit ako ng maalala ang una naming pagkikita.

Flashback~

Third year high school ako ngayon at kakagaling ko lang sa school. Pauwi na ako ng may nakita akong park na malapit sa bahay namin kay dumaan ako para makapag relax.

Pag pasok ko sa park ay umupo agad ako sa isang duyan.

Habang nag duduyan ako nang biglang lumakas ang hangin at napuwing ako! Kinuha ko sa bag ko ang maliit na salamin na lagi kong dala at tinignan ang mata ko tapos kinusot-kusot ko ito gamit ng kamay na dahilan para maluha ako at mamula ang mga mata ko.

Tapos biglang may nagsalita sa likod ko "uy batang nasa duyan. Bakit ka umiiyak?" natigilan ako sa tanong nya. Bata daw eh. Napatingin ako sa paligid kung ako ba kausap nya dahil wala naman ibang bata dito sa malapit saamin nasa malayo. Doon ko lang napagtanto na ako yung bata na tinatanong nya. Hii nako bata no!

Kaya bigla ako napalingon sa kanya ng nakasimangot. Natigilan ako ng makita ito. Lalake pala ito at medyo matanda lang saakin.

Medyo may pagka nerdy lang siya. May salamin kasi siya sa mata na malaki eh.

"Pwede ba? Ako ba kausap mo na bata? Hindi na po ako bata at hindi rin po ako umiiyak!" Masungit na sagot ko dito ng maalala ang tanong nya saakin kanina.

"Saka magkaiba ang umiiyak sa napuwing kuya. Kaya umalis ka nga dito. Doon ka sa malayo." Masungit na dagdag ko pa sa kanya at inirapan siya.

Kinusot-kusot ko ulit ang aking mga mata at mas lalo itong humapdi.

"A-aray. Ang sakit na!" Sambit ko saakin sarili ng tinigilan ko na ang aking mata. Mas lalo tuloy ako naluha.

"Napuwing ka? Huwag mong kusutin ng kusutin kasi lalong lalala yan at mamumula mga mata mo. Kapag namaga yan siguradong hindi ka na makakita nyan,!" Banta nya pa sasa kabilang duyan.

"Ano ang gagawin ko? Masakit na at lumuluha na ang mga mata ko oh?" sabay pakita ko sa kanyang aking mga matang napuwing.

Lumapit naman siya sakin at hinawakan mukha ko. Nanigas ako sa bigla nyang ginawa! Kasi ang lapit-lapit ng mukha namin dalawa!

Ang gwapo pala nya sa malapitan? p

Panira lang talaga ang kanyang salamin sa mata!

Maya-maya pa ay may kinuha sya sa bulsa nya. Pagtingin mo ay panyo?

Ano gagawin nya sa panyo? Pupunasan ang luha ko?

"Ganito lang yan. Mas effective!" Sabi nya sabay pinunasan nya mga luha ko ng panyo nya at nilagay ang dulo ng panyo sa ilalim ng mata ko.

"Ihipan ko ha? Huwag kang pipikit!Para matanggal ko ang dumi na pumasok sa mga mata mo." Sabi nito ulit at inihipan nya ng ilang ulit ang aking mga mata!

Pagtapos nya hipan ang aking mata ay naging ok na ang pakiramdam ng aking mga mata. Nawala na yung sakit kapag pipikit ako. Wow! Talagang effective nga!

"Ok na ba?" tanong nya pagkatapos nyang lumayo saakin.

"Oo! Effective nga po kuya! Ok na po yung mga mata ko! Maraming salamat po." Masayang sambit ko sa kanya

"Walang ano man bata" nakangiting sagot niyo at umupo ulit sa duyan na katabi ko. Gusto ko sana sumimangot ng sabihin nya ulit ang bata kaso tinulungan nya ako kaya pag pasensyahan ko muna.

"Ako nga po pala si Mary Jane Ocampo, at ikaw?" tanong ko nalang sa kanya ng maayos sabay abot ng aking kamay sa harap nya.

Natigilan siya pero maya pa ay inabot na rin nya ang kamay ko at nakipagkamay muna siya bago nya sabihin ang pangalan nya.

"At ako naman si Jayson Carl Garcia." Nakangiting pakilala ne'to saakin. Kaya ngumiti narin ako sa kanya.

End of flashback~

Napaiyak naman ako ng maalala ko ang una naming pagkikita.

Simula nun ay palagi na kaming nagkikita sa lugar nato at hindi rin nag tagal ay naging close na rin kami.

Nang matagal na kame magkaibigan ay nag bago s'ya bigla. Hindi na sya nung nerdy na una kong nakilala.

At hindi rin nag tagal ay umamin sya na may gusto siya saakin at niligawan nya ko nung mag Fourth year high school ako at siya naman ay second year collage.

Nang humangin ulit ng malakas ay

tumayo nako at pumunta sa may puno malapit sa duyan para tignan kung andun pa rin ba?

Nang andun na nga ko sa harap ng puno ay parang naiiyak na naman ako ng makita ko na nandun parin talaga.

Ito yung inukit naming dalawa na "MJ <3 JC" na maging official na kami.

Three months nya kung niligawan at tama na yun upang ipadama nya sakin na seryoso sya at hindi nya ako sasaktan!

Naging kami hanggang dumating yung time na 8th monthsary namin.

Graduation ko pagkaumaga. Nag date kami dito sa lugar na ito.

At kailangan ko rin putulin kung ano mang meron kami noon.

Oo! Tama kayo sa nabasa nyo!

Dito sa lugar na'to ko s'ya nakilala, naging magkaibigan, niligawan, sinagot, iniwan at sinaktan!

Masakit man gawin pero ginawa ko pa rin!

Dahil kailangan! Dahil may masasaktan ako raw ako! At mas lalo na may magagalit sakin kapag masasaktan ko ang masasaktan,!

Kahit ayokong gawin ay ginawa ko pa din! Dahil kinakailangan talaga!

Pag hindi ko talaga ginawa ang pag iwan sa kanya ay may mawawalang tao sa aming pamilya!

Kaya kahit ayoko ay ginawa ko!

Mahal ko sila pareho pero mas pinili ko ang aking kapatid na si ate Mariel.

Naalala ko naman kong paano s'ya paano mag makaawa sakin na huwag ko syang iwan. At mahal na mahal nya ako.

Pero hindi ko parin s'ya binalikan!

Dahil baka kapag binalikan ko siya ay hindi ko na sya kayang iwanan!

Flashback~

Nandito kami ngayon sa park at may kailangan akong gawin.

Maya pa ay bigla kong sinabing

"Mag hiwalay na tayo.." walang gana mong sambit sa harap nya. Kaya biglang nawala ang masayang ngiti sa labi nya.

"Ano?! P-pero bakit? Anong meron? May problema ba?" Naguguluhan na sambit nya.

"Walang problema! Basta yun ang gusto ko! Ang mag hiwalay na tayo!"

Medyong naiinis na sambit ko. Kasi ayoko ng patagalin to.

"H-huh? B-bakit?! Huwag mo naman gawin to saakin, Hon! Alam mong Mahal na mahal kita!" Gulong gulo parin na sambit nya.

"Pwes, kung ganon nga na Mahal mo ako, Bitawan mo na ako! Maghiwalay na tayo!" Pagalit na sagot ko sa kanya. Dahil ayoko umiyak kailangan ko maging matapang at mag galit galitan.

"B-bakit nga?! Bakit mo ito ginagawa?

Wala naman tayong problema, diba?"

Naguguluhan parin na tanong nya saakin. Kaya napapikit ako dahil naiiyak narin ako kasi naiiyak na siya sa harap ko!

"Oo! Wala tayong problemang dalawa.. Pero kailangan ko ng pahinga sa relasyong 'to! Kaya hayaan mo na ako, Please?!" nagagalit na sagot ko sa kanya.

"H-hindi ko kaya! H-hindi ko magagawa! Please! Mahal na mahal kita." Napaluhod na sambit nya habang umiiyak

"Pero ako? I don't love you anymore...

MAGHIWALAY NA TAYO! At wag na wag mo na akong susundan pa!

GOODBYE JAYSON!" Pasigaw na sambit na sagot ko dahil hindi ko na talaga kaya ang makita ang mukha nyang ganito. Kaya tumalikod na ako.

"H-hon, P-please? Huwag mo naman 'to gawin saakin, PLEASE! HON.!!!"

Nagmamakaawang paring sabit nya habang tumatalikod na ako at nag umpisa nang mag lakad palayo.

"Patawad.. Pero kailangan ko gawin 'to.. Pupunta na kaming ibang bansa at doon na kame maninirahan at hindi na kame babalik pa dito.. Goodbye Jayson!" Sagot ko nalang sakanya habang nag lalakad palayo na umiiyak na rin.

Nang medyo nasa malayo na ako ay tumakbo nako papalayo habang sya ay sumisigaw parin ng pangangalan ko!

Naaawa ako sa kanya sa ginawa ko ng walang dahilan! Lumingon ulit ako at nakita kung nakaluhod parin siya Kaya mabilis akong tumalikod ulit baka kasi maawa ako sa kanya at tumakbo pabalik sa kanya at bawiin ang mga sinabi ko at sabihing joke lang ang lahat at hindi ko siya kayang iwan at mahal na mahal ko talaga siya.

End of flashback~

Kapag naalala ko ang nangyari ay sobrang sakit parin para sakin.

Kahit 6 years na ang nakalipas pero parang kahapon lang ang nangyari samin.

Kapag naalala ko kasi sobrang sakit pa rin para saakin ang ginawa ko sa kanya na basta nalang ako nakipaghiwalay at iniwan siya ng walang sapat na dahilan!

Pero kinakailangan kung gawin yun! Para kay ate at kay mama!

Nung nandun na kami sa ibang bansa ay nagpagamot na rin si ate.

May sakit kasi si ate sa puso at kailangan nya maoperahan pero 50/50 lang ang maging tagumpay ng operasyon sa kanya.

At may gusto rin sya kay Jayson!

School mate kasi sila at kilala rin siya ni Jayson.

At ang hiling nya, iwanan ko si Jayson para msy dahilan pa siya mabuhay at magpaopera upang pwede na sila.

Kahit ayoko ay hiniling rin ni mama na gawin ko ang gusto ni ate para mabuhay pa si ate! Kahit ayoko at labag sa loob ko ay pumayag na ako dahil ayoko rin mapahamak si ate.

At dahil mahal ko si ate at si mama ay

ginawa ko ang gusto nila! Iniwan ko nga ang lalaking pinakamamahal ko bago kami pumunta sa ibang bansa.

Pero sa kasamaang palad ay hindi naging tagumpay ang operasyon ni ate! Nalungkot ang lahat nang ibalita saamin yun ng doctor at na coma sya ng ilang buwan at nang hindi na kinaya ng katawan nga ay bumigay rin ito.

Dahil sa pagkawala ni ate ay hindi rin yun kinaya ni mama. Inatake siya sa puso at dead on arrival sa hospital dahil inaraw-araw nya ang pag iyak sa pagkawala ng ate ko.

Pero bago siya nawala ay inaraw-araw nya rin pinaalala saakin na huwag ko kakalimutan ang huling hiling saakin ng ate ko. Huwag ko na raw ito bawiin.

Kaya nung mawala si ate at mama ay ginawa ko talaga ang mga gusto nila! Lahat lahat! Yung mga dati na hindi ko ginagawa ay ginagawa ko na para lang sa kanila!

Umabot yun ng anim na taon.

Pero isa nalang talaga ang hindi ko pa nagagawa.

Ang hiling ni ate! Kailanman ay hindi ko kayang gawin at yun yung kalimutan sya!

Dahil hanggang ngayon ay mahal na mahal ko parin siya at mas lalo ko s'yang minamahal sa araw araw na lumilipas.

Nang mahimasmasan nako ay bumalik nako ng kotse at pumasok upang umuwi na.

Lumingon at pinagmasdan ko muli ang ugar na napaka espesyal samin dati o baka para saakin ako nalang tumatawag sa lugar na ito na espesyal

Dito ko siya iniwan at sinaktan sy talagang hindi na yun babalik to dito at maging espesyal pa itong lugar na ito sa kanya kahit kailan!

Bago pako maiyak ulit at pinaandar ko na ang sasakyan ko at dumeretso ng tingin.

"Siguro hanggang doon nalang talaga siguro tayo Jayson kasi tadhana na ang nagpahiwalay saatin at ang dalawang tao na impotante sa buhay ko pero kahit na ganon ay habang-buhay narin siguro kita mamahalin kaya paalam sa lugar nato." Deretsong sambit ko at nag drive at umalis upang umuwi na merong ngiting mapait saaking mukha.

Nang makauwi ako ay deretsong higa agad ako saaking kama. Tumulala muna ako sa kisama bago pako makatulog ay napasambit pa akong

"Sana pag nagkita tayo ulit ay mapatawad mo ako Jayson. Dahil kahit ang tagal natin magkahiwalay ay mahal parin kita. Pero kakalimutan ko na simula ngayon na mahal parin kita dahil yun ang hiling nila na hindi ko pa nagagawa. At hindi ko alam kung magagawa ko ba!" Sambit ko habang kinakain na ako ng antok ko.

[To be continued..]

___________________

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status