MAYAMAYA ay dumadating na ang kaibigan nilang si Nickson. Nakakunot ang noo nito at halos kung tumingin ay pailalim. Maghahamon pa ata ng suntukan dahil sa salubong na mga kilay nito.
Ibinagsak ni Nickson ang sarili paupo sa upuan na katabi si Omar. Tinitingnan lang siya ng dalawa niyang kaibigan. Saka napahilot sa sintido niya at nakita ang mapanuring tingin ng dalawa sa kanya."What?!" bulyaw na tanong ni Nickson. Napasandal siya sa upuan."Hey! Maghunus dili ka, Mr. Nickson Balderama. Para kang sasabak sa giyera sa mukha mo," sita ni Omar dito.Sinalinan ng alak ni Ely ang baso at ibinigay ito kay Nickson."Inumin mo para kumalma ka. At para makapag-isip ka," ani Ely. Kinuha naman iyon ni Nickson at straight na ininom. Pagkatapos ay inilapag ang baso sa lamesa."Bakit ba ako nagpunta sa ganitong sitwasyon?" napapailing na lamang na tanong ni Nickson. Saka napasandal sa headrest ng upuan.Pinagmamasdan lang siya nina Omar at Ely. At nang mapansin ni Nickson ang mga tingin ng dalawa ay matalim niya din silang tiningnan."Hoy! Wala ba kayong sasabihin? Kaya nga nakipagkita ako sa inyo rito sa bar. Tapos titingnan niyo lang ako ng ganyan!" galit na sabi ni Nickson sa dalawa.Natawa naman ng mahina si Ely."Alam mo Nickson, ngayon ka lang namin nakitang sobrang problemado. Hindi ka mapakali. Salita ka ng salita. Napakasungit mo. Pero hindi mo naman alam ang gagawin mo," sagot ni Ely."Kung hindi ka namin kilala. Baka kanina ka pa namin iniwan dito. Sh*t! Pare, inlababo ka na!" natatawang sabi naman ni Omar."Paano mo naman nasabi na inlove ako. E, inlove naman talaga ako kay Denise ko," saad ni Nickson saka kinuha ang bote ng alak saka nagsalin sa baso niya."Oppss. Parang hindi kay Denise. Maybe sa fiancee mo?" sagot ni Omar."Tigilan mo ako, Omar. Nakakabanas ka na!" galit na turan ni Nickson.Natawa na naman ang dalawa sa inaakto ng kaibigan nila."Pare, inlove ka na. Puwede ba naming makilala ang fiancee mo? Para naman makilatis namin 'yan. Ngayon palang atat na ata na akong makilala iyang si Olivia De Castro Hanz na 'yan," sabi ni Ely."Fiancee ko nga, di ba? Bakit ka atat na makilala? Sulutin mo pa ako," mahinang sabi ni Nickson. Pero narinig pa din ng mga kaibigan niya."Congratulation, Mr. Nickson Balderama! You're not a bachelor anymore. And welcome to Husband World!" biro ni Omar na tawa ng tawa. Habang nakikipagkamay ito kay Nickson. Masama lamang na tinitingnan siya ni Nickson.Puro kantiyawan at tuksuhan ang nangyari sa pagkikita ng tatlo. Kahit paano ay gumaan ang loob ni Nickson. Totoo nga kaya? Paano nangyari iyon? No, he is not inlove with his fiancee? He still love Denise. At susuyuin niya si Denise kapag naayos na ang sa kanila ni Olive. Bad shot siya sa Daddy niya. At naiinis siya dahil doon."GOOD morning po, Tito. Gusto ko lang po makausap si Olive," magalang na bating sabi ni Nickson."Good morning din sayo. Maupo ka muna Nickson," ganting bati ng Papa ni Olive. Sumunod naman si Nickson at umupo ito sa harap na upuan ng ama ni Olive."Hijo, my daughter is dissappointed. Galit pa rin siya sayo. Hindi pa niya sinasabi sa akin ang dahilan kung bakit siya nagagalit sayo. Pero nag-aalala ako. Umaatras na siya sa kasal niyo. Now tell me your side," saad ng Papa ni Olive.Hindi naman na nagulat si Nickson sa desisyon ni Olive."I'm sorry, Tito. It was my fault. Pinaghintay ko po siya ng matagal. And she caught me on other woman," nakayukong amin ni Nickson. Kasalanan naman niya kung bakit umaatras sa kasal nila si Olive.Napakuyom ng kamao si Norman. Hindi niya akalain na gagawin ito ni Nickson sa anak niya. Their wedding is settle at wala siyang makitang dahilan para mambabae ang lalaking mapapanga-asawa ng anak niya. At siya rin ang pumili kay Nickson para ipagkasundo silang dalawa. Pero para sa kanya, alam niyang hindi siya nagkamali na ang binata ang napili niya para kay Olive."Nickson, how could you do that?! Ang akala ko ay okay na ang sa inyo ng anak ko. At nagkakaintindihan na tayo sa magiging kasal niyo ni Via ko. Paano mo nagawang lokohin si Via?!" galit na mga tanong ni Norman kay Nickson."Tito, I know napakalaki ng kasalanan ko sa inyo at kay Olive. Even to Daddy. Kaya nga po ako andito para humingi po ng tawad sa inyo at kay Olive. I'm so stupid that I hurt Olive noong nakita niya ako sa loob ng condo ko kasama ang ibang babae. Alam ko pong mahirap paniwalaan pero I want to continue our wedding. Ang kasal namin ni Olive. It is not because of the company but because I want Olive to be my wife. I still didn't know what I really feel for Olive. Pero hindi po ako makakapayag na hindi matuloy ang kasal naming dalawa," mga pag-amin ni Nickson sa Papa ni Via.Napangiti si Norman at nilapitan si Nickson."Hindi ako nagkakamali ng pagpili sayo, Nickson. Alam kong maaalagaan mo ang anak ko. And I hope na maging aral sayo ang mga nangyari. Besides ikaw pa rin ang napipisil ko para maging manugang ko," saad ni Norman. Sa narinig niya mula kay Nickson. Alam niyang mahal na nito ang anak niya. It's just bata pa sila at mapusok."Thank you po, Tito," nakangiti nang sabi ni Nickson."Huwag mo nang uulitin ito, Nickson.""Yes po, Tito.""Puntahan mo na lang si Via sa condo niya. Hindi umuuwi rito sa bahay ng ilang araw," sabi ni Norman."Okay po Tito. Salamat po ulit sa tiwala niyo para sa akin," wika ni Nickson at tumango ng ulo si Norman.Lulan ng kotse niya si Nickson para puntahan si Olive sa condo nito. Alam niya na maayos din ang lahat at matutuloy ang kasal nila ni Olive.Nakarating na si Nickson sa condo ni Olive. Ibinigay naman ang address ng condo ni Olive ng Papa nito sa kanya.Huminga ng malalim si Nickson saka nagdoorbell. Agad naman na pinagbuksan siya ng dalaga.NAGULAT si Olive nang mapagsino ang taong nasa labas. Isasara na sana niya ang pinto nang iharang ni Nickson ang kamay niya."Ouch!" malakas na daing ni Nickson at napapikit ang kanyang mga mata. Nanlaki naman ang mga mata ni Olive ng makitang halos namimilipit sa sakit si Nickson. Agad niya itong dinaluhan at hinawakan ang kamay."E, kasi naman sino bang may sabi sayong ilagay mo ang kamay mo sa pinto? Ayan, tuloy nasaktan ka," nag-aalalang sabi ni Olive habang hawak ang kamay ni Nickson.Napamulat ng isang mata si Nickson. At napangiti ng makita ang mukha ni Olive na alalang-alala sa kanya. Hinihipan pa ang kamay niya. Pinipigilan ni Nickson na tumawa ng malakas.Bigla naman na tumingin si Olive kay Nickson. Mabilis na ipinikit ang mga mata niya. Nahuli iyon ni Olive. Binitawan bigla ni Olive ang kamay ni Nickson."Huli ka na, eh. Ang galing mo magdrama, Mr. Nickson Balderama. Umalis ka na nga!" galit na taboy ni Olive.Napamulat naman ng kanyang mga mata si Nickson."I'm sorry, ple
ARAW ng kasal, handa na ang lahat para masaksihan sa araw na ito ang pinahihintay. Ang araw na magkakaroon ng katuwang si Olive. Ito rin ang araw na ipagkakaloob niya ang buhay niya kay Nickson. Dapat masaya siya dahil masaya ang lahat ng mga taong ikinakasal. Pero kabaliktaran sa kanya. Sa loob-loob niya ito ang araw ng pinakamasamang pangyayari sa buhay niya. Magiging pag-aari na siya ni Nickson. Ang araw na hindi siya madaling makakaalis sa poder ni Nickson."Anak, masaya kami ng Papa mo. Dahil biniyayaan kami ng mabait na anak. Masunurin at magaling sa buhay. Ang araw ng kasal ang isa pinakamagandang pangyayari sa isang babae. Ang makaisang dibdib ang lalaki ang lalaki sa kanyang puso. Hindi man dahil sa pag ibig kaya kayo ikakasal. Alam namin na matutunan mo ding mahalin si Nickson. Basta maging mabuting maybahay ka. At maging masunurin sa asawa. Lahat ng problema ay masusulosyunan niyo kapag bukas ang bawat isa sa inyo," mga pangarap ng Mama ni Olive."Pakakatandaan ko po. Thank
"NICKSON, ha. Ayoko ng ganyan mga tingin mo!" may nakakalokong ngisi na nilalapitan ni Nickson ang asawa pero atras naman nang atras si Olive."Asawa ko, I want to claim our marriage," malambing na sabi ni Nickson na panay ang lapit kay Olive."May pa-claim-claim ka pang nalalaman. Ang sabihin ko pervert ka! Simula ngayon doon ako matutulog sa guest room. Bahala kang magclaim d'yan!" galit na saad ni Olive at akma ng lalabas ng hawakan ni Nickson ang asawa sa kamay. At hinila ito papalapit sa kanya.Panay ang waksi Olive sa kamay niya. Pero mapilit si Nickson. Hinawakan ng mahigpit ang kamay at inilagay sa likuran niya. At naidikit sa pader. Hindi na siya makagalaw at makapalag."Saan ka pupunta, asawa ko? Ayaw mo ba akong katabi sa kuwarto at doon ka sa guest room matutulog?" mga tanong ni Nickson sa asawa.Umirap si Olive na ayaw tumingin sa mga mata ni Olive. Nanukso kasi ang mga mata nito. Tapos may iba pa siyang pakiramdam na hindi niya maintindihan."Puwede ba bitawan mo ako, Ni
"DITO tayo magbabakasyon?" nagtatakang tanong ni Olive."Yes. Hindi mo ba nagustuhan, asawa ko?" tanong ni Nickson."Ang akala ko kasi sa isang hotel tayo matutulog tapos may beach sa harap. Pero, ano ito?" naguguluhan sabi ni Olive. Isang resort ang inaasahan niyang pupuntahan nila rito sa Siargao."This place is nice, asawa ko. Tingnan mo ang magandang tanawin. Di ba kitang-kita ang dagat sa baba. Ang lupang ito ay pag-aari namin. May caretaker dito pero hindi kalayuan ang bahay nila," wika ni Nickson saka lumanghap ng sariwang hangin.Nasa isang bundok sila sa Siargao. At ang bahay na tinutukoy ni Olive ay isang bahay na gawa sa kahoy. Pero malaki naman. Magkakalayo ang mga nakatira. Private property kasi ang lugar kung saan sila titira ng ilang araw sa Siargao. Isang private plane ang naghatid sa kanila."Come, asawa ko. Pumasok na tayo sa loob ng bahay. Don't worry may kuryente at tubig sa loob ng bahay. Iyon lamang ay wala tayong kasama, tayong dalawa lamang ang nasa bahay na it
TINULUNGAN si Olive ni Tonia na ihanda ang kailangan nila para sa magiging picnic nila sa falls. At nang masigurong kompleto na ang mga dadalhin nila ay nagpunta na ng kuwarto si Olive para magbihis. Pagkatapos magbihis ay pumunta na siya sa sala, doon sa mag-ina. Sa sala na lamang niya hihintayin si Nickson."Ang ganda mo, Olive. Kaya siguro na inlove si Sir Nickson sayo," buong paghanga na komento ni Tonia."Naku po, Aling Tonia. Mapagbiro po pala kayo," sagot ng natatawang si Olive. Nakashort siya at nakaone piece swimsuit na itim sa loob ng short."Hindi ako nagbibiro, Olive. Maganda ka talaga. At alam mo bang ikaw lang ang dinalang babae r'to ni Sir Nickson."Ikinagulat niya ang nalaman."Ibig niyo po bang sabihin, kahit si Denise hindi pa nakakapunta rito sa Siargao?" nagtatakang tanong niya. Paanong nangyari na hindi alam ni Denise ang lugar na ito? Matagal na silang magkarelasyon. Balak na nga ni Nickson pakasalan ang nobya."Hindi ko nga kilala 'yong Denise na 'yon. Ikaw lang
NAKABALIK na ng tree house si Olive dala ang basket at mga damit ni Nickson."May dala ka bang brief?""Oo, nasa bulsa ng short ko," sagot ni Nickson. Kinuha naman iyon ni Olive. Nandidiring ibinuyangyang niya ang brief ni Nickson."Grabe naman kung makahawak. Malinis 'yan at bagong laba. Amuyin mo pa," sabi naman ni Nickson. Namula naman ang pisngi ni Olive."E, kasi naman siyempre hindi pa naman ako nakakahawak ng brief," katwiran ni Olive. Napangiti naman si Nickson."Ibaba mo na lang 'yong trunks mo. Tapos tulungan kitang tanggalin sa binti mo na may sugat," dagdag na utos ni Olive. Pumikit na kaagad si Olive."Paano mo ako matutulungan kung nakapikit ka?" tanong ni Nickson."Ikaw napaka mo. Siyempe virgin pa 'tong eyes ko! Sige na gawin mo na. Sabihin mo nalang kapag nababa mo na," naiiritang na sagot ni Olive.Huminga ng malalim si Olive. Saka pumikit ulit ng kanyang mga mata. Napapangisi naman si Nickson dahil sa kainosentehan ng asawa niya."Natanggal ko na. Baka mandiri ka pa
NAGISING na rin si Olive at pupungas-pungas ng kanyang mga mata. Sinuri niya ang kanyang katawan."May damit na ako?" nagtatakang tanong ni Olive sa sarili. Parang kagabi lamang ay wala silang saplot ng asawa niya. At wala rin si Nickson sa tabi niya. Bumangon na siya at tumayo para hanapin ang asawa.Napahinto siya nang makita itong papalapit sa kanya. May benda ang sugat niya at mukhang maayos na ang pakiramdam."Kumusta ang sugat mo?" bungad niyang tanong."Okay, okay na ang pakiramdam ko. Tinapalan ko ng ginadgad na dahon ng bayabas ang sugat ko," sagot ni Nickson. Nilapitan siya ni Olive si Nickson at sinalat ang noo at leeg."Wala ka ng lagnat?" tanong muli ni Olive. Nagtataka naman na nakatingin lang si Nickson sa kanya."Lagnat?""Oo. Ang taas ng lagnat mo kagabi. Tapos nanginginig ka pa. Kaya nga niyakap kita," sagot ni Olive. Nakagat niya ang labi ng maalalang n*******d pala siya. Ibig sabihin si Nickson ang nagdamit sa kanya."Hala, tinanghali ka ng gising. Iyan nakita na ni
NAGPASYA nang bumalik ng Maynila ang mag-asawa. Hindi naman na magiging maganda ang bonding nila sa isla. Tila naging mailap sila sa isa't isa. Nagkaroon na ng ilangan dahil sa naganap sa kanila sa falls."Olive! Kumusta ang buhay mag-asawa? Ano may nangyari na ba?" malakas na tili ni Ashley. Isang buwan din ang bakasyon ni Olive."Okay naman. Saka ano naman ang mangyayari?" malumanay na sagot ni Olive."Talaga? Wala pa. Bakit?" sunod-sunod na tanong ni Yza."Hindi naman ako mahal ni Nickson. Kaya paano may mangyayari sa amin?""Ang sabihin mo ikaw ang umiiwas. Kaya gan'on. Sabihin mo nga, hanggang kailan mo ba ikakaila sa amin na gusto mo si Nickson?" tanong ni Ashley. Halatang-halata ang kaibigan nila. Si Nickson Valderama, ang asawa niya. Nasa lalaki na ang lahat nang gugustuhin ng mga babae. Maraming mga estudyante ang may gusto sa asawa nito. Pero ang kaibigan nila parang ang tigas ng puso para hindi magustuhan si Nickson.Natahimik si Olive."Tingnan mo wala kang maisagot. Kasi