Sandali, Marcus, wag mong sabihin na naniniwala ka sa babaeng yan? " galit na saad ni ma'am Joan kay Marcus."Oo, dahil noon pa man ng ipakilala siya sa akin ni, Michelle ay nag duda na ako na anak ko siya. Pero hindi ko lang nagawa na ipa DNA test siya noon dahil sa dami ng demand mo sa akin para lumabas ng bansa." Sagot ni Marcus sa kanya. Namasa na naman ang mata ko dahil sa pag banggit niya ng pangalan ni mama. Ramdam ko na kahit wala na ang mama ko ay mahal pa rin niya ito."Kilala mo naman siguro si Mr. Leonardo Scott, hindi ba ma'am Joan?" Natigilan ito ng banggitin ko ang pangalan ni tito daddy sa kanila." Ano ang kinalaman ni, Leo dito?" Kunot ang noo na tanong ni Marcus sa akin."Umalis na kayo Austin, ialis mo yang babae mo dito!" Singhal niya sa amin ni Austin."Bakit? Natatakot kayo na malaman. Ni Austin at papa na si Mr Leonardo ang totoong nakabuntis sayo? Natatakot ka malaman na sinira ang dapat na masaya kong pamilya? Alam mong nagmamahalan si mama at papa noon pero
Bumawi si papa sa akin, pati na rin kay Kiel. Kung noon ay may pasalubong ito lagi sa akin kapag bumabalik ito galing sa ibang bansa, ngayon ay kung ano ano ang madadatnan ko sa sa aking kwarto na binili niya para sa akin. Isang linggo na rin mula ng lumabas ang resulta ng DNA test at hindi na pumayag si papa na umalis kamo dito sa mansion niya. Si ma'am Joan naman lagi pa rin pumupunta dito at nakikipagtalo kay papa. Minsan na gi-guilty din ako dahil kung hindi dahil sa akin, alam kong maayos pa rin sila ni papa. Si Austin naman ay hindi na rin umuwi dito, at tumutuloy daw ito sa condo na binigay sa akin ni papa dati. Hindi rin kasi siya pinayagan ni papa na basta na lang siya lumapit sa amin ng anak niya na hindi man lang niya pinaghirapan. Nang tanungin ko si papa kung bakit kailangan pa niyang gawin yun kay, Austin. Sinabi niya na alam niya ang lahat ng nangyari sa amin dati dahil si Austin, daw mismo ang nag kwento nun sa kanya. At gusto man daw niya suntokin si Austin pero alam
"Lumayas, ka sa harapan ko Austin!" Galit na saad ko sa kanya."Hey, may nagawa ba akong kasalanan sayo?" Natatawa pang tanong niya."Lumayas ka dito! Pati anak ko idadamay mo pa sa kalokohan mo." Ani ko at nahiga patalikod sa kanya."Baby... Miss na miss na kasi kita, baby. Tapos bantay sarado ako sa anak natin at hindi ako makalapit sayo na ako lang mag isa." Aniya na humugot pa ng malalim na hininga at yumakap sa akin mula sa likod. "Baby, 5 years din akong nag tiis, baka naman pwede na." Dugtong pa niya habang hinahalikan ako sa batok."Ano ba Austin nakikiliti ako sa ginagawa mo. " saway ko at humarap sa kanya, pero mali ata ang ginawa ko dahil bigla na lang siyang umibabaw sa akin."Ano ba ang bigat mo umalis ka nga sa ibabaw ko kung ayaw mong isumbong kita kay papa!" Singhal ko sa kanya at tinulak siya sa dibdib pero sadyang mabigat siya. "Baby, naman eh! Wag muna akong pahirapan. Binitin mo ba nga ako nung nasa Subic tayo." Aniya na may pinalungkot pa ang boses."Ako tigil ti
Buong araw kaming nag kulong ni Austin sa kwarto. Kung hindi pa kami kinatok ng anak namin baka hindi pa kami lumabas na dalawa. Hiyang hiya tuloy ako kay papa ng pag baba namin na nandoon na siya at naghihintay sa amin para kumain ng hapunan."Good evening dad." Masiglang bati ni Austin kay papa samantala tahimik naman akong lumapit dito at humalik sa pisngi niya."Mukhang, masaya ka ata ngayon." Ani ni papa kay Austin at bumaling sa kanyang apo."Kiel, apo, didn't I tell you to watch your daddy and not let him enter your mommy's room alone?" Saad nito kay Michael."Oh, I'm sorry grandpa. but daddy said that he and mommy are going to make a baby brother for me so I let him enter mommy's room because I want to have a baby brother." Bigla naman nag init ang aking mukha sa sinagot ni Michael kay, papa. "Daddy, did you and mommy make my baby brother? Did you do five?" Inosinting tanong nito sa ama. Natawa naman si papa sa tinanong ni Michael."Yes, son, I did three first and then two la
Austin PovLaki ng gulat ko ng tumayo si Lander at yakapin ako, kaya naman naguguluhan na tumingin ako kay Mich. Bakas din sa mukha ni Mich ang saya pero may bakas na luha ang kanyang mata."Maupo muna kayo nag order na kami ng pagkain at may hinihintay na lang tayong isang tao." Saad ni Lander sa amin. Lumapit si Mich, sa dalawang matanda at yumakap dito."Hi, po tito daddy, tita mommy." Dinig ko na bati ni Mich sa kanila."Kamusta iha? Mukhang lalo kang gumanda ngayon?" Ani ng mommy ni Lander kay Xhymich."Okay naman po tita, kayo po kamusta po ang biyahe niyo?" Nakangiting sagot ni Xhymich dito."Hindi niyo ba kasama ang apo ko? Dapat iha, tawagin mo na rin akong daddy at mommy naman dito kay tita Elaina mo." Nakangiting saad ng daddy ni Lander. Tumingin ito sa akin at ngumiti. Nang makita ko ang ngiti niya may kung ano akong nararamdaman sa aking dibdib. Parang ang tagal ko na nakita ang mga ngiting yun at familiar iyon sa akin, pero hindi ko lang alam kong saan ko iyon nakita."
AustinHindi ko akalain na ang lalaking kinamumuhian ko ay kapatid ko pala. Sinabi rin niya na lumapit siya kay Mich noon ng sabihin ni Mich sa kanya na asawa niya ako. Matagal rin pala nila akong pinasusubaybayan sa private investigator nila. At nung tinaboy ko si Mich sinabi niya na hindi niya kayang may mangyari masama sa pamangkin niya kaya naman sinasamahan niya si Mich at wala itong anu mang naramdaman para sa dalaga. Nang tanungin ko sa kanya ang tungkol sa kanila ni Belinda, tanging ngiti lang ang sinukli niya. Alam ko na hindi pa siya handa sabihin sa akin ang tungkol sa namamagitan sa kanila ni Belinda, at gusto ko man sabihin ang tungkol kay Brenda ay hindi ko magawa dahil ayaw kong pangunahan si Belinda sa desisyon niya."Call me, kuya Austin, dahil mas matanda ako sayo ng limang buwan." Aniya na tinapik ang aking balikat. sa totoo lang naiilang pa ako sa kanya. Nahiya din ako sa mga magawa ko lalo na at damay siya. Bumuntong hininga muna ako bago tumango sa kanya. "Than
"Austin, ano bang kalokohan to?" Naiinis na tanong ko kay Austin ng yayain niya akong lumabas. Sabi niya may pupuntahan daw kaming dalawa, kaya sumama ako sa kanya. Si, Michael sinama kanina nina daddy at mommy sa pag uwi nila dahil na miss daw nila ang bata. Samantala si Papa naman umalis rin dahil may importante daw itong meeting kaya kaming dalawa lang ang natira sa bahay. At ito nga nag yaya siyang lumabas kami para kumain. "Pag hindi mo, tinanggal ang nakatakip sa mata ko, di ka talaga makaka tabi sa akin mamaya." pag babanta ko sa kanya. Naiinis kasi ako. Bakit kailangan pa niya takpan ang mata ko." Saglit na lang tayo baby, wag ka na magalit." Malambig na saad niya, at masuyo akong hinalikan sa labi."Siguraduhin mo lang na, matutuwa ako diyan sa surprised mo sa akin." Ani ko at nag paakay sa kanya."Where here baby. Ready ka na ba?" Tanong niya habang nakayakap sa likod ko."Hmm, yes. Pwede ko na bang tanggalin ang piring ko?" Hindi siya nag salita at siya na mismo ang nagtan
Matapos kaming mag yakap ni Belinda, pinakilala niya sa akin si Brenda na anak niya. Pero ang pinag tatakahan ko lang ay kung bakit daddy ang tawag nito kay kuya Lander.Nahalata ata ni Belinda kaya nagsalita siya. "Ah, mahaba kasing kwento, Mich. Labas tayo minsan at sasabihin ko ang lahat sayo. Sa ngayon ay magsaya muna tayo para sa inyong dalawa ni Austin. Congratulations ulit sa inyo. Masaya ako para sa inyo at mabubuo na ninyo ang pamilya niyo, tulad ng pangarap ni Austin. Matagal siyang nag hintay sayo Mich, at matagal na siyang nag sisi sa mga kasalanan niya sayo." saad sa akin ni Belinda."Thank you, Belinda. Sana ikaw din ayabuo mo na ang pamilya mo." Nakangiting saad ko sabay sulyap kay kuya Lander na malagkit ang tingin kay Belinda. "Congratulations sa inyo, mga anak, masaya ako para sa inyo." Nabaling ang tingin ko kay papa ng batiin niya kami. Agad akong lumapit sa kanya at yumakap. "Thank you, po papa." Saad ko habang yakap siya."Masaya ako, anak at makita kitang masa