Magkasamang lumabas sina Nizar at Celeste sa coffee shop. Bumalik sila sa silid kung saan idinaos ang meeting. Hiyang-hiya ang dalaga, mabuti na lang at wala na doon ang mga ka-meeting nila at tanging si Yasir na lang ang naroroon at ang secretary ni Nizar.Agad na tumayo si Yasir nang makita si Celeste, niyakap niya ang dalaga ng mahigpit.“Thanks God! You're fine.” Pahayag ng binata kay Celeste.Nagulat ang dalaga nang bigla na lang may humila sa kanya papalayo kay Yasir.“You don't have the rights to hug her.” Malamig ang boses na wika ni Nizar kay Yasir.Muling napasinghap si Celeste nang hilahin siya ni Yasir papalapit dito.“Why? Do you have also a rights to claim her?” matapang na tanong ni Yasir sa dating kaibigan. Kinabahan siya at alam niyang may namumuong away sa pagitan ng dalawa kapag hindi pa niya iyon inawat.“Yes, I have all the right to claim her as mine, after all, I am the father of her children.” Nakangising wika ni Nizar.“Pwede bang tumigil kayong dalawa? Walang
Malaki ang pasasalamat ni Celeste dahil kahit nakagawa ito ng kasalanan sa matalik niyang kaibigan ay pinatawad niya pa rin ito at kusa pa itong tutulong upang makausap ang mga magulang nila.Hinintay na magising nina Celeste ang mga anak. Dahil din sa pagod ay nakatulog din ang dalaga.Binuhat ito ni Nizar at marahang inihiga sa pahabang sofa.Nagising si Celeste sa ingay ng kanyang mga anak. Napangiti ito nang marinig na naglalaro sila ng jack ‘n poy.Napansin ni Pegasus na gising na ang ina nito kaya mabilis niyang nilapitan si Celeste.“Mom! Ang tagal niyo naman pong magising!” wika nito at hinalikan sa pisngi ang ina.Sunod-sunod ding lumapit sina Cygnus at Perseus.“Nag-suggest nga kami na i-kiss ka ni Dad sa lips para magising ka. Hindi ba ganoon ang ginawa ng prince charming ni Sleeping beauty sa kanya?” inosente namang tanong ni Cygnus sa ina nito.Namula ang mukha ni Celeste dahil sa pinagsasabi ng mga anak.She cleared her throat, dahil parang may nakabara rito. Hindi nga ni
“Mare, dito muna sa amin matutulog ang mga bata, tutal sa bahay niyo naman titira si Celeste, kaya hihiramin muna namin ang mga apo namin. Bigla ko tuloy na-miss ang kabataan noon ni Nizar, ganitong-ganito ang mukha ng anak kong ‘yon, kaya nga lang eh, sa ina nagmana ang kulay ng buhok ng tatlo.” Pakiusap ni Karylle kay Luna.Mahina namang natawa si Luna sa pakiusap ng kanyang kumare.“Sige, isang linggo lang sa inyo ang mga apo ko at miss na miss ko rin sila. At baka nga araw-araw na rin akong magpunta rito. Mamaya ipasyal natin sila, ano sa tingin mo?” magiliw namang aya ni Luna sa kaibigan.“Maganda nga ‘yang nasa isipan mo! Sige ba. Teka lang, panay plano natin. Ang tanong papayag kaya ang mga anak natin na ipasyal natin ang triplets?” may pangamba sa boses ni Karylle.“Ano ka ba, mare. Of course papayag ‘yan sila. At saka para makapag-solo na rin ang dalawa. Ayaw magsalita ni Celeste tungkol sa relasyon nila ng anak mo. Hindi ko nga alam kung bakit wala pa silang sinasabi sa atin
Nagkita sa isang bar sina Nizar at Deimos. Nag-order sila ng inumin. “Paano ba ang manligaw? Damn it! I don't know how!” frustrated nitong tanong kay Deimos. Malakas na tinawanan ng kaibigan si Nizar. Napasimangot ang binata at matalim na tiningnan ang kaibigan.“Don’t laugh at me!” malakas na sigaw ng binata sa kaibigan. Napailing-iling naman si Deimos.“Alam mo gago ka rin eh. Galit pa ako sa ‘yo. You take advantage to my sister. Alam mo namang mahal na mahal ko ‘yang si Celeste. I trusted you with her pero gago ka at binuntis mo ang kapatid ko. But anyways, gwapo naman ang mga pamangkin ko, kaya medyo nabawasan ang inis ko sa ‘yo. At about sa panliligaw. I really don't know how,” sumimsim muna ng alak si Deimos bago ipinagpatuloy ang pagsasalita, “Alam mo namang mga babae ang naghahabol sa akin eh, kaya wala rin akong alam tungkol d‘yan.” Pahayag ni Deimos.Malakas na binato ni Nizar ang kaibigan ng chips na hawak-hawak nito.“Wala ka palang alam! Anong gagawin ko? Wala naman akon
Dalawang araw ng inihahanda ni Nizar ang kanyang proposal para kay Celeste. Deimos is helping him, pero ang naging tulong ng kaibigan ay ang parati nitong pang-aasar sa kanya. Kumuha na rin ang binata ng event organizer para sa proposal niya. Kaya lang ay mas gusto ni Nizar na maging on hand sa preparation.Halos gabi na nga siyang umuuwi na labis na ipinagtataka ni Celeste.“Ilagay mo ang red roses sa gilid. Oo. . . Like that.” Utos ni Nizar sa babaeng may hawak na pulang rosas.“Ganito po ba, sir?” tanong ng babae kay Nizar.“Yes. Tapos dapat nasa gitna ang malaking hugis heart. Kailangang spacious ah, ‘yong kakasya kaming dalawa sa loob. How about the customize words ng will you marry me? Handa na ba? Kailangang malinaw na mababasa ‘yon. Hindi dapat puro ilaw ang makikita. Maliwanag ba?” patuloy na saad ni Nizar.Ipinalibot niya ang buong tingin sa paligid. It's almost perfect, the ambience are very romantic. Isa na lang ang kulang, si Celeste na lang.Malakas na nag-ring ang cellp
Dahil sa panlalamig ni Celeste kay Nizar ay mas naging pursigido pa ang binata.Isang gabi ay hindi makatulog si Celeste kaya bumaba siya sa kusina para uminom ng gatas.Nagulat ang dalaga nang makita si Nizar sa loob ng kusina nila.“Nizar, what are you doing here?” nagtatakang tanong ni Celeste.“I can't sleep. Dito na kasi ako pinatulog ni Ninang Luna eh,” sagot ng binata. Tumango lang ito sa binata at nilagpasan ito. “Celeste,” tawag ni Nizar sa dalaga. Hindi lumingon si Celeste at tuloy-tuloy lang sa ginagawa. “Bakit? May kailangan ka ba?” malamig na tanong ni Celeste rito.Malalim na napabuntonghininga si Nizar.“I want to explain myself to you. ‘Yong nakita mo sa amin ni Ivana, it's nothing.” Paliwanag ni Nizar sa kanya.Matapos makapag timpla ng gatas ay hinarap ni Celeste ang binata. Seryoso niya itong tiningnan.“You don't have to explain yourself to me, Nizar. Mga magulang lang tayo ng mga anak natin. Wala tayong relasyon na dalawa. So, wala akong pakialam kung may relasy
Inilibot ng paningin ni Nizar ang buong paligid. Everything is perfect. Isa na lang ang kulang, at iyon ay si Celeste. Sa gitna ng malaking hugis puso ay doon luluhod si Nizar para mag-propose. Ito na ang pangalawang proposal ng binata para sa dalaga. Sana lang ay hindi na ito tanggihan pa ng dalaga.Nasasabik na siyang maging asawa si Celeste. Nasasabik na rin ang binata na maramdaman ang loob nito. Napasabunot ito sa kanyang buhok nang muling umukilkil sa utak niya ang masayang hitsura ng dalaga kasama si Yasir. Napapaisip tuloy si Nizar kung may gusto ba si Celeste sa binata. Dahil Kitang-kita ni Nizar sa mga mata ni Yasir na mahal na mahal nito si Celeste. Katulad kung gaano niya kamahal ang dalaga.Muling kumuyom ang kamao ng binata. Hindi ito makakapayag na maagaw sa kanya si Celeste. Matagal na niyang mahal ang dalaga, sadyang manhid lang si Celeste.Dahil wala ng magawa si Nizar ay bumalik ito sa kanyang opisina. Kailangan niyang magtrabaho para mawala sa isipan niya ang mukha
Hindi mawala-wala ang ngiti ni Celeste habang nasa opisina ito sa bagong branch nila sa Pilipinas. Natuloy kasi ang pakikipag-deal nila sa kompanya nina Nizar. Kaya balak agad nilang magtayo ng new branch sa Pilipinas. Si Celeste ang mamamahala niyon. Kahit na nga ba pina-renovate ni Nizar ang dati nitong restaurant, ay mas pinili ng dalaga na mas pagtuunan ng pansin ang Deliciouso restaurant. Besides, si Twyla naman ang namamahala sa dati niyang negosyo. And speaking of Twyla ay hindi pa ang dalawa nakakapag-usap ng sila lang dalawa. (Twyla reads as Tuwayla)“Someone’s happy,” nakangiti na wika ni Yasir nang pumasok ito sa office ng dalaga. Mahinang natawa si Celeste sa tinuruan nito.“Am I?” tanong pa nito sa binata.“A thousand percent sure. Para na ngang mapupunit ang labi mo kakangiti at ang mga mata mo, they are sparkling lika a star in the night. And I think, I know the person that makes you like that,” may bahid na lungkot sa huli nitong tinuran. Nawala ang ngiti sa labi ni C