Share

Accident Area

Mirasol Carlos is a responsible and successful daughter of Delon Carlos, owner of a prestigious School, and a Hospital in their city. She's a doctor by profession. She is a perfect example of a woman with beauty and a brain, but she's a hardheaded woman. Tigas-ulo is real.

 

Ilang beses na siyang sinabihan ng kanyang ama na huwag magpapagabi at huwag mag-enroll sa anumang sports na panlalaki just like wushu, taekwondo, kickboxing at iba pa. Hindi naman siya tibo. Hindi mo nga aakalaing may alam siya sa self-defense, dahil mahinhin naman siyang kumilos at napakaamo ng mukha.

 

"Dad, I'm a grownup woman naman na eh! Besides, nag-aral ako ng self-defense. I can protect myself." Lagi niyang sagot pag pinapaalalahanan siya ng kanyang mga magulang.

 

"Huwag kang masyadong mayabang at bilib sa sarili mo, Mira. Maraming mas magagaling sa'yo, baka matsambahan ka nila one time." Lagi naman siyang kinokontra ng kanyang ama, dahil ang nais nilang mag-asawa ay itigil na niya ang kanyang mga hilig na sports.

 

Naisip nilang baka nai-intimidate sa kanya ang kanyang mga manliligaw kaya karamihan sa kanila ay di na nagtutuloy sa panliligaw. This prolongs their agony in waiting for grandchildren.

 

"By the way Dad, huwag niyo na po akong hintayin mamayang dinner ha. Lalabas kasi kami ng mga ka-batch ko nung college." Pag-iiba niya sa usapan, habang inaayos ang laman ng kanyang backpack. Gusto na niyang umiwas at baka humantong na naman sila sa kasal-kasal topic.

 

"Ah okay, yung mga kabatch mong Doctors ba ang kasama mo mamaya? Buti pa sila, nalagay na sila sa tahimik. May mga kanya-kanya na siguro silang pamilya," diniin talaga ang mga salitang " Doctor", at " pamilya" para paringgan ang kanyang anak.

"Dad, Doctor din naman ako ah!" Agarang sagot niya sa ama.

"Licensed Doctor ka nga, but you're not practicing your profession hija." Bakas ang panghihinayang sa mukha ng matanda.

"Tahimik ang buhay pag may pamilya? Does it mean, magulo ang buhay naming single?" Natanong nalang niya sa kanyang sarili habang natatawa sa kanyang isipan.

"Mga katulad kong certified single ang imi-meetup ko later noh!" sagot niya sa kanyang isipan.

"Okay, bye dad!" Nasabi nalang niya, sabay halik sa pisngi ng ama at nagmadali na siyang maglakad palabas ng kanilang mansion.

Walang nagawa ang kanyang ama kundi tignan na lang ang kotse nito hanggang makalabas ng gate, bago pumasok sa loob ng mansion upang tawagan ang kanyang asawang nakabakasyon sa England.

Mag-isa nalang siyang pumunta doon para umattend ng kasal ng bunsong anak ng kanyang amiga. Supposedly, tatlo silang aattend, pero may emergency sa school nila na hindi pwedeng balewalain.

Si Mirasol naman, may upcoming tournament daw kaya kailangan nilang mag-practice ng isang buwan.

Sa kahabaan ng highway, hindi makausad ang mga sasakyan dahil sa dalawang nagkabanggaang kotse. Naipit sa trapiko ang kotse ni Brix Jose.

Brix Jose is an actor and a famous director who did a lot of movies in the past. After a series of movies he made, which were then admired by the public and soon became box office, he started to receive countless death threats. Kaya naisipan niyang huminto muna sa pagdi-direk ng pelikula, pati ang paga-artista.

But now, he thought, five years was enough. He needs to go back to his passion, which is making a movie. This time, with the new technology and techniques he had learned in the United States, he is now ready to face the competitors.

"Marco, anong nangyayari? Bakit ang tagal yata umusad ang traffic ngayon?" tanong niya sa kanyang kaibigan habang ang kanyang mapupungay at malamlam na mata ay nakatingin sa kulay asul na kotseng nasa tapat nila. Eye-catching ang pagka-asul ng sasakyan dahil parang neon at 3D ito, dagdag pa ng magandang driver sa loob.

Bahagyang nakabukas ang bintana kaya kitang-kita niya ang lady driver na nayayamot na. May ka-date yata kaya naiinis.

 

Maya-maya, may nagtatatakbong babaeng nagpapanic, at humihingi ng saklolo.

"May mga nasa medical field po ba dito? Please save my Dad!" Hysterical ang babaeng wala na sa ayos ang make-up dahil sa pag-iyak.

Doon bumukas ang kotseng asul na nasa tapat nila. Nakita ni Brix ang kabuuan ng lady driver. Pouty lips ito dahil halatang nayayamot sa trapiko, at medyo salubong ang kilay, pero napaka-propesyonal pa rin kumilos.

She has long and straight black as the night hair. Kaka-rebond yata. Nakasuot siya ng white chiffon blouse, with a pink cardigan, at black pants.

Pagkasara ng lady driver sa pinto ng kanyang kotse, at akmang kakausapin ang hysterical at nagpa-panic na babae, natumba sya at napasandal sa kanyang sasakyan dahil sa biglang pagsulpot ng dalawang uniformed nurses. Buti nalang nakahawak agad siya sa kotse, kundi'y natisod sana siya.

"Ouch! Would you mind to be careful?" Narinig niyang nainis na sabi nito sa mga nurse na bumangga sa kanya. Ngunit di siya pinansin ng mga ito, wala man lang nagsorry. Tuloy-tuloy lang sila sa pakikipag-usap sa babaeng hysterical.

"Calm down madam. Registered nurse ako sa Carlos Hospital. I can help you! Nasaan ang pasyente, Miss?" sabi ng nurse na bumangga sa lady driver.

"May pagka-yabang din ang nurse na ito," sabi nalang ni Brix sa sarili. Pero ang mata at tenga ay nakatuon pa rin sa lady driver ng asul na kotse. "Ano kayang reaction ng babae?" Naisip ni Brix habang sinisipat ang kabuuang katawan ng lady driver.

Umandar ang kanyang pilyong isipan, "Parang model ng two piece bikini. Ano kayang itsura nito pag naka two piece? Heheh Well-toned din ang shape ng kanyang binti at ang kulay? di maputi, at di rin maitim. Perfect! Hmmm May abs kaya ito? Parang athlete ah." Feeling niya nanonood siya ng shooting ng kanyang mga artista sa taping.

"Okay Miss Nurse, if you need a DOCTOR, I'm just right here behind you. If in case emergency surgery is needed, tawagin mo lang ako okay? I have a complete medical box here." Sabay turo sa kanyang sasakyan.

Nagulat si Brix sa tinuran ng babae. Sadya kasi niyang diniin ang salitang doctor para iparamdam siguro ang awtoridad niya sa medical field. Napasinghap si Brix sa nalaman. Malamang okay maging girlfriend ang isang doctor, may taga alaga, naisip agad niya. 

Pulang-pula naman ang dalawang nurse sa hiya nang makilala ang babae, at humingi sila ng paumanhin sa kanya. Agad niyang kinuha ang medical box sa trunk ng kanyang kotse, at magkasama silang tatlong pumunta sa kinaroroonan ng ama ng hysterical na babae.

After few minutes, pabalik na si lady driver sa kanyang kotse, habang bitbit ang medical box, at may nakasampay na stetoscope sa leeg nito.

Kasunod nito ang dalawang nurse, siya namang pagdating ng rescue team. Medyo natagalan sila dahil sa kalayuan ng accident area.

Agad na kinuha ni Brix ang kanyang cellphone at kinuhanan ng maraming shots ang lady driver. I-delete nalang niya yung ibang litrato na hindi maganda ang kuha. Sakto namang lumingon ang babae sa kinaroroonan niya, kaya nakuhanan niya ito ng magandang anggulo.

Agad niyang itinaas ang salamin ng kanilang kotse. 

"Huh? Ang lakas namang shutter sound yan! Hindi ako artista para kunan ng stolen shot!"

 

Narinig niyang kalmado pero sarkastikong sabi ng babae sa tapat ng kanyang bintana, habang nakapameywang. 

"Marco, ang yabang ng isang ito. Magpapakilala na ba ako? For sure, baka pa nga magpa authograph siya eh." Brix whispered to Marco confidently, while staring at the woman's beautiful face outside his tinted window. It is obvious to her face that she is very displeased with the stolen shots taken by the stranger inside the car.

"Try mo. Baka nga fan mo pa. Go! magpakilala ka na." sulsol ni Marco. Naiintriga siya sa eksena sa pagitan ng lady driver at ang kanyang kaibigang mayabang at playboy. 

Doon nga ay ibinaba ni Brix ang salamin ng bintana, at nagkatinginan sila. Nagtama ang kanilang mata. Ang akala ni Brix ay magtitili ito pagkakita sa kanya pero laking gulat nalang niya sa sumunod na tinuran ng babae. 

 

"I don't know you! And I don't care who you are. Delete those photos, or I will break your window!" narinig niya ang malamig at kalmadong boses ng babae.

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status