Share

Chapter 37

Justine

"Masyado na po kasing personal ang itinatanong nyo sa akin Ma'am eh." Matapang na sagot ko naman dito.

Kung dati ay ura urada na sasagutin ko ang mga tanong nito. Ngayon ay malakas na ang aking loob na hindi ito sagutin.

Gaya nga ng sabi ko ay masyado na iyong personal para pag usapan namin na dalawa.

Wala naman sa topic yun ng subject ko sa kanya eh. Kaya hindi ko obligasyon na ipaliwanag dito or sabihin dito ang mga ganitong bagay.

Di kung gusto niya ay kay Antonnette niya itanong yun. Dahil kahit ako ay hindi ko alam kung ano ba ang relasyon meron kami nito.

"Anong personal doon ha? Napaka dali lang naman sagutin ng tanong ko ah. Bakit hindi mo na lang sagutin at kung ano ano pa ang mga pinag sasabi mo?" Inis na sabi nito.

Hayst kainis talaga ito eh. Ano ba kasi ang pakialam nito sa akin?

"Ano ba kasi ang mapapala mo kung sa sagutin ko man ang tanong mo na yan?" Inis na rin na sagot ko dito.

Wala kami sa school para igalang ko siya at siya naman itong nauna eh. Tao
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status