JustineAgad na binuksan ko naman ang pinto ng apartment ko at kahit na nahihiya sa mga bisita ko ay pinapasok ko sila. Mas nakakahiya naman kung hindi ko man lang sila aalukin na pumasok at bigyan ng maiinom kahit na malamig na tubig man lang. "Tuloy po muna kayo sa aking maliit na tahanan. Pasensya na po kayo at medyo mainit po dioto ha." Sabi ko sa mga ito. "Okay lang Justine. Sanay naman kami sa init eh." Sagot naman sa akin ni Sir. Samantalang si Ma'am Julie naman ay agad na inilibot ang kanyang paningin na para bang sinisiyasat nito ang bawat angulo ng tirahan ko. Oo alam ko na medyo magulo nga ngayon dahil hindi pa ako nakakqpag linis at busy ako masyado sa trabaho ko at sa work. Sama nyo na rin sa girlfriend ko na parang may plano pa yata na e ghost ako nito. Humanda talaga ito ng matinding paliwanag sa akin dahil hindi ko basta basta ta tanggapin ang paliwanag nito na hindi naman kagandahan. Maya lang ay nag paalam saglit ako sa kanila at kukuha lang ako ng ma iinum sa
JustineKatatapos lang ng exam namin at ngayon nga ay pinuntahan ko na mismo itong si Antonnette sa kanilang building. Nakita ko kasi ang schedule nila ng exam kaya alam ko na hindi pa sila tapos ngayon. Nqg hi hintay na ako dito sa harap ng room nila sa may gilid banda. At tanaw ko na ito na seryoso ito sa pag sagot sa test paper niya. Parang medyo namayat ito sa halos mahigit isang linggo na hindi ko ito nakikita. Hayst ano ba kasi ang nangyayari sa kanya? Girlfriend niya ako pero hindi man lang niya ma share sa akin kung ano ba talaga ang problema. Maya lang ay nakita ko na itong tumayo mula sa kanyang kinauupuan at nag pasa na ito ng test paper. Dala na rin nito ang gamit nito kaya naman tumayo na rin ako mula sa aking kina uupuan upang lapitan na ito. Baka kasi makatakas pa ito. Nang nasa labas na siya ng room at mukhang busy ito sa pag tingin ng kanyang phone ng bigla ko na lang siyang lapitan at hawakan ang braso nito. Mas maganda na hawak ko siya baka kasi makatakas pa eh
JustineMaya lang ay mabilis ko ng kinabig ito sa kanyang batok at pinag lapat ang labi namin na dalawa. Magka dikit lang naman ito habang pareho na patuloy na dumadaloy ang mga luha sa mga mata namin. Napaka bigat ng dinadala namin ngayon sa dibdib. Yung alam mo na mahal nyo naman ang isat isa pero hindi na nga pwede. Nakakapang hinayanh lang dahil sa nangyari na yun ay kailanman hindi na magiging kayo nito. Yung mahal nyo naman ang isat isa at hindi naman kayo nag away or Wala naman kayo pinag awayan pero dahil nga sa pagiging hindi maingat at ang mga damuho na yun ay nagka ganito kami ni Antonnette. Hindi ko din naman ma sisi si baliw kung bakit kailangan din na pa panagutin nito si Antonnette sa nangyari sa kanila. Hindi din naman ganun kadali na mawalan ng iniingatan mo. Pero kung hindi din dahil kay Antonnette ay hindi ko lang alam kung ano na din ang nangyari dito. Baka pinag pyestahan na siya ng mga lalaki na yun na may masamang balak sa kanila. Pasalamat na rin ako kasi n
JustineNang makarating kami sa parking lot ay excited na sumakay ito sa motor ko. "Hindi naman halata na miss na miss mo ang sumakay dyan ah." Natatawa na sita ko dito. "Naman, at alam ko na miss mo din ang yakap ko habang naka sakay ako dito. Kaya wag kang ano dyan. Give and take lang ito no." Natatawa din na sagot nito sa akin. "Hahaha oo na lang. Pero sayo halatang halata naman kasi masyado." Hindi pa rin tumitigil na pam bu buska ko dito. "Tumigil kana dyan ha. ako pa rin ang Queen bee dito at hindi ako mangingimi sa sampalin kita dyan pag nainis ako sayo." Pananakot naman nito sa akin. Nag react naman ako na parang takot na takot sa sinabi nito sa akin."Bwisit ka talaga Justine. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ko sayo eh sa totoo lang di ka naman kagandahan talaga eh. Mukha ka pa ngang palaging puyat na bruha." Sagot nito sa akin. Sus nilait pa ako eh kung hindi ko lang alam na crush na crush kaya ako nito. Huwag nga siya dyan. "Ngayon ginaganyan mo na ako porket fri
JustineNatatawa ako na itinuloy ko na muna ang pagkain ko ng balot. Sayang kasi eh. Kung alam ko lang na itatapon nito yung hawak niyang balit ay di sana nasambot ko man lang yin. sayang din kasi eh. Kakainin ko na lang sana yun eh. Nakatingin lang ito sa akin habang parang nandidiri na kinakain ko yung buong sisiw. Hanggang sa matapos akong kumain. Halos inumin ko naman na yung suka ng balot dahil nga mas nasa sarapan akong kumain kapag halos naliligo na siya sa suka na maraming sili. Mahilig pa naman ako sa maaanghang na pagkain kaya baliwala lang ang maanghang na suka sa akin. "Ano ba mga kinakain mo na yan Justine para kang hindi babae eh. Sa lahat ng mga pinakain mo sa akin na kakaibang pagkain ay dito ka lang nag fail. Pati nga pala doon sa mabaho na parang bulok doon sa apartment mo nung pinatulog mo kami doon. The rest ay pasado lahat sa akin. Ito talaga ang hindi ko kayang kainin. sa totoo lang. Kahit na magka pilitan pa tayong dalawa dito." Sabi nito s a akin. "Oo na hi
JustineNang makarating kami sa unit ni Antonnette ay nag paalam na rin ako dito. Oo sa kanya lang. Bastos naman kasi ang baliw na ito eh. Kung hindi nga lang sa pakiusap sa akin ni Antonnette na huwag ko na lang itong patulan ay baka kanina ko pa ito sinagot sagot. "Antonnette mauna na rin ako ha." Baling ko dito sa kanya na ngayon nga ay todo ang kapit dito ni Baliw. Na para bang kapag binitawan nito si Antonnette ay mawawala ito sa kanya. Parang nakakahalata na ako sa baliw na ito sa totoo lang. Parang may gusto ito kay Antonnette pero itinatago lang nito sa pagiging ganyan nya. Hindi naman halata na sobrang possessive nito eh. Hayst baka guni guni ko lang yun. Kailangan ko na talagang umuwe at need ko na rin magpahinga. "Sige Justine, ingat ha. Chat mo ako kaagad pag nakarating kana sa apartment mo. And sorry talaga sa nangyari." Malungkot naman na sabi nito sa akin at mabilis na itong nilapitan ako upang yakapin. Ramdam ko sa yakap nito na hanggang dito na nga lang talaga ka
Justine"Hahaha nag papatawa ka ba Ma'am? Paano kita magiging asawa eh malinaw pa sa tubig kanal na may asawa ka ng tao. Tapos bigla ka na lang darating dito at sa sabihin mo sa akin ang bagay na yan? Hahaha hindi pa naman ako ganun nasisiraan ng ulo para maniwala pa sa iyo. Kaya habang nasa matino pa akong pag iisip at kaya pa kitang respituhin bilang guro ko ay pwede umalis ka na lang sa harapan ko. Dahil hindi sa lahat ng oras ay kaya kong pag pasensyahan mga pinag gagawa mong ito." Seryoso na sagot ko dito. Kapal ng mukha na sabihin sa akin na kasal kami eh may asawa siyang tao. Hindi man lang ba siya nahihiya sa kanyang katawan para sabihin s a akin ang bagay na yan. Oo halos mag makaawa ako sa kanya na maging akin na lang sya pero hindi naman ako aabot sa ganito para mag paka tanga sa kanya. Tsaka nagising na ako sa katutuhanan na kahit kailan ay hindi ko siya magiging akin. Kaya nga nag mo move on na ako diba. Kung hindi nga lang nag break na kami ni Antonnette ay malamang na
JustineNang sabihin nito sa akin ang mga bagay na yun ay may tinawagan ito sa phone niya. Pero hindi ko pa rin ito pinansin. Bahala siya dyan. Hindi ko pa rin ito pinapansin na mas lalo lang nitong ikina inis sa akin. Pinaka ayaw pa naman nito na hindi siya pinapansin kaya siguro todo ang galit nito ngayon. Hayst ang galing pa nito manakot. As if naman na matatakot pa niya ako. May pa tawag tawag pang nalalaman. Baka nag sumbong pa ito sa kanyang mga amega para humingi ng tulong. Hahaha masaya sya kung sa sama ako sa kanya ng ganun ganun na lang. Kung gusto niya na makuha muli ang loob ko at bumalik ako uli sa kanya ay patunayan muna nito sa akin na karapat dapat ba na bumalik ako sa kanya. Hindi yung ganyan para siyang boss na bigla na lang pu punta dito para sabihin lang sa akin na kasal na daw kami nito at kailangan ko ng umalis sa work ko dahil kaya naman daw niya akong buhayin at pag aralin. Hayst parang nag uutos lang ito na ikuha ko siya ng tubig na maiinom. Ibang klase ka