Share

Chapter 19

Gabi na ng makarating sina Fiero sa bahay ng pinsan ni Inggo na si Franco. Inaasahan na nito ang pagdating nila kaya naman nakapagluto na ito ng pagkain para sa kanila.

"Ginabi na kayo," sabi ni Franco nang pagbuksan sila nito ng pinto.

"Nagkaroon ng konting problema ang barkong sinasakyan namin. Dapat sana mga alas kuwatro pa lang nang hapon ay narito na kami," paliwanag ni Inggo kung bakit sila ginabi nang dating.

"Ah, ganun ba? Ayos na rin, mabuti naman at hindi malaki ang naging problema sa barkong sinsakyan ninyo, kung hindi ay baka mas lalo pang tumagal ang biyahe ninyo."

"Kaya nga eh. Siya nga pala, kasama ko si Fiero, siya ang kaibigan na sinasabi ko sa'yo. Fiero ito nga pala si Franco ang pinsan ko," pagpapakilala nito sa dalawa.

"Maraming salamat sa pagtanggap mo sa amin dito," ani Fiero, inalok niya ang kamay kay Franco para makipag-shake hands na agad naman nitong tinugon.

"Naku, walang anuman, isang sabi lang sa akin ni Inggo, hangga't kaya kong makatulong ay tutulong ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status