Share

Chapter 2

Blaine's POV

"Congressman! Phone call from the

president."

Inabot sa akin ng aking secretary na si Lanie ang hawak nitong cellphone, maagap ko naman iyong tinanggap at agad sinagot ang tawag ng aking ama. Bihirang-bihira na mangyari ito, so it must be important.

"President, good morning! Napatawag po kayo," bungad bati ko sa aking ama.

"Yeah! I just want to invite you for a cup of coffee here at the palace. Are you free today at around ten?" tanong nito.

Agad kong sinipat ang aking relo.

8:45 am nakasaad dito. Mayroon pa akong mahigit isang oras para i-review ang mga papeles na nasa ibabaw ng working table ko. Marami akong commitments ngayon ngunit wala ng mas mahalaga pa sa makasama ko ang aking ama kahit na ilang sandali lang.

"Okay Papa, I'll be there," maagap kong sagot.

"Alright, I'll wait for you then," tugon naman niya.

"Yes, Papa."

Tinapos na ni Papa ang tawag at binalingan ko naman ang aking sekretarya. "Lanie, cancel all my appointments for today," utos ko sa kaniya.

"Okay, Sir," mabilis na tugon naman nito.

Bumalik ito sa kaniyang pwesto at may kinuhang itim na planner kung saan ay itinatala niya ang mga schedule ko sa araw-araw. Binuklat-buklat iyon at pagkatapos ay may mga tinawagan sa telepono. Ibinalik ko na ang aking atensyon sa mga papeles na kanina ko pa binabasa. Mga project proposal iyon para sa aking nasasakupang bayan.

_

My father is a very busy person. He's the president of the country at kahit pa nakatira kami sa iisang bahay, bihirang-bihira na nagpapang-abot kami. Madalas ay sa palasyo na siya natutulog. That's why I also want to take this opportunity para makapag usap man lang kami kahit na sandali.

"I invited you here not to discuss politics. I have nothing but admiration for your dedication to serving our country. It's heartening to see you carving your own path, and I am so proud of you, my son!" papuring sabi ng aking ama.

Ang papuri na iyon ni Papa sa akin ay nagpataba nang husto sa aking puso.

"Thanks, Papa! I am just doing what I think is the best for our people," mapagkumbaba na sagot ko.

"Yes! So true, but don't you think that you forgot the most important things in your life? Because of you being so busy taking care of our country you did not realize that you are taking for granted your own family."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ng aking ama.

"What do you mean, Papa?"

Bumuntung hininga muna siya nang malalim bago nagsimula muling magsalita.

"Your sister, Emily, she's more than five years married to Senator Morales, but untill now ay hindi pa rin sila nagkakaanak. Gusto ko nang makakita ng maliliit at cute na cute na mga bata na nagtatakbuhan at nagsisigawan dito sa palasyo."

Napangiti ako sa sinabi ni Papa.

The way he delivered the final words, accompanied by laughter, made me realize that I wasn't conversing with the president anymore, instead, I found myself talking to my father.

"When do you and Mikaela plan to have children? It's been nearly a year since your wedding, and I believe it's about time."

Bigla akong natigilan.

Si Ate Emily ang may problema kaya hindi sila magka-anak at ako na lang ang tanging pag-asa ni Papa para matupad ang pangarap niyang magkaroon ng apo. Ayoko siyang biguin pero hindi ko kayang mangako na mabibigyan ko siya agad ng apo. Sa sobrang busy ng schedule ko kaya siguro hindi pa rin kami makabuong mag-asawa.

"Pa, gustong-gusto na rin ni Mikaela na magkaanak kami. In Gods time makikita n'yo rin po ang apo ninyo," walang kasiguraduhan na sabi ko.

"Hmm. Huwag n'yo nang patagalin. I'm not getting any younger, gusto ko pang makalaro ang mga apo ko. Hindi na ako aasa kay Emily kaya naman ikaw na ang kinausap ko this time."

Bumaling lang ako ng tingin kay Papa, sabay tango.

-

"Honey!"

Tuwang-tuwang sinalubong ako ng yakap ni Mikaela, hindi niya inaasahan na pupuntahan ko siya ngayon dito sa livelihood program na inilunsad niya para sa mga kababaihan. Pati na rin ang mga taong naroroon ay parang nakakita ng artista na agad akong dinumog. Mabuti nalang at maagap ang aming mga bodyguard, ayoko naman na may magkasakitan nang dahil lang sa akin. How I treasure these people is under statement.

"Kamusta po kayong lahat?" tanong ko sa mga ito ng maisaayos na sila ng mga tauhan ko. Ngayon ay nakabalik na ang mga ito sa kani-kanilang mga pwesto.

"Talaga nga palang napaka-gwapo ni Congressman Montreal sa personal, dinaig pa ang artista," bulalas ng isang ginang na masayang nakamasid sa aming mag-asawa.

"Sinabi mo pa! Kinikilig ako! Bagay na bagay sila ni Ma'am Mika, gwapo at maganda, higit sa lahat parehong mabait, mapagkumbaba, matulungin at may puso sa mga tao," sang ayon ng isa.

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mga usapan na iyon sa paligid at natutuwa naman akong ganuon ang tingin nila sa amin ng aking asawa.

"Pasensya na po kayo mga kasama, kailangan ko lang pong sunduin ang asawa ko ngayon, napakarami ko na po kasing utang sa kaniya. Hindi niyo naman po siguro mamasamain kung magde-date muna kaming mag asawa? Ngayon lang ho ako nagkaroon ng oras, sana naman po ay maintindihan ninyo," abot-abot ang paghingi ko ng pang-unawa sa mga taong naroroon.

Sa huli ay maluwag sa loob nilang pinayagan kami ni Mikaela na makaalis.

-

"What is the meaning of this, hon?"

Hindi makapaniwala ang mga tingin ni Mikaela sa akin habang inaabutan ko siya ng pumpon ng mga pulang rosas. Sinadya kong ipasara ang restaurant na paborito naming kainan para sa espesyal na araw na ito.

"I don't know if you still remember but, that was seven years ago ng sagutin mo ako," pagpapaalala ko sa kaniya.

Hinding-hindi ko malilimutan ang araw na iyon. I am so fascinated with her. Sobrang ganda niya at napakabait. Nakilala ko siya sa orphanage, she was seventeen that time at eighteen naman ako. Sumama ako kay Mama para mag volunteer sa foundation nito.

Mikaela is an orphan, at doon na siya lumaki sa bahay ampunan. Tumutulong-tulong siya sa iba pang mga volunteer doon sa pag aasikaso sa mga bata. Simula noon ay madalas na akong bumabalik sa orphanage na iyon para masilayan lang siya. Nagsimula na rin akong magpakita ng interes sa kaniya at kalaunan ay manligaw. Makalipas ang isang taon at nang maging eighteen na siya ay sinagot na niya ako.

Pinag-aral ko siya ng college at nang makatapos siya ay hinayaan ko muna siyang maranasan na makapagtrabaho. After five years of being together as boyfriend-girlfriend ay nagpakasal na kami and now almost one year na kaming mag-asawa pero parang kailan lang iyon.

"Oh! I'm glad you still remember!" Tuwang-tuwang niyakap ako nito at mabilis na dinampian ng halik ang aking labi na ikinabigla ko, ngunit agad din naman akong nakabawi.

Hinaplos ko ang mukha niya at gumanti ng halik na pinatama ko sa noo niya.

"Come on, let's dance!" Masuyo kong hinawakan ang kamay niya habang pumapailanlang ang tugtugin na alam kong naaangkop para sa pag iibigan namin.

Ipinaglaban namin ang pagmamahalan namin noon kahit pa tutol si Mama.

Mikaela is such a wonderful woman, and if I were to choose the girl I would marry even in my next life, I would still search for her to marry over and over again. That's how much I love her. I want to give her everything that can make her happy.

Ang aking asawa ay hindi mahilig sa mga materyal na bagay. Napaka simple lang niya at walang luho sa katawan. Ang tanging hiling lamang niya sa akin bago kami ikasal ay bigyan ko siya ng maraming anak.

Dahil lumaking ulila sa magulang at walang mga kapatid ay gustong-gusto niyang bumuo kami ng isang malaki at masayang pamilya.

"Let's do it tonight, honey! Gawin na natin ang panganay natin," bulong nito sa akin habang kami ay nagsasayaw. Nakakapit ito sa batok ko habang ang mga kamay ko naman ay nakayakap sa bewang niya.

"Huh! Ang pilya mo but, I like the idea," sabi ko sabay tawa nang malakas.

Hindi ko na naman napigilan na panggigilang kurutin ang malambot niyang pisngi. Napangiti ako nang manulis ang nguso niya. Hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Sa lahat kasi ng ayaw niya ay iyong kinukurot ko ang pisngi niya, kaya lang ay hindi ko ito magawang alisin sa sistema ko, iyon kasi ang paborito kong gawin. Isang paraan ng paglalambing ko sa kaniya ay ang inisin siya. Ang cute-cute kasi niya kapag nanunulis na ang nguso.

"I love you!" nanunudyong sabi ko.

Hinampas niya ako sa balikat sabay ngiti. "I love you too!" tugon niya.

Nanatili kaming magkayakap habang nagsasayaw sa saliw ng magandang tugtugin.

Mahal ko ang aking asawa, siya ang lahat sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status