Share

Chapter 31

Alas sais pa lang ng umaga ay gising na si Fiero. Lumabas siya para mag-jogging. Sa dalawang araw na pamamalagi nila sa Hacienda de Montreal ay laging ganun ang routine niya, gigising ng maaga para mag-jogging, pagkatapos ay maglalakad-lakad at iikutin ang buong hacienda at makikipagkwentuhan sa mga trabahador na madadaanan niya.

Makalipas ang isang oras ay bumalik na siya sa villa para mag-kape at mag-almusal. Maaga pa lang ay naroon na si Aling Daling at nagluluto na ng kanilang pagkain.

"O, Fiero, andyan ka na pala, tamang-tama at nakapagluto na ako. Halika at tikman mo ang lomi namin dito. Teka at ipagsasandok kita," sabi ni Aling Daling, nasa 65 na ang edad nito ngunit maliksi pa rin kung kumilos.

"Naku, salamat po Aling Daling. Ako na po ang magsasandok ng para sa akin, huwag niyo na po akong asikasuhin."

Nahihiya kasi siya sa matanda, hindi naman siya amo o kamag-anak man lang ng mga Montreal ngunit kung pagsilbihan siya nito akala mo ay kabilang siya sa pamilya. Kung tutuusi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status