Share

Chapter 25.1

Magkasunod na pumarada ang dalawang magarang sasakyan sa harap ng bungalow house ng mga Velez. Mula sa mga bahay na kadikit ng maliit na bahay ay nagsimula na ring lumabas ang mga tao at nakiusyoso. Tila ba may dumating na artista.

Hindi naman naiwasan ni Amber ang manliit nang bumaba sa ikalawang sasakyan si Don Flacido. Aniya, ang bahay nila ay kasinglawak lamang ng isang kwarto sa mga Villacorda.

Nabaling lamang ang tingin niya kay Ashton nang pisilin nito ang kanyang palad. Binigyan siya nito ng sinserong tingin.

"Don't be nervous."

Marahan na lamang siyang tumango bilang tugon.

"Mareng Amaya! Lumabas ka, may bisita kayo!" Sigaw ng isa sa kapitbahay nila.

Lumapit naman ang isa sa kapitbahay nila, nagniningning ang mga mata nitong sinuri ng tingin ang kabuan ni Amber. Simple lamang ang estilo ng suot niyang kulay peach na bestida ngunit 'di maikakailang mamahalin ito.

"Ang tagal mong nawala ah. Balita namin nag-asawa ka na."

Tipid na ngiti na lamang ang naisukli nito sa a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status