Share

Chapter 30

SHAINA

Lumipas ang ilang mga araw ay hindi ko na nararamdaman pa ang pagkirot sa aking kaselanan. Nawala naman na 'yon. Ganoon pa rin ang naging takbo ng buhay ko sa loob ng pamamahay ni Sir Jacob. Gigising nang maaga, magtatrabaho hanggang gabi at matutulog para magpahinga. Palagi rin kaming nag-uusap ni Sir Jacob. Araw-araw naman akong kinikilig sa kanya, eh. Palagi akong ganado na magtrabaho araw-araw dahil sa kanya.

Matutulog na ako isang gabi nang makarinig ako ng kumakatok sa pinto ng tinutulugan kong kuwarto. Kaagad ko naman na binuksan 'yon para tingnan kung sino ang tumatawag sa akin. Baka kasi si Manong Caloy 'yon at may importanteng sasabihin sa akin.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng kuwarto ko ay si Sir Jacob ang nakita ko. Nanlaki ang mga mata ko pagkakita sa guwapong mukha niya. Nakangiti siya sa akin. Akala ko si Manong Caloy 'yon ngunit hindi naman pala. Siya lang pala 'yon. Pakiramdam ko ay malalaglag ang puso ko sa bilis ng tibok nito. Napamura ako sa isip ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status