Share

Chapter 46

SHAINA

Tumango ako sa kanya pagkasabi niya sa akin. Hindi naman pala sila nagmamadali o kailangan na ngang umalis. Tinatanong lang ako ni Kuya Alfred kung tapos na ngang kumain si Jacob na boyfriend ko. Aalis na sana ako nang pigilan niya ako kaya hindi muna ako umalis sa may garahe kung nasaan siya.

"Sandali lang, Shaina..." sabi niya sa akin.

Kumunot ang noo ko pagkasabi niya na sandali lang.

"Bakit po, Kuya Alfred? May sasabihin pa po ba ikaw sa akin?" tanong ko kaagad sa kanya na tinanguan naman nga niya.

"Oo. Hindi lang sasabihin 'yon, eh, may itatanong lang ako sa 'yo," mahinang usal niya. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin. Kung ano man ang sasabihin o itatanong niya sa akin ay wala akong kaalam-alam kung ano man nga 'yon, eh.

Umihip ako ng malamig na hangin at saka nagsalita, "Ganoon po ba? O, sige po. Sabihin mo na o itanong 'yon sa akin para malaman ko na po at masagot, Kuya Alfred." Iyon lang ang sinabi ko sa kanya.

Huminga muna siya nang malalim at tinititigan ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status