Share

Chapter 82

ISABEL

Hindi puwedeng tumanggi si Jacob sa akin. Kailangan niyang pumayag sa akin na panagutan niya ako sa pagbubuntis ko at patirahin sa bahay niya. Hindi puwedeng hindi. Kailangan na maging kaming dalawa muli kagaya dati. Tinakot ko siya para pumayag siya sa kagustuhan ko na 'yon. Kaya ko naman talagang gawin 'yon. Akala niya siguro ay hindi. Well, d'yan siya nagkakamali. Kaya kong sirain ang magandang imahe at reputasyon niya sa publiko sa tulong ni Mr. Chavez na isa sa mga kaibigan ko. Galit pa rin sa pamilya niya si Mr. Chavez kahit wala na ang mga magulang niya at kahit anong oras niya gustuhin ay puwede niyang gantihan si Jacob lalo na kung magsabi ako sa kanya.

Pinapaalalahanan ko lang siya sa puwede kong gawin sa kanya. Baka kasi inaakala niya na hindi ko kayang gawin ang mga sinasabi ko sa kanyang pananakot. Kayang-kaya kong gawin. Kung ayaw niya na magkaroon siya ng malaking problema ay kailangan niyang pumayag sa kagustuhan ko.

Naalala ko na may hawak pa pala akong kopya ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status