Share

MML 9 - Caught

Nanlalaki ang mga mata ko na umayos ng tayo at pinagpagan ang sarili.

Takot at kaba ang siyang naramdaman ko ngunit hindi ko iyon ipinahalata bagkus ay pilit ako na ngumiti bago humarap kay Lily.

"Nandito na pala kayo," sabi ko.

"Ano po'ng ginagawa niyo?" tanong niya muli habang pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa.

"Kanina pa kayo?" tanong ko. Pilit na inilalayo siya sa kaniyang nakita.

"Kararating-rating lang din po," sagot niya.

Tiningnan ko si Roy na walang bakas ng kaba o takot sa kaniyang mukha habang nakatitig sa akin. Pinaglalaruan pa niya ang kaniyang ibabang labi kaya naman ay roon napupunta ang aking mga mata.

Pilit ko iyon iniwas sa kaniya sa abot ng aking makakaya. "Salubungin ko lang sila Ate Anne," paalam ko kay Lily.

Hindi na ako naghintay pa ng tugon mula sa kanila at nagmamadali na ako lumabas doon. Sakto rin na nakasalubong ko si Ate Anne na mukhang galit na.

Sobrang salubong ang mga kilay at nang magtama ang aming mga mata ay mas lalo lang sumama ang tingin niy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status