Amber PovPagkatapos kong umalis sa bahay ni Phil ay nagtungo ako sa apartment ni Mildy. Wala siyang trabaho ngayon dahil pareho kami ng schedule sa pinapasukan naming bar. Nagtaka si Mildy kung bakit ko siya pinuntahan at namumugto pa ang aking mga mata. Wala na akong choice kundi ang sabihin sa kanya ang tungkol kay Phil at ang pagpapakasal naming dalawa for the sake of his grandfather's happiness and ownership of the Salvatore Conglomerate. Pinagalitan ako ni Mildy matapos kong sabihi sa kanya ang lahat at pati na rin ang dahilan kung bakit nasa ganito akong kalagayan. Matapos kong mailabas ang nararamdaman kong sama ng loob ay natulog ako sa pag-aakalang lilipas din ito pagkagising ko. Ngunit nang magising naman ako pagkatapos ng mahaba kong tulog ay mabigat pa rin ang dibdib ko. Kaya niyaya ko ang kaibigan ko na magtungo sa bar na pinagtatrabahuhan namin. Ngunit hindi para pumasok sa trabaho kundi bilang customer. Hindi ko alam kung ilang bote na ng beer ang nainom ko ngunit umi
Amber PovBahagya akong napaungol ngunit hindi ako nag-abalang magmulat ng aking mga mata. Masakit ang ulo ko na parang binibiyak. Ganito pala ang pakiramdam ng may hangover. Ipinapangako ko na hindi na talaga ako maglalasing. Maliban kasi sa masakit ang aking ulo ay humihilab din ang aking sikmura. Ayoko sanang bumangon ngunit hindi ko kaya pigilan ang paglabas ng laman ng aking tiyan. Nagmulat ako ng mga mata at patakbong nagtungo sa banyo. Agad kong inilabas sa inidoro ang lahat ng mga nakain ko kagabi. Ngunit hinang-hina naman ang pakiramdam ko matapos kong sumuka. Pakiramdam ko ay mamamatay na yata ako."Gising ka na pala, Amber. Dinalhan kita ng mainit na sabaw at gamot. Higupin mo agad at inumin ang gamot para mawala ang iyong hangover," kausap sa akin ni Mildy na hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala."Mamamatay na yata ako, Mildy. Wala na akong lakas. At saka bakit ba umiikot ang apartment mo? Lumilindol ba?" nanghihina ang boses na tanong ko sa kanya.Hindi napigilan n
Amber PovNagdesisyon akong bisitahin si Lolo Fidel sa ospital kahit na hindi ko kasama si Phil. Bilang asawa ni Phil at pagsunod sa pinirmahan naming kontrata ay kailangan kong magpakita sa kanyang lolo para hindi siya magduda tungkol sa tunay na relasyon namin ng kanyang apo. Natitiyak ko kasi na may nakapagsabi na sa kanya tungkol sa ginawa kong pag-alis sa bahay ni Phil. Alam kong ikalulungkot niya iyon kaya kailangan kong gawin ang aking papel."Saan ka pupunta at nakagayak ka yata?" tanong sa akin ni Mildy nang makita ko siya paglabas ko sa kuwarto niya. Nasa sala siya at nanunuod ng televesion habang kumakain ng pop corn."Magtatrabaho," simpleng sagot ko sa kanya. Tumaas ang kilay ng kaibigan ko. Wala kasi kaming pasok ngayon dahil may mga bagong waitress at gagamitin nila ang time namin para sa kanilang training. "Bibisitahin ko ang Lolo ni Phil. Baka nakarating na sa kanya ang tungkol sa nangyari at natitiyak ko na nalungkot siya. Ayoko na nang dahil sa akin ay maging malung
Amber PovMadalas akong napapatingin sa orasan na nakasabit sa dingding ng silid ni Lolo Fidel sa ospital. Malapit ng mag-ten ng gabi ngunit tila walang balak si Phil na umalis. Hanggang ten ng gabi lamang tumatanggap ng bisita sa ospital ngunit walang indikasyon na aalis na siya. Mukhang dito rin yata niya balak matulog sa loob ng silid ng kanyang lolo. Sana naman ay nagkakamali ako ng aking iniisip. Iisang hospital bed lamang ang nasa loob ng silid ni lolo maliban sa higaan niya at maliit lamang ang bed. Hindi kami kasya kung dalawa kaming mahihiga sa maliit at makitid na kamang iyon. At isa pa, masyadong awkward kung magkatabi kaming mahihiga dahil hindi naman kami totoong mag-asawa. Oo nga't sa iisang kama kami natutulog sa bahay ngunit malaki naman ang kama niya kaya maluwag ang space. Hindi nagkakadikit ang aming mga balat at may dalawang mahabang unan pa na nakaharang sa pagitan namin."Masyadong gabi na, Phil. Hindi ka pa ba uuwi?" hindi nakatiis na tanong ko sa kanya. Umaasa
Amber PovBigla akong napabangon sa kama nang makita kong nahulog si Phil sa ibaba. Hindi ko kasi inaasahan ang ginawa niyang paghalik sa akin kaya naitulak ko siya ng hindi sinasadya. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya," nakangiwing paumanhin ko kay Phil na halos hindi ma-drawing ang mukha sa pagkakasimangot. "Anong nangyari, Amber? Bakit biglang nahulog si Phil sa ibaba ng kama?" tanong naman ni Lolo Fidel na biglang nagising mula sa mababaw niyang pagtulog."Masyado po kasing maliit ang kama para sa aming dalawa kaya siya nahulog, Lolo," mabilis kong sagot bago pa man ako maunahan ni Phil sa pagpapaliwanag.Natawa ng malakas si Lolo nang marinig ang sinabi ko. "Sinabi ko na kasing yakapin niyo na lang ang isa't isa para magkasya kayo sa maliit na kamang iyan at hindi kayo mahulog."Muling bumalik si Phil sa ibabaw ng kama at tinapunan ako ng matalim na tingin. Sa aking paningin ay muling nagbalik ang dating Phil na aking kilala. Kanina kasi kumikilos siya na parang hindi siya si Phil
Phil PovHalos mabasag ang bote ng beer sa aking kamay dahil sa higpit ng aking pagkakahawak. Ilang araw na akong palaging laman ng bar na pinagtatrabahuhan ni Amber. Magmula nang umalis siya sa ospital ay hindi na ulit kami nagkapag-usap. Kapag nagpupunta siya sa ospital para bisitahin si Lolo ay talagang itinataon niya na wala ako roon. Pakiramdam ko ay iniiwasan niya ako. At mabigat ang loob ko dahil sa ginagawa niyang pag-iwas sa akin. Kung tutuusin ay dapat hindi ako makaramdam ng ganito dahil wala akong gusto sa kanya. At saka ginagawa niya ang kanyang trabaho bilang asawa ko, iyon ay ang pasayahin ang aking lolo sa mga natitira niyang araw sa mundo. Ngunit hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Parang nasasaktan ako na iniiwasan niya ako. Kaya naman hindi ako nakatiis at nagtungo ako rito sa work place niya para siya lihim na makita. Ngayon nga ay nasa loob ulit ako ng bar kung saan siya nagtatrabaho ngunit hindi niya alam na nandito ako
Amber PovIsinukbit ko sa aking balikat ang aking shoulder bag pagkatapos ay lumabas na ako sa locker room. Hindi ko napigilan ang maghikab. Inabot ako ngayon ng halos hatinggabi dahil ako ang nag-cover sa shift ni Mildy. Wala sana akong overtime ngayon pero dahil nag-undertime ang kaibigan ko kaya ako na lamang ang pumalit sa kanyang oras. Kulang kasi ngayon ng mga waitress dahil dalawa ang hindi pumasok kanina para sa kanilang shift."Uuwi ka na ba, Amber?" tanong sa akjn ng waiter na si Anjo nang mapadaan ako sa tapat niya."Oo. Uuwi na ako. Inaantok na rin ako kanina pa," sagot ko sa kanya pagkatapos ay muli akong naghikab."Ingat ka sa pag-uwi mo," paalala niya sa akin. "Dapat kasi may boyfriend ka na para laging may maghahatid at magsusundo kapag pumapasok at umuuwi ka galing sa trabaho. Kung sana lamang ay sinasagot mo na ang panliligaw ko sa'yo ay may boyfriend ka na sana ngayon," biro niya sa akin. Biro na may halong katotohanan. Matagal na kasi siyang nagpaparamdam sa akin n
Amber PovNaramdaman ko ang paglapat ng isang malambot at mainit na bagay sa aking mga labi habang pinagbabalikan ako ng aking kamalayan. Agad na rumihistro sa aking isip ang ginawa sa akin ni Mr. Gustavo kaya kahit nakapikit pa ang aking mga mata pinagkakalmot ko na siya."Stop it, Amber! It's me, Phil!"Sa malas ay hindi ko naririnig ang kanyang sinasabi dahil ang tanging nasa isip ko lamang nang mga sandaling ito ay ginagawan ako ng kahalayan ni Mr. Gustavo. Patuloy akong nagpumiglas at pinagkakalmot ang lalaking nasa tabi ko. Ngunit napahinto ako sa aking ginagawa nang bigla na lamang akong halikan ng taong nasa tabi ko. Pamilyar sa akin ang mga labi ng taong humahalik sa akin ngayon. Pamilyar din sa akin ang pakiramdam habang hinahalikan niya ako. Phil! hiyaw ko sa aking utak. Ang galit at takot na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng masarap at tila nakakakiliting pakiramdam. Ganito ang nararamdaman ko noong hinalikan niya ako. Ilang segundo lamang tumagal ang halik dahil