TREXIE POV Wala sa sariling napatitig ako kay Dominic. In fairness sa kanya, marunong na siyang makiusap ngayun. Isa pa, maayos siyang nakiki-usap sa akin ngayun kaya sino ba naman ako para hindi siya sa pagbigyan. Sa kabila ng mga nangyari sa amin at paghihirap ko sa mga kamay niya, hindi pa rin maitatanggi na siya ang ama ng mga anak ko. HIndi naman pwedeng suluhin ko lang ang mga bata dahil darating at darating din ang araw na maghahanap sila ng ama at ayaw kong ipagkait sa kanila ang tungkol sa bagay na ito. Ayaw kong maging makasarili kapag kapakanan ng mga bata ang pag uusapan. Hindi naman porket pagbibigyan ko siya ngayun ayos na kami. Hindi ganoon iyun dahil maninindigan pa rin ako na hindi na ako babalik sa kanya. Tama na ang minsang pagdurusa sa mga kamay niya. Pipilitin kong maging masaya at itotoon ko ang buo kong oras sa negosyo at sa mga anak ko. Wala na akong balak na pumasok sa isang relasyon. "Okay...ikaw pa rin naman ang ama nila at ayaw kong ipagkait sa k
TREXIE POV Masyadong masarap sa mga mata habang pinagmamasdan ko sila Dominic at ang mga anak namin. Hindi ko akalain na ganito kainit ang magiging pagtangap ni Dominic sa mga bata. Walang pagsidlan ng tuwa ang nararamdaman ng puso ko habang pigil ko na ang sarili ko na maiyak. Pagkatapos nitong kargahin si Baby Brianna Louise si Bryan Adam naman ang kanyang pinagbalingan ng pansin at pinupog ng halik ang pisngi. First time kong nakitang lumuha si Dominic kaya hindi ko maiwasang mapatitig dito. Anak lang pala namin ang makakapag paiyak sa kanya eh. Kaagad akong napalapit sa kanila ng marinig ko ang pag iyak ni Baby Brianna. Hindi marahil nito matangap na saglit siyang ibinaba ng Daddy niya para ang kapatid naman niya ang kargahin. "Nagseselos siya." kaagad kong sambit kay Dominic sabay buhat kay Baby Brianna at isinayaw-sayaw. Napansin ko pa ang pagtitig sa akin ni Dominic pero hindi ko na binigyang pansin pa. Tumalikod ako dito habang pilit kong pinapatahan si Baby Brianna
TREXIE POV Naging maayos naman ang pagdalaw ni Dominic sa mga bata. Wala naman siyang mga bagay na ginawa na hindi ko nagustuhan. Halos ayaw na din nitong umalis sa tabi ng mga anak namin at naabutan pa siya ni Papa Ryder sa bahay pagkauwi galing sa opisina. "Good evening Sir!" narinig ko pang bati ni Dominic kay Papa. Hindi ko tuloy mapigilan ang magtaka. Talaga bang 'Sir' ang tawag niya kay Papa? Pero bakit? Sabagay, simula ng maging mag asawa kami ni Dominic never kong narinig mula sa mga bibig niya na tinawag niyang Papa si Papa Ryder. Hindi na din naman ako nagtanong dahil masyado akong nalunod sa pagmamahal na nararamdaman ko para kay Dominic. Walang mas mahalaga sa akin noon kundi siya lang. ''Mabuti naman at nabisita mo din ang mga apo ko. Dito ka na kumain ng dinner. May pag uusapan tayo." seryoso namang sagot ni Papa. Hindi ko tuloy maiwasan na mgtaka. Sa totoo lang , gusto ko na sanang umalis na si Dominic. Naiilang ako sa mga titig niya. Habang nagtatagal siya
TREXIE POV Kinabukasan, medyo tanghali na akong nagising. Kaagad akong naligo at nag- ayos ng sarili. Siguradong sa mga oras na ito, nasa opisina na si Daddy. Gayunpaman, balak ko pa din pumasok kahit late na. Gusto ko talagang matutunan ang mga trabaho sa Sebastian Logistics para naman maipagmamalaki ako ng buong pamilya. Kailangan ko na din talagang mag seryoso sa buhay. Ibabangon ko ang sarili ko at gusto kong maging magaling na CEO kagaya ni DAddy pagdating ng araw. Gusto kong may mapatunayan sa aking sarili kaya magsisikap ako. Tama, aabalahin ko ang sarili ko sa pagpapatakbo ng kumpanya hangang sa lumaki ang mga anak ko. Gusto kong makontento sa mga bagay na kung anong meron ako ngayun. Hindi ko na kailangan pa ng panibagong pag ibig para lang sumaya. Nang masiguro ko na maayos na ang make up ko, kaagad kong sinukbit ang aking shoulder bag at lumabas ng kwarto. Direcho ako sa nursery room para tingnan ang mga bata at hindi ko maiwasang mapangiti ng madatnan silang tu
TREXIE POV Habang nagki-kwento si Mama, kita ko kung gaano ito ka-seryoso kaya alam kong nagsasabi ito ng totoo. "Pero bakit po parang ayos naman sila Papa at Dominic kagabi? I mean, bakit parang hindi naman galit sa kanya si Papa?' naguguluhan kong tanong kay Mama Ashley. Kaagad naman itong natawa. "Dahil na din sa pagpupursige ni Dominic. Kahit makailang ulit pang nakatikim ng sapak sa ama mo ang asawa mong iyan hindi pa rin tumitigil sa kakasuyo sa amin. Halos araw-araw siyang dumadalaw dito sa bahay para humingi ng tawad." sagot naman ni Mama Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko. Talaga bang ginawa ni Dominic ang tungkol sa bagay na ito? Pero bakit? Dahil ba nagsisisi na siya sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa niya sa akin? "Huwag ka sanang magtampo sa amin kung bakit pinapayagan namin siyang pumunta dito sa mansion. Ramdam naman namin ang pagsisisi niya at hindi ka naman namin pipilitin na muling bumalik sa kanya Trexie. Kahit na msakit ang ginawa niya sa iyo,
TREXIE POV "Salamat." malamig kong wika kay Cholo pagkatangap ko sa bulaklak na bigay niya. Pagod ako at gusto ko sanang magpahinga kaya lang hindi naman pwedeng hindi ko siya harapin. Baka mapulaan pa ako ng pamilya niya kapag gagawin ko iyun. "Pasensiya ka na kung nakaabala ako sa iyo. Pagkaalis kasi namin kanina ng opisina niyo, bigla kasi kitang na-miss eh. Ganito talaga siguro kapag in-love ka sa isang babae." Matamis na ngiting sagot nito sa akin. Hindi ko naman malaman ang isasagot ko. Super corny niya at hindi ko gusto ang naririnig ko mula sa kanya. Kung na-miss nya ako, kabaliktaran naman sa nararamdaman ko ngayun. Hangat maari, ayaw ko sana siyang makita ulit. Kaya lang nandito na siya sa mansion at ano pa nga ba ang magagawa ko. "Oh Cholo! Napadalaw ka yata ah?" saglit akong nakahinga ng maluwag ng biglang lumapit sa amin si Papa Ryder. "Opo tito! dinadalaw ko lang po si Trexie. Kung ayos lang po sa inyo, gusto ko pong ipag-paalam sa inyo si Trexie na iimbitahan
TREXIE POV Hindi ko maiwasang sundan ng tingin si Dominic pagkatalikod nito sa amin. Laglag ang balikat nito na naglakad papasok ng mansion kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba sa sarili ko. Para akong naaawa sa kanya na hindi ko maintindihan. "Mabuti naman at nakaramdam din at umalis. Palagi ba siyang pumupunta dito sa inyo?" Muling naagaw ni Cholo ang attention ko ng magsalita ito. "Binibisita nya ang mga anak namin. Isa pa, may basbas na siya kina Mama at Papa kaya malaya siyang makalabas at pasok dito sa bahay dahil ama pa rin naman siya ng kambal." sagot ko naman. Hindi naman nakaligtas sa pandinig ko ang malalim nitong pagbuntong hininga. Nang titigan ko ang kanya mukha, nababakas ko ang inis doon. HIndi ko na lang pinansin pa bagkos pilit ko itong nginitain. "Pasensya ka na Cholo ha? Hindi kita mahaharap ng matagal ngayun. Marami pa akong dapat gawin." wika ko. Umaasa ako na sana maramdaman niya na wala akong gana na pakiharapan siya at sana umalis na siya.
DOMINIC POV Para akong sinapak ng makailang ulit ng marinig ko ang katagang binangit sa akin ni Trexie. Bigla akong nakaramdam ng agam-agam at takot sa nalaman na nanliligaw pala talaga sa kanya si Cholo. Iisipin ko pa lang na baka ma-inlove siya sa lalaking iyun, libo-libong sakti na ng kalooban ang nararamdaman ko. Hinding hindi ko talaga matangap na mapunta siya sa iba. Kung kailan naman na-realized ko lahat ng mga pagkakamali ko at nagbago na ako tsaka naman nagbabadyang mawala sa akin si Trexie. Pakiramdam ko, ikamamatay ko kung makuha siya ng ibang lalaki sa akin. Alam ng Diyos kong gaano ko siya kamahal at lahat gagawin ko bumalik lang siya sa akin Actually, kaya ko naman talagang maghintay kung kailan niya ako mapapatawad eh. Pero sa isiping may nanliligaw na pala sa kanya, hindi ako sigurado kung hangang saan ang pagtitimpi ko. Gusto ko ng mabuo kami. Gusto ko siyang makasama ulit sa iisang bubong kasama ng mga anak namin. Gusto ko na ng masaya at buong pamilya. Gust