TREXIE POV "Ibalik niyo ang anak ko! Ibalik niyo siya!" paulit-ulit kong bigkas habang hinihintay ko si Dominic na muling bumalik. Inaasikaso nito ang pagpapahanap sa kambal pati na din sa mga Yaya's nila. Nakunan sa cctv camera na itinakas ng dalawang Yaya ang kambal at sumakay sila sa itim na sasakyan. Naireport na din namin ito sa kapulisan at kasalukuyang iniimbistigahan nila ang mga nangyari. "Trexie, anak huminahon ka! Kailangan mong magpahinga muna. Gumagawa na ng paraan ang Papa mo pati na din ni Dominic para muling mabawi ang mga bata sa kamay ng mga dumukot sa kanila." Wika ni Mama Ashley. Pinipilit nitong pakalmahin ako pero hindi ko kaya. Ilang oras ng nawawala ang mga anak namin ni Dominic pero hangang ngayun, wala pa rin akong balita kung nasaan na sila. Ang ini-expect kong masayang araw ng buhay ko hindi ko akalaing magiging bangungot sa akin ang lahat. Hindi ko akalain na may balak palang masama ang mga Yaya's ng kambal na dukutin sila. Ano man ang dahilan nila h
TREXIE POV "Hinayaan ko na si Dominic na kausapin niya ang babaeng dumukot sa anak namin. Masyado na akong emotional at hindi ko talaga matangap na hindi maibabalik sa amin ang anak ko sa lalong madaling panahon. "Oras na may mangyaring masama sa anak ko papatayin kita Michelle, tandaan mo iyan!" halos pasigaw naman na wika ni Dominic sa babaeng nasa kabilang linya. Pulang pula na ang mukha nito dahil sa matinding galit. Niyakap na lang ako ni Mama Ashley para damayan sa kung ano man ang pinagdadaanan ko ngayun. "Anak, huwag kang mag alala walang masamang mangyayari sa kanila. Maibabalik din sa atin ang mga bata, magtiwala ka lang." wika ni Mama Ashley sa akin. Patuloy lang ako sa pagluha. Hindi ko talaga kayang tangapin na baka tuluyan ng mawalay sa akin ang mga bata. "Ma, ano po ba ang kasalanan ko bakit kailangan kong pagdaanan ito? Bakit hindi na matapos-tapos ang problema ko? Galit po ba sa akin Diyos para bigyan niya ako ng ganito kasakit na pagsubok?" umiiyak kong bigka
TREXIE POV Dahil maselan ang pagbubuntis ko, wala akong choice kundi ang pumayag na mai-confine muna dito sa hospital. Kailangang obserbahan ng Doctor ang kalagayan ko kaya kahit na sobra akong nag alala sa kalagayan ng kambal, wala akong choice kundi pilit na libangin ang sarili ko. Kailangan kong umiwas sa mga bagay na makakaapekto sa pagbubuntis ko. Malaki naman ang tiwala ko sa pangako ni Dominic sa akin na ibabalik niya sa akin ang kambal sa lalong madaling panahon. Si Mama Ashley ang nakatokang magbantay sa akin dito sa hospital. Paroon at parito naman si Denise. Hindi kasi pwedeng bantayan niya ako buong oras dahil kailangan din siya ni Mommy Alice, ang byanan ko. Hindi din pwede si Dominic dahil inaasikaso nito ang pagkikita nilang dalawa ni Michelle bukas. Nakaalalay naman sa kanya si Papa Ryder kaya kahit papaano, nabawasan ng kaunti ang pag aalala na nararadaman ko. Tiwala ako na mapag-tatagumpayan nilang mabawi ang kambal bukas. Umaasa ako na ligtas na maibabalik sa
TREXIE POV Pagkaalis ni Dominic siyang dating naman ni Denise para asikasuhin ang paglabas ko ng hospital. Nag aalala man sa mga posibleng mangyari sa paghaharap ni Dominic at Michelle wala akong choice kundi ang manalig na sana walang mangyaring masama. Sana ligtas na makabalik sa piling ko ang mag- ama ko. Sana, ito na ang huling araw na mag alala ako ng sobra. Eksakto alas diyes ng umaga ako nakalabas ng hospital. Kasabay na pag alis namin ng hospital ay ang kaba naman na nararamdaman ko. Sa mga sandaling ito alam kong posibleng nakikipag negosasyon na si Dominic kay Michelle. Sana nga magiging maayos ang lahat at walang masaktan. Hawak-hawak ko na din ang aking cellphone at inaantabayan ko ang tawag ni Dominic sa akin. Hindi talaga ako mapalagay hangat wala akong nakuhang kahit na anong balita mula sa kanya. Hindi titigil ang pag-aalala na nararamdaman ko hangat wala akong maging balita sa mag- ama ko. "Ma, tumawag na po ba si Papa?" hindi ko maiwasang tanong kay Mama Ash
TREXIE POV Sa narinig kong salita mula kay Papa Ryder wala sa sariling naglakad ako papuntang pintuan ng kwarto. Umaasa akong nasa labas lang si Brianna kasama ng Daddy Dominic niya. Hindi pwedeng wala siya. Hindi pwedeng hindi siya kasama ng kambal niyang si Bryan Adam! Hindi ko kaya! Hindi ko kayang mawala siya sa akin! "Trexie anak! Wala si Dominic. Nasa hospital siya samantalang hindi namin marecover ang katawan niBaby Brianna!" salita na binigkas ni Daddy na kaagad na nagpahinto sa aking paghakbang. Parang biglang namanhid ang buo kong katawan dahil sa narinig ko mula sa kanya. Hindi kayang tangapin ng kalooban ko ang balitang ito! Hindi kayang tangapin ng isipan ko ang hindi inaasahang balita. "Sa kagustuhan na masagip ni Dominic si Baby Bryan, isinugal niya ang sarili niyang kaligtasan para mabawi niya mula sa mga kamay ng mga kidnappers. Hindi sumunod sa usapan si Michelle kaya nagkagulo. " wika ni Daddy na nagpakuyom ng kamao ko. Traydor talaga ang Michelle na iyun. Huma
THIRD PARTY POV "Ano ito? Sino ang batang iyan?" kaagad na salubong ng matandang babae sa bagong dating na si Ana na halata ang matinding pagkabalisa sa mga mata habang karga-karga ang walang malay na batang babae. "Nay Martha, pwede bang papasukin niyo muna ako? Mamaya na iyang talak dahil baka may nakasunod sa akin!" naiiritang sagot naman ni Ana sa matandang babae. Malikot ang mga matang nagpalinga-linga pa ito sa paligid na parang may tinatakasan. "Pa-pasensiya ka na anak! Sige na..pasok ka muna!" sagot naman ng matandang babaeng si Martha sa bagong dating na si Ana. Hindi niya maiwasang magduda. Mukhang may ginawang kabulastugan na naman ang anak niya kaya ito balisa ngayun. Isa pa, may kasama itong bata. Kahit na madungis ang naturang bata, alam niyang maganda ito at anak mayaman base na din sa kutis nito at pananamit. Pagkapasok, kaagad na ibinaba ni Ana ang walang malay na bata sa kahoy na upuan at naghalungkat sa dala niyang backpack. Naglabas ito ng isang bundle na
THIRD PARTY POV Naputol lang sa pagmumuni-muni si Nanay Martha ng marinig niya ang mahinang pag iyak ng bata. Inihiga ito kanina ni Ana sa matigas na upuang kahoy kaya kaagad itong dinaluhan ni Aling Martha. Hindi niya napigilan ang makaramdam ng awa ng matitigan niya ang maganda at cute nitong mukha. "Ang ganda mo naman palang bata ka! Patawarin mo ako sa ginawa sa iyo ng anak ko ha? !Gustuhin man kitang ibalik sa mga magulang mo, hindi ko din naman sila kilala. Hindi ko alam kung kanino kita daldalhin kaya mas maigi na ako na lang muna ang mag aalaga sa iyo. Dadating at dadating din ang oras na mare-realized ng anak ko ang mga kasalanan na nagawa niya. At kapag mangyari iyun pwede na kitang iuwi sa pamilya mo!" mahabang wika ni Nanay Martha sa batang hindi niya naman alam kung ano ang pangalan. Tulala lang naman na nakatitig sa kanya ang bata. Bakas sa mga mata nito ang takot habang titig na titig sa kanya. Ano man ang ginawa ni Ana sa batang ito, siya lang ang nakakaalam. An
TREXIE POV Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa kay Dominic habang pinagmamasdan itong nakaratay dito sa hospital bed. Inassure na ng kanyang Doctor sa akin na nasa maayos na siyang kalagayan pero hindi pa rin maiaalis sa puso ko ang matinding pag aalala lalo na at kailangan pa nitong sumailalim sa operasyon para nabaling buto sa kanyang paa. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na haplusin ang kanyang pisngi kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata. Sa dami ng nangyari sa buhay namin, parang naging manhid na ang puso ko sa matinding sakit na pinagdadaanan ko ngayun lalo na at walang kasiguraduhan kung makikita pa ba namin ang isa naming anak na si Brianna. "Dont cry Sweetheart! Maayos din ang lahat. Hindi ako titigil hangat hindi natin mahahanap si Brianna!" narinig kong bangit ni Dominic kaya kaagad akong napatitig sa kanya. May malay tao na sya at malamlam ang mga matang nakatitig sa akin. "Dom, kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? Tatawagin ko ang Doc