Share

Chapter Eighteen: Confusion

ARIA

“Wake up, Austra…” mahina lamang ang boses ng batang babae pero sapat na para imulat ko ang mga mata ko. Pamilyar sa akin ang bses niya dahil alam kong si Ariella ito, ngunit ni isang imahe ng mukha niya ay wala akong matanaw ngayon sa lugar na kinaroroonan ko. Gustuhin ko man itong hanapin ay wala akong magawa dahil may nararamdaman akog humahaplos sa aking buhok na siyang pumipigil sa aking gumalaw sa pwesto ko.

“Wake up, sweetheart… You’re dreaming.”

liwanag na nagmumula sa bumbilya ng ilaw namin sa sala ang bumungad sa aking mga mata nang magising ako sa ginagawa na paghaplos ni Mama sa buhok ko. Nang matanaw ko ang nanay ko na may pag-aalala ngayon sa mukha ay bumangon kaagad ako. Doon ko nakitang nasa sofa pala ako nakatulog at si Mama ang kasama ko.

Parang ang haba ng naging tulog ko, maging ang ulo ko ay tila ba tumitibok ngayon. Ang bigat sa pakiramdam. Dahil ba ito sa panaginip ko?

Teka… Papaano ako nakauwi sa bahay?

“M-ma? Paanong nandito na ako?” bakas sa boses ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status