salamat po sa pagbabasa..❤❤❤
Savannah Tahimik kaming nag-almusal at tanging mga tunog ng kubyertos ang maririnig. Nakatutok ang mga mata ko sa aking pagkain at hindi ko magawang tumunghay sa kanila. Ngunit ramdam ko ang pagsulyap nila sa akin. Nag-iinit ang aking mukha dahil sa labis na kahihiyan Hindi ko talaga matandaan kung ano ang nangyari kagabi kaya hindi ko magawang tumingin kay Albrey. Tapos nahuli pa niya ako na pinagnanasaan ang mga abs niya. Nakakahiya talaga. Gayon din kay ate dahil naman sa pagtulog ko sa kwarto ni Albrey kagabi. Baka ini-isip niya na nagtatabi na talga kami matulog. Gusto ko na lang talaga magpalamon sa sahig. Ngunit isang tanong mula sa kapatid ko ang nagpatunghay sa akin. "Kumusta pala ang graduation mo, Sav? Hindi mo man lang ako tinawagan or kahit nag-send ka lang sana ng picture mo na naka-toga," may pagtatampong sabi ni ate Sha. Halos mabulunan ako sa tanong niya at hindi ko malaman ang sasabihin ko. Kaagad naman akong inabutan ni Albrey ng tubig. Napatingin ako kay Albrey
Savannah Nagluto ako ng masarap na hapunan para sa aming dalawa ni Albrey. Sabay kaming kumain. Nasabi ko na din sa kanya ang tungkol sa pag-alis ni ate Sha. Tumango lang naman siya at walang anumang reaksiyon. "I've already chosen the groomsman. And your sister will be the bridesmaid, right? Let's discuss it tomorrow with the wedding organizer," sabi ni Albrey sa mahinahong boses at may ngiti sa labi habang nagsasalita. Tumango-tango at ngumiti lang din ako, bilang tugon ko sa mga sinabi niya. "I've something else to discuss with you." Parang napakaamo ng kan'yang mukha ngayon, kumpara sa mga nagdaang mga araw na napakaseryoso at napakasungit. Mas lalo naman siyang gumaguwapo habang tumatagal. Mahinahon din ang pagsasalita niya na ang sarap sa tainga. "During this year, every day I'll spend three hours at least, tutoring your homework. In this case, I can make sure that you can pass your thesis defense." Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Three hours?!" Sobra naman yatang aba
Third person Hindi nakatulog buong magdamag si Sav kakaisip sa dapat niyang gawin. Ano nga ba ang dapat niyang gawin? Patuloy sa pagtatalo ang kanyang isip at puso. Gusto niyang ituloy ang kasal ngunit paano ang ate niya? Tiyak na magagalit ito ng husto sa kanya. Iniisip niya rin si Albrey at Grandpa. Nagpaikot-ikot na siya sa kanyang higaan. Sa kabilang silid ay hindi rin makatulog si Albrey. Nakatulala ito habang nakatitig sa kisami at nakapatong ang kanan niyang braso sa kanyang noo. Kinaumagahan ay maagang umalis si Albrey, kaya't hindi sila nagkita ni Sav. Hindi na siya nag-abalang pang magluto ng almusal. Naisipan nalang niyang makipagkita sa mga kaibigan niya. Nagbabakasakali siya na matulungan siya ng mga ito na magdesisyon ngunit natapos ang araw ay hindi pa rin siya makapagdesisyon. Habang si Albrey naman ay itinuon ang sarili sa trabaho buong maghapon. Pauwi na sana si Sav sa condo ni Albrey nang makatanggap ito nang tawag mula sa kapatid niya. Tinanong siya nito kung na
Savannah "Akala namin ay cancel na ang kasal, Beshie. Anong nangyari?" tanong ni Bea habang inaayusan niya ako dito sa k'warto ko. Nandirito rin si Avin na nakatunghay sa akin. Sa akin nga ba? Mukhang kay Bea ata siya nakatingin at hindi sa akin. Bakit hindi pa kasi niya ligawan, napakahinang nilalang. "Pinilit ka ba ni Prof? Pinagbantaan ka ba niya? Sinasabi ko na nga ba at pinlano niya ito," ani ni naman ni Avin na kaagad kong dinipensahan. "No! Kayo talaga. Hindi ganoon. ‘Wag nga kayong nag-iisip ng ganyan sa kan'ya," may-inis kong sabi. "Ayiii....Hindi pa kayo kasal pero nagsisimula ka ng protektahan siya," halos sabay nilang sabi. Parehas talaga sila ng na-isip? Ako naman ay nangiti lang na maslalo pa ata nilang binigyan ng kahulugan. "Is it an agreement or real this time?" may mapang-asar na ngiti sa labi ni Bea. Ako naman ay napangiti lang muli na waring kinikilig. "Ayan, tapos na," ani ni Bea nang matapos na niya akong make-up-an at ayusan ng buhok. Napakaganda ng mga ngi
SavannahDahil kakaunti lang naman ang imbitadong bisita ngayon sa kasal namin ay sa isang fine dining restaurant na lang ginanap ang reception ng aming kasal. Masaya kaming nagsalo-salo. May kwentuhan at tawanan. Nang matapos sa pagkain ay saglit silang nanatili at di naglaon ay isa-isa na rin silang nagpaalam."Sir Albrey, Ma'am Sav. Kailangan na pong bumalik ni Chairman Ford sa ospital," sabi ng isa sa mga personal nurs ni Grandpa. Saglit lang kasing pinayagan ng doctor na makalabas si Grandpa. Kasama niya ang tatlong personal nurs na nakaalalay sa kanya.Kaagad naman kaming lumapit kay Grandpa para magpaalam."Congratulations sa inyo. I'm so happy for the both of you," masayang ani ni Grandpa ng makalapit kami sa kan'ya. Halata naman sa kan'ya na halos wala ng paglagyan ang kaligayaha niya, nag nining ang kanyang mga mata."Salamat, Grandpa," masaya kong tugon sa kan'ya. Si Albrey naman ay nakangiti lang din kay Grandpa. Alam kong masaya siya dahil sa sayang nakikita niya ngayon s
Savannah Magaan ang pakiramdam ko nang magising ako kinabukasan. Ang sarap kasi ng tulog ko. Masaya akong nagluluto ng almusal sa kusina ng biglang tumighim si Albrey, nasa likuran ko na pala siya. Bahagya akong nagulat at pinamulahan ng mukha. Nagsasayaw kasi ako habang nagluluto. Kanina pa ba siya d'yan. "Good morning," nakangiting bati niya. Bakas sa mukha niya na maganda ang gising niya. Napaka-amo ng mukha niya at napakalambing ng boses na parang musika sa aking pandinig. "Good morning," bati ko rin sa kanya, pinigilan kong mapangiti ng malapad. Baka isipin niya kinikilig ako. Pero iyong totoo kinikilig talaga ako. Bakit ba naman kasi mas lalo pa siyang guma-guwapo sa paningin ko habang tumatagal. Dahil siguro maamo na ang mukha niya, hindi gaya ng dati na napakaseryoso at pormal na pormal. "Sav.....Sav...Sav," ilang ulit niyang tawag. "Ha? Ah..." "Yung niloloto mo," sabi niya habang itinituro ang niluluto ko sa kawali. Nabalik ako sa wisyo, matagal na pala akong napatulal
Savannah Gabi na nang makauwi kami ni Albrey. Pagod na pagod ako dahil sa maghapong pag-iikot namin sa mall. Ang sakit din ng mga binti at paa ko. Pagkatapos kasi naming kumain ng napakarami ay sunod naming pinuntahan ang tindahan ng mga sapatos at ibinili niya ako ng ilang pares. Siya ang namimili ng lahat at sinasang-ayunan ko lang din ito lahat dahil siya naman ang masusunod. Nagpunta rin kami sa tindahan ng mga gamit pang lalaki at bumili siya ng ilang mga gamit niya. Dumaan din kami ng grocery dahil wala na kaming stock na mga pagkain. Ako naman ay nakasunod lang sa kan'ya. Lahat naman ng hinahawakan ko na produkto ay kinukuha niya at nilalay sa cart kahit pa sabihin ko na hindi ko iyon bibilhin dahil tinitingnan ko lang. Ang dami tuloy naming nabili. Mamaya ko na lang iyon aayusin sa kusina. Sumalampak ako sa sofa dahil sa sobrang pagod. Dahil masaki ang mga paa ko ay itinaas ko ang mga ito at ipinatong sa mini table. Si Albrey naman ay hindi ko man lang kinakitaan ng kahit
Savannah "Bakit kailangan ko pang sumama dito sa university?" tanong ko kay Albrey nang makarating kami ng university. Hindi ko kasi alam king bakit niya biglang naisipan na isama pa ko. "I thought it would be better if you attended my classes," sagot naman niya habang nagpa-park na ng sasakyan niya. "Pero." "No buts," mariing putol niya sa sasabihin ko. P'wede naman kasi na sa bahay na lang ako mag-aral. Kaya ko naman iyon kahit hindi na niya ako turuan. Makakaabala pa ako sa kanya. "Let's go." Lumabas na siya ng sasakyan at umikot para pagbuksan ako. Pero hindi pa rin ako kumikilos. "C' on, get off the car," utos niya pero hindi pa rin ako bumababa. Nag-aalala ako na baka may makakita sa amin. Baka pag-usapan kami ng mga marites na estudyante. Baka kung anong isipin nila. "Good Morning, Professor Ford." "Hi, sir. Good Morning." "Good Morning, Prof," sunod- sunod na bati ng mga istudyante na nagdadaan dito sa parking lot sa gawi namin. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Baka