Umuwi ako sa apartment ko upang kunin ang mga importanteng gamit at dokumento ko doon. Bahala na kung magalit si Emmanuel may rason naman ako. Sinabi ko na rin sa kanya na wala na akong trabaho kahit wala siyang pakialam para alam niya kung bakit lagi akong narito sa bahay.Kinuha ko ang lahat ng mga dokumento at isinilid iyon sa bag. Pati ang mga bagay na mahalaga sakin dinala ko na. Binilisan ko ang galaw ko dahil baka maabutan na naman ako ng tauhan ni papa at saka baka inaabangan ako ng taong gustong pumatay sa akin.Bago ako umalis binuksan ko muna ang reserba kong cellphone kung may mensahe ba doon si papa nang makita na wala pinatay ko iyon ulit. Binuksan ko rin ang laptop at tiningnan kung may email ba doon. Ganoon nalang ang panginginig ang katawan ko at pakiramdam ko naparalisa ang buong katawan ko.Nanginginig ang kamay ko. Walang tigil ang pag agos ng luha ko. Naninikip ang dibdib ko sa sakit at galit habang tinitingnan ang mga litrato kung saan kita doon kung paano pinatay
Halos hindi na ako makahinga sa subrang paninikip ng dibdib ko sa pag-iyak. Bakit ako ang nagdudusa sa kasalanan ng ama ko? Bakit kailangan naming madamay ni mama dito? Anong kasalanan namin? At pati ang dalawang matalik kong kaibigan hindi ako kayang damayan. Lumayo sila sa akin sa takot na pati sila madamay.Na udlot ang paghikbi ko nang makarinig ng katok sa pinto ng banyo. Binuksan ko ang shower at sinadyang ihulog ang shampoo. Ilang beses akong tumikhim para ibalik sa normal ang boses ko saka pinatay ang shower at gripo nang muli siyang kumatok doon. “Banyo ‘yan Debbie hindi iyan kuwarto baka natulog ka na d’yan.”Taranta akong lumapit sa nakasaradong pintuan ng marinig ang eritableng boses niya.“Sandali lang patapos na ako.”Mabuti nalang at hindi nabasag ang boses ko. Huminga ako ng malamin upang pigilan ang muling pagtulo ng luha ko. I want to hug him. I Want him by my side, hugging and comforting me.“Bilisan mo, kakain na.”Utos niya at narinig ko ang yabag niya papalayo. I
Throughout our set up, I became his slave in bed. Kapag gusto niya kahit may ginagawa ako susunod ako sa kanya sa kuwarto upang pagbigyan ang gusto niya. Hindi ako nagreklamo. Hindi ako nag-demand ng isang bagay na gusto ko ring maabot ang ruruk ng kaligayahan.After he used me, it’s my turn to pleasure myself hanggang sa ma satisfide ko ang sarili ko. I imagined na siya ang gumagawa no'n sa akin. Pakiramdam ko isa akong bugaw. Isang bayaran na hayok sa kaligayahan na inaasam na hindi kayang ibigay ng asawa ko.Minsan napapatanong ako, bakit walang aksyon ang girlfirend niya tungkol sa amin? Kasi kung ako sa posisyon niya mag de-demand ako. May mga batas ako, hindi ako makampante sa salitang ikaw lang ang mahal ko kasi isang kasalan na nga ang pagsama namin tapos baboyin pa ako ni Emmanuel nang hindi niya alam. Ano nalang ang maramdaman niya kapag nalaman niyang gabi-gabi kasiping ako ng boyfriend niya? Mabilis ang hakbang ko na lumapit kay Emmanuel nang makita ko siyang duguan na pum
Tulad ng sabi ni Alfred, hindi ako pumunta sa lamay ni papa kahit noong inilibing siya. Ina-update niya lang ako sa mga nangyayari doon. Gusto kong magluksa pero iniisip ko, nagluksa ba siya noong namatay si mama? Baka masaya pa nga siya dahil wala ng humahadlang sa mga masamang plano niya.Ginawa kong abala ang sarili ko. Sa pagbasa ng mga dukomento na iniwan ni mama kahit wala akong naintindihan sa binabasa ko ginawa kong libangan iyon. Nag d******d rin ako ng games sa cellphone ko. Ginawa ko ang lahat ng paraan para kahit saglit hindi siya sumagi sa isip ko. Nangako na ako sa sarili ko na kalimutan ko na ang lahat ng past ng nangyari sa buhay ko at kailangan kong tuparin iyon.Dalawang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita sa akin ni Alfred na patay na si papa at dalawang linggo narin kaming walang imikan ni Emmanuel. Hindi siya tumatabi sa akin sa pagtulog. Maaga rin kung umalis papuntang trabaho at pag-uwi niya sa kabilang kuwarto siya dumidiritso at doon matulog.Minsan na
Nanghihina na umupo ako sa upuan. Panay ang paghinga ko ng malalim para maging maayos ang aking pakiramdam. Bakit ngayon ko lang ito nalaman lahat? Sana hindi siya nahirapan sa hustisya na hinahangad niya dahil ako ang susi sa lahat. Sana matagal na siyang nakawala sa akin. Sana masaya na siya ngayon kasama ang babaeng mahal niya kung maaga palang nakamit na niya ang hustisya.Gayong patay na ang aking ama sana nakuha na niya ang hustisya para sa pamilya niya. At kahit masakit para sa akin na iwan siya tatanggapin ko ang katotohanan na parte lang ako sa lahat ng plano niya. If he wants to rid me I will accept with all my heart kahit pa ang patayin niya ako, ganon ko siya ka mahal.Inayos kung muli ang mga papel sa dati, nanginginig pa kamay ko na dinampot ang litrato ko doon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pagkatapos ng lahat ng nalaman ko basta ang alam ko hindi ko pa kayang mawalay sa kanya. Kinuha ko ang charger dahil iyon naman ang pakay ko at lumabas na may mabigat na loob.
Akala ko, pagkatapos ng nangyari kagabi ay maging maayos na kami ngunit hindi pala. Naging marahas pa siya sa akin ngayon. Kaunting mali lang ay bulyawan na ako. Hindi ko lang masagot kaagad ang tawag niya sigawan kaagad ako. Pinagbuhatan rin ng kamay at mas malala pa ngayon.Agad kong sinara ang laptop nang pumasok siya sa kwarto. Abot langit ang kaba ko ng makitang masama ang timpla niya kaya agad akong lumapit sa kanya at nanginginig ang kamay na kinuha ang bag na dala niya at ipinatong iyon sa ibabaw ng lamesa. Marahas niyang binaklas ang kamay ko ng hubarin ko sana ang coat na suot niya. Masama niya akong tiningnan bago tinalikuran. Mariin akong napalunok at lumabas sa kuwarto.Isang buwan. Dalawang buwan na pagtitiis ko sa kamay niya. Ito ba ang tunay na siya? Ang tunay na pagkatao niya? Ano pa ba ang kailangan niya sa akin bakit hanggang ngayon hindi parin niya ako pinakawalan? Parte parin ba ito ng hustisya o paghihiganti dahil sa relasyon nilang dalawa na sinira ko?Pero pwede
Emmanuel point of view. Labag man sa loob ko na ikutin ang loob ng buong shopping ko at obserbahan ang mga empeyado ko wala akong magawa kundi gawin ito dahil sa utos ng aking ama. Two years ago, mula noong ibinigay na ito ni papa sa akin at ako na ang namamahala at ito ang unang beses sisilipin ko ang mga empleyado ko at kung ano ang takbo ng tindahan ko.Unlike dad, ayaw ko pagpiyestahan ng mga tao lalo na ang media. Lalo na ngayon at naging matunog pa lalo ang pangalan ko ng maiulat sa article na isa akong mafia, araw-araw may media na naka abang sa mansyon ni dad at sa labas ng Shopping Mall ko para lang maka-usap ako upang kumpirmahin iyon.Sa paglilibot ko, I saw a familar face, a familiar scent, a familar heartbeat when I see her. Palinga-linga ito na parang may hinanap. Nakasunod lang ako sa kanyang likuran sinundan ng tingin ang kanyang bawat galaw hanggang sa.“Careful.”Malamig na sambit ko nang saluhin ko ng yakap ang hubad niyang baywang ng mabunggo niya ako pagharap niya
Emmanuel pov.Kung kagabi galit ako sa kanya ngayon hinihiling ko na sana mamaya pa siya gumising nang masulit ko ang pagyakap niya. Kaninang madaling araw pa ako gising at hindi na ako ulit nakatulog nawiwili sa magandang dilag na nakayakap sa akin.Nang magising siya nagkunwari akong tulog hanggang sa naramdaman ko na bumangon siya. Paglabas ko nakahanda na ang pagkain sa lamesa, kung ganito araw-araw ang gagawin niya baka hind ko mapigilan ang sarili ko na pagbigyan siya at pagnagkataon baka masanay ako at hanap-hanapin ko ang pag-aruga niya.Sinabay ko siya papuntang Shopping Mall kung, pwede pati hanggang sa pamimili niya ay samahan ko siya pero hindi pwede dahil may trabaho akong nakatambak sa opisina. Pina-assest ko na lang siya sa empleyado ko ngunit tatlong oras na ay hindi parin sila umaakyat dito kaya pinatawag ko si Bethany at sinabing dito nalang sila sa third floor magpa-cashier.HIndi siya nakinig sa sinabi ko na magpalit ng damit sa opisina ko, nanatili siyang nakatayo