Share

Chapter 17

HINDI mapakali si Zoe sa kaniyang kinauupuan habang pabalik-balik ang tingin sa kaniyang relo. Nasa isang restaurant siya kung saan sila magkikita ni Reighn. Noong tumawag si Reighn sa kaniya noong gabing iwan siya ni Dylan ay nakadagdag pa iyon sa iniisip niya ngayon. Wala siyang ideya kung bakit at kung saan nito nakuha ang number niya. Hindi niya rin alam kung para saan ang pagkikita na ito at kung bakit pumayag pa siya.

Sa anim na taong wala si Zoe sa Pilipinas ay ngayon niya na lang ulit ito makikita at makakausap sa personal. Alam niyang hindi naging maganda ang kanilang nakaraan noong iwan niya ang magkasintahan sa Pilipinas.

Naramdaman ni Zoe ang panginginig ng kaniyang mga tuhod at panlalamig ng mga kamay dahil sa kaba. Mahigit kalahating oras na rin siyang naghihintay rito at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakikita kahit anino ni Reighn.

Bakit ba kasi siya kinakabahan ng ganito? Magkikita lang naman sila at mag-uusap. Wala naman siyang dapat ikabahala dahil tapos na an
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status