[NARRATOR] Punit ang mukhang nagising si Dens ng tumunog ang alarm niya.. Nagbabalik tanaw siya kung paano siyang nakauwi. Diretso siyang nagtungo ng banyo para maligo at ng makapag bihis, makapag ayos umalis na ng bahay para pumasok. "Good morning.." Bungad ni Azzurra ng makita ang pag daan niya. Payak na ngiti ang ginanti saka nagpatuloy sa pag upo sa pwesto niya. Nahapo ni Dens ang sintido niyang pumipintig. Ramdam niya pa din ang kamagdag ng alak sa sistema pero mas okay na yun kaysa ang matorture patungkol kay Lei. "Oh.. Ayan para gumaan naman pakiramdam mo." Sunod na sumilay ang cup of coffee sa harapan niya. Tumingala siyang tinignan ang nagbigay nito. Si Azzurra yun na labas ngipin sa pag ngiti. "Sorry.." Tanging sambit niya sa isiping naabala niya to kagabi. "Wala yun.. Na enjoy ko naman yung usapan natin kagabi.. Sana maulit, Dens..." Ngisi nito saka bumalik sa kanyang table. "Di man lang kayo nag aaya.. Ganyan na pala ngayon Azzurra may bago ka ng gustong makasama..
Sabay kaming nag out ni Azzurra at plano nanamang uminom. Nagtatawanan kaming naglalakad ng bigla na lang may tumayo sa harapan ko. "Anong ginagawa mo dito?!" "Siya ba ang pinalit mo sakin?? Kaya ba nakakaya mo Dens na wala ako??" Naluluha itong nakatitig sakin. Ganun din ang mga mata kong natagpi sa kanya. Di ako makapaniwalang nakikita ko siya. Am I dreaming? "Nagkakamali ka, Lei.. We are not-" Isang malakas na sampal ang binigay sa kanya ni Lei. Nabigla akong inawat siya, hinapit sa bewang palayo kay Azzurra. "Lei!!" Kunot noong sambit ko. "Bakit mo ginawa yun?!" Usisa kong pinipigilan siyang sugurin muli si Azzurra. "Alam mo ba kung anong nararamdaman ko? Alam mo ba kung gaano kahirap sakin?! Tapos ikaw... Ikaw.. Ito ang makikita ko!! Ang saya mo naman Dens habang ako halos magunaw mundo ko.." Garalgal ang tinig nitong hayag hanggang makita ko ang pag agos ng luha niya. "Mali ka Lei... Nahihirapan din ako.. Mahal na mahal kita masyado para isipin mong okay lang ako, na mada
"Hindi na namin kinayang labanan yung nararamdaman namin sa isa't isa kaya.. Kaya nagpatianod na lang kami at nag decide na maging kami like for almost four years.. Everything seems right kahit patago hanggang mahuli kami ni Mom.. So I ended up here.. Umalis ako sa amin at nag solo.. Iniwan ko si Lei.. Ginagawa ko to para sa kanya... Azzurra.. Gusto kong magkaroon siya ng normal na buhay.. Buhay na malaya siyang magmahal ng hindi kailangan magtago. Pagmamahal na pwede niyang ipagmalaki, ipaalam sa lahat, ipag sigawan sa lahat..." "Are you really referring to her? Or is that what you wanted too??" Napaatras ang ulo ko ng bahagya sa sinabi niya. Napaisip din ako.. Naunawaan kong pwedeng tama siya. Gusto kong magkaroon ng normal na relasyon.. Takot din akong makutya, pandirihan o kamuhian ng mga tao siguro.. Masama ba ako sa part na yun? Ibig sabihin ba nun hindi ko ganun kamahal si Lei? Pero hindi yun ang point.. Magkapatid kami. Kasalanan ang meron kami.. Kasalanan ang gusto naming
[MAREA LEILUNA TRINIDAD] Sa huli bahay din ang naging huling bagsak ko. Wala naman akong sapat na pera para mag check-in o pumunta pa sa ibang lugar. Mom not giving any penny dahil iniisip niyang baka puntahan ko lang si Dens. "At san ka galing? Huh? Bakit ngayon ka lang??" Sambulat sakin ni Mom pagbukas ko ng pintuan namin. "At least umuwi pa ako.. Ano bang problema kung lumabas ako..." Naiinis kong sagot. Wala na akong takot kung anong magiging reaksyon niya o kung saktan man niya ako. "Hindi mo na ako nirespeto, Leiluna! Hindi ang paglabas mo ang point dito kundi ang oras ng pag uwi mo, anak.. Paano na lang kung napahamak ka sa kalsada? Huh?" Buti pa nga siguro kung nadisgrasya na lang ako para tapos na ang paghihirap ko. Para na rin naman akong patay sa sakit na tinitiis ko. Lalo pang bumigat dahil sa nasaksihan ko kanina. "Sorry Mom.." Naging sagot ko na lang para matapos na ang diskusyon. Gusto ko na lang humiga ng kama ko at mapag isa. "Kumaen ka na ba? Gusto mong ipagh
SA UNIT NI DENS>>> Nang makaraos si Jhanrex tila nahimas masan siya sa maling ginawa at balisang umalis sa ibabaw ng walang kalaban labang si Dens. Taranta itong inayos ang salawal. Isinara ang zipper ng kanyang pantalon at ng malock ito dali daling umalis sa lugar. Naiwang parang basang sisiw si Dens na walang naging galaw o imik man lang. Sumilay lang ang muling pag agos ng luha sa gilid ng mga mata niya. Kasalukuyan namang nasa sasakyan si Leiluna. "Bilisan mo pa Nick!" Magkahalong iyak at sigaw na sambit ni Tanya. Duguan ang anak na nasa kanyang bisig. Naglaslas ito sa sobrang lungkot, hinagpis na bumalot sa nanghihinang pagkatao. Nang makarating ng hospital agad na inasikaso sila Tanya ng mga Nurse at Doctor. "Ano pong nangyari sa pasyente?!" "Hi-hindi ko alam... Ma-may basag na vase sa kwarto.." Paliwanag nitong hindi halos maintindihan dahil sa pag iyak. Kinabig siya ng yakap ni Nick habang si Leiluna ay dinala naman ng ER. Panay ang paghikbi ni Tanya sa dibdib ni Nick
"Sumagot na ba si Dennise?" Pag iiba ni Tanya ng matapos na ang komosyon sa pagitan nila ng kanyang ex-husband. "Hindi pa but I leave a message.." Tuon ang mga matang sagot ni Nick. Tumabi na rin ito sa asawang muling naupo. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Sid ang pagpatong ng palad ni Nick sa hita ng ex wife niya. Bahagya lang siyang napalunok kasunod ang pag gawi sa ibang direksyon. "Okay na po ang pasyente.. mabuti na lang at hindi malalim ang sugat.." Sambit ng Doctor na siyang kumuha sa atensyon ng tatlo. "But I suggest she needs to see a psychiatrist." Pagtatapos ng Doctor. "A Psychiatrist? For- for what?! Walang problema sa pag iisip ang anak ko." Kunot ang noong hayag ni Sid. Bakas din ang katanungan sa mukha ni Tanya. "Hindi ko naman ho sinasabing may problema sa pag iisip ang pasyente. This is a suicide attempt which means she might struggling with serious depression." Sandaling nangibabaw ang katahimikan. "Pwede niya itong ulitin, ang pagpapakamatay kung hindi a
Hindi na sumagot pa si Sid at binalikan ang anak. "I don't want to see her!" Sigaw ni Leiluna na kinabigla ni Dennise. Napalunok itong napaatras ang mga paa. Kinamumuhian siya ng kapatid at ni hindi nito magawang tapunan man lang siya ng tingin. "Don't be like this, Lei.. I'm telling you the truth. Walang namamagitan sa'men ni Azzurra. Kaibigan at katrabaho ko lang siya.." Paliwanag nitong mangiyak ngiyak na. "Mom!!" Muling hiyaw ni Leiluna. "Anong nangyayari?" Nagtataka naman si Tanya ng marinig ito pagkabalik. "Mom!! I don't want to see her.. Paalisin niyo siya.." Malinaw na hayag ni Leiluna. Hindi magawang umalis ni Dennise dahil ngayon niya mas higit na kailangan ang kapatid dahil sa nangyaring pang gagahasa sa kanya ni Jhanrex. Mabigat ang kalooban ni Dennise na tanggapin ang ginagawang pagtataboy sa kanya ni Leiluna.. Gusto niyang manatili sa tabi nito. "I said out!" Wala ng nagawa pa si Tanya kundi sundin ang anak dahil tila nag iiba na ang awra nito. "Umalis ka na muna
[MAREA LEILUNA TRINIDAD] "How are you feeling right now?" Tanong sakin ng psychiatrist. Pangalawang session na namin ito pero parang wala namang nagbabago sa kondisyun ko. Nahihirapan pa din ako sa tuwing maiisip si Dens at naiiyak nga ako palagi. Mapapanindigan ko nga ba talaga ang kalimutan siya? Ang alisin ang feelings, ang pagmamahal na meron ako para sa kanya? May maitutulong nga ba ang psychiatrist na to para mawala sa sistema ko si Dens? Nang matapos ang tila sirang plakang paulit ulit na usapan namin tumayo na ako at umalis. Si Derek ang sunod kong naisip. Baka kapag nakausap ko siya gumaan ang pakiramdam ko. Tingin ko siya lang ang makakaunawa sa akin kaya hindi ko na pinatagal at tinawagan siya ng makauwi ako ng bahay. Naiirita na din ako kay Mom na halos pati sa pagligo ay samahan pa ako. Hindi na siya nawala sa paningin ko simula ng insidente sa ginawa kong pagpapakamatay. "Sunduin kita sa inyo.. gusto mo?!" Mungkahi ni Derek sa phone ng magkausap na kami. Syempre a