Share

Chapter 115

Pinagtapat sa akin ni Derek na hindi kami tunay na magkapatid ni Dens. Ang sabi niya nung una nagbabase lang siya sa instinct dahil nung unang beses niya kami makita ni Dens at napansin na nga niya agad ng mga panahon na yun na may something.

Paliwanag niya hindi na raw siya pinatahimik ng curiosity niya ng araw na yun. Naglaro daw sa utak niya kung possible ba talagang magkagustuhan ang biologically siblings.

Duda siya sa bagay na yun kaya nung araw na nagpa party siya sa pagtanggap sa kanya ng mga magulang sa pagiging gay ay palihim niyang kinuha ang mga baso namin ni Dens na ginamit sa pag inom ng wine.

Sa yaman ng pamilya niya hindi na ako magtataka kung may kakayahan siyang magpakuha ng DNA Test sa amin ni Dens.

Sa kagustuhan niyang matuldukan ang malalim niyang pag iisip o parang naging problema sa kanya ang katanungan kung pwede ba talaga magfall sa isa't isa ang magkapatid.

Nakuha niya ang sagot sa matagal daw na gumulo sa utak niya ng lumabas ang result na hindi nga kami
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status