Share

Chapter 72

Matatapos na ang lunch break pero wala pa din si Dens. Hindi na mapanatag ang dibdib ko at panay na ang pag iisip ng utak ko.

Diko na mabilang ang ginawa kong pagsilip sa phone ko. Wala siyang chat. Kahit tawagan ko hindi rin naman ito sumasagot. Asan ba siya?

Pinag aalala niya ako sa ginagawa niyang to. "Bakit wala pa si Bestie? Lei? Wait nag away ba kayong magkapatid?!" Nagtama ang mga mata naming umiwas agad ako. Ayokong mahalata niya ako.

"Nahihiwagahan talaga ako sa inyong dalawa.. Don't get me wrong Lei.. Para kasi kayong mag jowa. Kung di ko lang alam na magkapatid kayo.. Iisipin ko talagang mag jowa kayo.." Nangingiting pahayag ni Ghia na siyang nagpapalukso naman sa puso ko at nagpapangatog naman sa buong kalamnan ko.

"Sorry guys pero mauna na ko.." Sambit kong agad na tumayo at lumakad palayo sa kanilang dalawa. Kinuha ko ang phone ko at sinubukang tawagan ulit si Dens pero hindi pa din ito sumasagot. Nababahala na ako at hindi makapag isip ng matino. Hindi ko alam kung p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status