Nang makabalik ng school si Ghia agad itong nagtungo ng School Office upang madaling mahanap ang magkapatid na si Leiluna at Dennise. Naunawaan naman siya ng Dean sa kanyang dahilan kaya binigay sa kanya ang information na kailangan. Dahil evening class si Dennise mas naging madali kay Ghia na sadyain si Leiluna. Inantay nitong matapos ang huling klase saka nagpakita. "Ghia.. Nakabalik ka na pala.. Kamusta ka na? I guess you don't remember me.." Hayag ni Leiluna ng makalabas ng room niya at mamataan si Ghia sa tabi ng pintuan. " I don't but Abby told me that you are my ex-girlfriend.. And I'm doing fine now.." Bahagyang natigilan si Leiluna, nanlaki ang matang napakurap. "Ahmm yeah, pero saglit lang yon.." "You seem uneasy.. Wag kang mag alala hindi naman tungkol sa bagay na yun ang pakay ko.." Nagtaas baba ang dibdib ni Leiluna na nakahinga ng maluwag. Tumango tango itong nag antay ng sunod na sasabihin ni Ghia. "Ahmm. It's about that girl named Mayumi.. Kilala mo siya hindi
[NARRATOR] Kahit medyo halata na ang tyan ni Mayumi pinili pa din nitong pumasok ng school kaya hindi niya maiwasang mailang sa mga panakaw na tingin sa kanya ng ibang student sa campus. "Wag mo na lang silang intindihin, Mayumi.." Sambit ni Leiluna na nagtungo na din sa kanyang klase. Si Dennise naman ay hindi magkanda ugaga sa kanyang trabaho dahil dagsa ang customer nila ngayong araw. "Okay ka lang? Pawisan ka na??" Bigla na lang sumulpot sa tabi niya si Natalie at naramdaman ang pagdampi ng bimpo sa noo niya. "What are you doing, Natz.. Baka makita tayo at isipin pumipetiks tayo.." Di naman din nakipag talo pa si Natalie at bumalik sa station niya. Matagal ng gustong sabihin ni Dennise sa kapatid na ka work mate niya si Natalie pero pinangungunahan ito agad ng takot na baka gawing big deal nanaman yun ni Leiluna. Sa dinami dami din naman ng restaurant na pwedeng applayan ni Natalie ay bakit sa kanila pa ito napadpad. Minsan tuloy duda siya kay Natalie kung talaga bang nagka
Buong klase ni Dennise ay wala sya sa focus dahil inaalala ang isasalubong sa kanya ni Leiluna pagkauwi ng bahay. Malamang at mahaba habang away, suyuan nanaman ang magaganap. Andun pa man din si Mayumi sa kanila. "Sabay na tayong umuwi.." "Wag na Natz.."Pagtanggi ni Dennise. "Invite mo naman ako minsan sa inyo.." Pangungulit nitong kumawit pa sa braso niya. "Natalie.. Please.. Hindi ka ba talaga makaramdam? I don't have time for this.. I don't want to be friends.. Don't you get it?" Natahimik si Natalie at marahang bumitaw sa pagkaka kapit. Simangot si Dennise na naunang maglakad. Ayaw niyang maka offend pero wala siyang choice. Huminga na lang siya ng malalim saka pumara ng taxi para mabilis na makarating sa kanila. Naiwang tila namatayan si Natalie sa labas ng gate. "Did she dump you too?!" Napalingon siya sa babaeng nagsalita. "No.." Iritang sagot niya. "Sus.. Ganun na din yun. By the way I'm Ava.. And you are? Nakikita na kita ei pero walang chance malapitan ka. "Sorry
"Maniwala ka sakin.. Kahit anong gawin ni Natalie. Wala siyang mapapala sakin.. Alam na alam mo naman kung gaano kita kamahal, Lei. Even Mayumi saksi sa bagay na yun.." Paliwanag niyang umaasang pagkatiwalaan siya ng kapatid. "Yup.. Lei.. I know my best friend so well. Mahal ka talaga niya. Hmm sobra. Siguro wala ng makakahigit pa ron, Lei.. Isa pa walang maidudulot na maganda sa relasyon niyo ang pagdududa. Magtiwala lang kayo sa bawat isa. Mag focus kayo sa bawat isa.. Hindi sa mga tao sa paligid niyo.." May sense na hayag ni Mayumi. Tumatak din naman ito sa utak at puso ni Leiluna. Naunawaan niyang may point si Mayumi kaya bumalik sa pagkakayapos kay Dennise. "Hmm. Kumaen ka na ba? Kasi ako hindi pa.. Inantay talaga kita.." Malamyos na saad ni Leiluna. Punong puno ng pagsinta ang mga tingin nito kay Dennise. "Oh siya.. Lumayas kayong dalawa sa harap ko.. Bumaba na kayo ng makakaen na.. Lalanggamin ako sa kasweetan ninyo ei.." Humagikhik lang ang dalawa. ####Hindi habang b
"Akala ko hindi ka na mag lulunch.. Have a seat.." Paanyaya ni Ghia na nakatingala kay Mayumi. Marahan naman itong umupo sa tapat niya. "Amm so.. Anong gusto mong kainin? Ako ng oorder.." "Anything is fine.." Tugon ni Mayumi na umiiwas sa bawat tingin sa kanya ni Ghia. Tumayo naman ito matapos ngumiti para bumili ng kakainin nila. "Hmm. Ilang months na?!" Usisa ni Ghia ng makabalik ito hawak ang tray na nilapag sa table saka umupo. Hindi naunawaan ni Mayumi ang tanong niya kaya hindi siya agad nakasagot.. "I mean your little angel in your tummy. How many months now?" Pagkaklaro ni Ghia. Napalunok si Mayumi na napahaplos sa kanyang tiyan. "Ahh... I- I don't know.. Maybe 3 months more or less..." Tila alangang sagot nito. Ngumisi na napasinghap naman si Ghia. "You are not sure? Why? Hindi ka pa ba nagpapacheck up?!" Hindi malaman ni Ghia kung bakit curious siya. Ngayon niya lang napansin ang tyan nito kaya nagkagulo bigla ang nasa isip nya. Ngayon sigurado siyang imposible may s
[NARRATOR] Isang Linggo ang lumipas at araw ng Martes. Hindi naglaon nalaman ng mga magulang ni Mayumi ang tungkol sa ipinagbubuntis nito kaya atubiling bumalik ng Pinas ang mga ito. Nang makalapag ng airport ng Pinas diretso ang ama ni Mayumi kela Denisse kung saan umaga pa lang at kasalukuyang nagbibreakfast ang lahat. Kung paanong nalaman ay dahil yun sa taglay na yaman ng pamilya ni Mayumi. Madali para sa ama nitong ipahanap kung saan naroon si Mayumi. "Good morning po Tito." Bati ni Dennise ng nasa pinto na ang ama ni Mayumi. Balisang tumayo si Mayumi ng marinig ang boses ng ama. "Lei.. Ayokong sumama." Da ing nitong tila maiiyak na. Batid niyang pipilitin siyang umuwi ng Mansion. Higit pa roon ang posibilidad na mapa aga ang kasal. "Mayumi, my Princess.. We have to go.. By the way, Tanya, thank you for accommodating my daughter while we're not around.""Sus! Wala yun. Hindi na iba sa akin si Mayumi.." Nakangiting hayag nito pero seryoso ang ama ni Mayumi. Tumatakbo sa isip
One week ago nalaman ko na lang na may namagitan sa amin ni Mayumi. I still don't remember anything, napag tagpi tagpi ko lang ang lahat. Mayumi said she was sorry because we had fought before the accident. Pagkatapos nalaman kong may iba siyang mahal at hindi ang father ng baby na dinadala niya. Isang tawag ang ayaw ko pang sagutin kahapon pero hindi ako nito tinigilan. Boses babae iyon at nagpakilalang mother ni Mayumi. At first, I don't understand what she is talking about. She just kept on saying it was not Mayumi's fault but theirs. Kung tutuusin whatever happened in the past it won't change the fact that Mayumi is already pregnant. Alam ko sa sarili kong may kakaiba akong nararamdaman para sa kanya pero given na may involve ng bata, malinaw na tapos na ang lahat sa amin. So hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit willing akong igive up ang lahat para lang sumama sa taong hindi ko naman maalala?? It doesn't make sense.. Ready na ang lahat na parang napag planuhan na.
[MAYUMI CHEN] Tagos ang tingin kong bumalin sa labas. Mabuti na lang at sa tabi ng bintana ang upuan ko. Muli kong naalala si Ghia. Ang mga araw na magkasama kami, mga moment na masaya lang, yung pakiramdam ng ma in love for the first time, kiligin at syempre ang masaktan. Sa kanya ko unang naramdaman ang lahat. Hindi sumagi sa isip kong mahuhulog ako sa isang babae at magmamahal ako ng sobra sobra. "Hi..." Kunot ang noo kong napalingon sa nagsalita. Nabigla akong hindi maibuka ang bibig. Pinagmasdan ko na lang ang pag upo nito sa tabi ko. Teka.. Panaginip ba to? Anong ginagawa niya rito? Nataon lang ba na aalis din siya ng bansa at parehas kami ng araw ng flight, same ng eroplano at ang nakakabaliw.. magkatabi pa talaga kami. "Hey.. Okay ka lang? Say something.." Ngisi niya pero wala pa din akong maisip sabihin o itanong? Bakit sya narito?? Ang utak ko biglang naging busy dahil sa sunod sunod na katanungan. "Siguro ako na ang magpapaliwanag dahil mukhang na shock ka.." Malamyos