Share

Chapter 18

"Come in, Miss Ravina. Kanina pa kita hinihintay."

Iginala ni Richelle ang kanyang paningin. Maliwanag sa loob ng conference room subalit tanging si Artheo Pueblo ang nadatnan niya roon. Dumagundong ang kaba ni Richelle. Nararamdaman niyang may iba. Nararamdaman niyang may mali.

"Please sit down." Kalmante naman ang boses at kilos ni Artheo habang nakatayo sa harap.

"Na'san ang mga ka-meeting natin, Mister Pueblo?"

Doon na nag-angat ng tingin si Art. Nagtama ang kanilang mga mata at saka umarko ang gilid ng labi nito.

"The meeting is only between the two of us, Miss Ravina."

Lalong dumagundong ang kaba ni Richelle.

"The agenda of the meeting is about knowing the thruth." Hindi nito inalis ang titig kay Richelle.

Napalunok na lamang si Richelle.

Maya-maya lang ay nag-flash ang isang litrato sa malaking LED screen.

Larawan iyon ni Kenneth Quino. May kasama itong babae ngunit nakatalikod mula sa kumuha ng litrato. Gayunman, alam na ni Richelle na siya ang babaeng iyon. Kilala
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status