Share

Kapitulo XXIV - Distant Memories

"Ano nga palang ginagawa mo rito?" tanong ko kay Archi nang bahagyang mahimasmasan.

Pinasadahan niya ng daliri ang kanyang buhok habang seryosong nakatingin sa akin. He loosened his navy blue neck tie a bit and folded his sleeves up to his elbows.

"I'm working as an engineer at your company..." he answered.

Marahan akong tumango bago sumimsim sa kapeng in-order niya para sa akin. "Kumusta na nga pala si Emil? Wala na akong balita roon, ah?"

"Nag-aaral ng masteral sa US. Balak niya raw kasing magtayo ng sariling firm dito sa Pilipinas," sagot niya.

Namamangha akong tumango. Akalain mo nga naman itong si Emil, dati ay panay lang pagka-cutting noong senior high. Hindi mo talaga mahuhusgahan ang isang tao base sa kanilang nakaraan at pinagdaanan.

Muli kaming natahimik nang maubusan ng topic. "Ikaw? Ano nga palang ginagawa mo rito?" Natigilan agad ako dahil sa tanong niya.

I cleared my throat. "Pi-pinapunta ako sa opisina."

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status