Share

Chapter 22

Greg's POV

ABOT HANGGANG tainga ang ngiti ni Greg nang matapos ang pag-uusap nila ni Mr. Pangilinan. Malapit na umanong matapos ang kontrata nito sa dating supplier ng car parts, at nangako itong sa kanya ibibigay ang susunod na kontrata.

Matapos ang kanilang pag-uusap ay nagpaalam na ang matandang negosyante, sapagkat mayroon pa raw itong isa pang kailangang kausapin bago tuluyang umalis, para naman sa isang buwang business conference sa ibang bansa.

Nang makaalis ang matanda ay tumayo na rin siya upang balikan ang kasintahan nang pigilan siya ni Chloe.

"Greg, where are you going?" anito sa namumungay na mga mata.

"I have to go back to Toni," kaswal na sabi ng binata na nilingon pa ang kanina ay pinag-iwanan sa nobya.

Awtomatiko ang pagkunot ng noo niya nang makitang bakante na iyon. Naiiling na akmang hahakbang na siya upang hanapin ang dalaga nang pigilan siyang muli ni Chloe.

"Wait, Greg, you can't just leav

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status