Share

Chapter Eighteen

Naisip ni andrea na kung magre resign siya ay paano na ang kanyang amo. Ngayon pa na pinag kakatiwalaan siya nito.

Isang malalim na buntong hininga ang pina kawalan ni andrea. Nag pasya siya na hindi na muna magre resign. Hangga't kaya niyang gampanan ang pagiging secretary niya dito at kaya niya pang tiisin ang kanyang mga pinag dadaanan ay sige tuloy lang siya.

Matapos makapag isip ni andrea ay muli niyang tinapik si nicko sa braso nito habang tinatawag ang pangalan. Hindi naman na nabigo si andrea dahil dahan-dahang iminulat ni nicko ang mga mata nito.

Pagka mulat ay sinabihan agad ito ni andrea na lumipat na ng kama. Tango lang ang itinugon ni nicko sa kanya.

Ubod lakas niya itong itinayo. Nilagay niya ang isang braso ni nicko sa kanyang balikat habang hawak ito sa bewang. Pinilit naman ng binata na bigyang lakas ang kanyang mga tuhod upang maka tayo.

Nang ganap ng mailipat ni andrea si nicko sa kama ay nag hanap na siya ng panlinis upang matanggal ang mga kalat na suka ni nicko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status