Share

Chapter 24: The Entrain

NASA LOOB NG VIP room ng isang sikat na club si Ynzo Abraham kasama ang tatlong batikan sa larangan ng pagnenegosyo. Mas matanda lang marahil ang mga ito kumpara sa kaniyang ama ngunit kababakasan pa rin ng angking kakisigan sa katawan.

Nagkayayaan ang tatlo na mag-clubbing at nakisali na rin siya dahil sa pamimilit ng tatlo na ikinatuwa ng mga ito. Nakilala niya ang mga ito sa isang golf club. Ang totoo ay sinadya ni Ynzo iyon upang magtagpo ang landas nilang apat.

Sa golf club ay nag-p-practice ang tatlong matatanda na maglaro dahil hindi nila hilig ang larong iyon. Sa kalagitnaan ng pagsubok na maipasok ang golf ball sa ’di kalayuang butas ay napabaling ang atensyon ng tatlong matanda sa lalaking seryosong-seryoso sa paglalaro ng golf. Hindi kapani-paniwalang nailulusot nito ang bola sa butas nang walang kahirap-hirap. Maging sa pagtira ng bola sa malayuan ay pinagmasdan ng tatlo at halos mapanganga nang malayo nga ang narating ng bolang tinitira ni Ynzo.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status