Erica POV Kumatok sa kwarto ko si Cora. Inutos ni Greg na pinapapunta ako sa office room niya. Nagtataka ako dahil hindi siya pumasok sa trabaho. Friday pa naman ngayon dapat may pasok siya. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto. Ayoko siyang makausap dahil naalala ko pa rin ang pag halik niya sa labi ko. "Come in" He said. Kaya binuksan ko ang pinto. Naabutan ko siya nakaupo sa harap ng laptop niya. Mukhang may tsini check sa email. Napatingin siya nang pumasok ako sa loob. "Bakit mo ako daw pinapatawag?" Tanong ko. Malamig ang tingin ko sa kanya. Naiinis ako dahil sinasamantala niya ang pag halik sa akin sa harap ni Grey. Talaga lang ah! Kunwari ka pa?! Kinikilig ka nga! Shut up! Mind, huwag kang marupok! Saway ko sa isip. Hindi lang ako maka tanggi dahil kay Grey mukhang tuwang tuwa sa amin dalawa ng ama niya. "I need your help because i don't have secretary. May business meeting ako sa Baler." Paliwanag niya. Napaawang ang labi ko. Isasama niya ako da
Greg POV Napabuntong hininga ako dahil inalala ko ang mga binitiwang salita ni Erica. Napatingin ako sa rolex watch ko. Mag aalas otso na hindi pa rin bumabalik si Erica. Nag aalala na ako. Kinuha ko ang card key sa tokador. Bumaba ako para mag tanong sa mga staff ng hotel kung nakita nila ang asawa ko. Ngunit sinabi nila na hindi nila nakita si Erica. Habang nag lalakad ako may nakita akong bar. May nag uudyok sa kin na pumasok sa loob para hanapin ang asawa ko. Napansin ko na maraming tao ang umiinom. Napadako ang tingin ko sa dance floor. Naningkit ang mata ko dahil sumasayaw mag isa ang asawa ko. Habang may lalakeng dumikit sa kanyang likod. Hindi ko na matiis mabilis akong lumapit sa kanila at saka ko hinila ang lalake. Sinapak ko sa mukha ang lalakeng dumikit sa katawan ng asawa ko. "Greg?!" Napahinto sa pag sayaw si Erica. "Don't touch my wife. Asshole!" Galit kong sinabi. Akmang lalapit ang lalake nang biglang nag silapitan ang isa sa mga bouncer ng bar. "May pr
Beware SPG Ahead *** Erica POV Nanatili pa rin akong umiiyak sa dibdib ni Greg. Hinahagod ng kamay niya ang likod ko. Napahinto ako nang may pumatak na dugo sa braso ko. Biglang nanlaki ang mga mata ko. Nang matanto kung saan nanggaling ang tumulong dugo. Hindi sa akin nanggaling ang dugo na yan! Umangat ang ulo ko nang makita si Greg namumula ang parte ng mukha. Ang kanyang labi may mga dugo sa gilid. Napaawang ang labi ko. Hindi ko malaman ang sasabihin. Parang nag atrasan ang luha sa mga mata ko na makita ang mga pasa ni Greg. Nasaktan ko siya? Tuluyan na akong napahinto sa pag iyak. "I'm sorry! I didn't mean to hurt you" Nag aalala kong sinabi. Hinawakan ko ang pisngi niya. Napangiwi si Greg dahil sa ini indang sakit. "It's okay. Wife, Dapat mo lang ako saktan sa dami ng nakagawa kong kasalanan sa iyo noon" Napakagat ako sa labi. Parang hindi si Greg ang kausap ko ngayon. Noon nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Ngayon kung tumingin sa akin parang
Greg POV Pinagmamasdan ko ang aking asawa. Habang natutulog sa balikat ko. Hindi ako mag sasawa sa napakaganda niyang mukha. Gusto ko siyang mag buntis ulit kaya ibinuhos ko lahat sa kanya. Sinadya ko na may mangyari sa aming dalawa. Naalala ko ang ibinulong ko sa anak namin si Grey. Kailangan kong tuparin ang pinangako ko sa kanya. Flashback "I'll give you a little brother or little sister. Son, I promise!" Bulong ko sa tainga ng anak ko. Pinangako sa anak namin na bibigyan ko siya ng kapatid. Kaya mabilis na pumayag ang anak ko na magbakasyon kami ng Mommy niya. Lalo na tatlong linggo na lang tapos na ang pinag usapan namin na anim na buwan ang pagiging nanny niya kay Grey. Inaamin ko natatakot ako. Natatakot ako na baka mawala siya ulit sa amin ni Grey. Alam ko may inililihim ang asawa ko. Sa mga pinapakita niyang kakaibang kilos. Napapamangha niya ako. Alam ko na hindi na siya ang dating Erica na nakilala ko noon. Inaamin ko may kakaiba sa kanya na hindi ko masagot
Greg POV Dalawang araw na ang nakakalipas simula nangyaring gulo sa min ni Mom. Na alimpungatan ako sa pag ring ng cellphone ko. Napatingin ako sa orasan nasa tabi ng kama. Si Erica nagising na din kaya tumayo ako para sagutin ang tumatawag sa akin. Si Mommy? "Hello. Mom?" Paos ang boses kong tanong. "What?!" Napabalikwas ng bangon si Erica nang marinig ang pag sigaw ko. "How did this happen?" Napahilamos ako sa mukha. "Damn it!" Mura ko. Itinawag sa kin ni Mommy na si Georgie. Dinukot sa paris kasama ng mga kaibigan nito. Sinabihan ko na siya na huwag na ituloy ang bakasyon. Napakatigas talaga ng ulo ng kapatid kong babae. Kahit kailan hindi nakikinig sa kin. Kapag ginusto kailangan masunod. "Anong nangyari?" Napansin ni Erica ang pag aalala sa mukha ko. "Ang bunso kong kapatid na si Georgie dinukot nang hindi kilalang mga lalake sa paris." Namumula ang mata ko dahil sa pag pipigil na umiyak. "I'm worried to my younger sister" Hindi ko mapigilan na umiyak kay Erica
Erica POV Nakailang beses na akong tumawag kay Adam pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Mag i isang linggo na wala pa rin akong balita tungkol sa nangyari kay Georgie. Ang bunsong kapatid ni Greg. Patuloy pa rin pinaghahanap ng pamilyang Miller. Si Greg na walang tulog sa sobrang pag aalala sa kanyang kapatid na babae. Ganito na ba kabagal kumilos si Adam? Imposible naman ito? Nag tataka kong tanong. Narinig kong nag ri ring ang cellphone ko. Si Adam! Mabilis kong sinagot ang tawag niya. Sinabi niyang ligtas na si Georgie. "Thank you, Light" Pagpapasalamat ko sa kanya. Maasahan talaga si Light. "This is our new mission. Hawk, I count on you" Tumango ako sa kanya. Kahit hindi niya nakikita. Pabalik na ng pilipinas si Adam sinabi niya na kasama niya si Georgie. Sa pag balik ni Light, kailangan ko na gawin ang obligasyon ko. Hindi na biro ang ginagawa ng Dragon Mafia. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit kailangan mag trabaho ni Adam sa Miller's Group. Malungkot akong napang
Erica POV Nagulat ako nang biglang lumuhod si Greg sa harap ko. Habang hawak niya ang isang kamay ko. Anong ibig sabihin nito? Please. Greg, huwag ka naman ganito! Umiiyak ang puso ko ngayon dahil sa nasasaktan ako. "Will you marry me.... again, I'll promise you that i will never hurt you. Hindi ko na hahayaan masaktan ka ulit. This time gagawin ko ang lahat para sa pamilya natin. Basta tanggapin mo lang ako bilang iyong asawa." His eyes is pleading punong puno ng pangako. Nagtuluan ang luha sa mga mata ko. Napatingin ako sa buong paligid. Nakangiti silang lahat habang nag hihintay sa isasagot ko. Ang anak namin si Grey nag chi cheer sa min ng kanyang ama. Oh! Greg, bakit mo ito ginagawa? bakit ngayon pa? Napakagat ako sa labi. I need to do this! "I - I'm sorry. Greg but... I can't marry you" Binawi ko ang kamay sa kanya. Ang mga tao sa paligid biglang na tahimik. Hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Why you can't? Akala ko ba okay na tayo? Nangako ako sa iyo na hin
Beware SPG Ahead *** Erica POV "Greg -? A - Anong ginagawa mo dito?" Napaigtad ako nang biglang sinuntok ni Greg ang pader. Dahilan kaya tumulo ang dugo sa kamay niya. Nanlalaki ang mata ko sa gulat. Habang si Greg, nanlilisik ang kanyang mga mata sa sobrang galit. "Tang ina! Gusto mo ba ang pinsan ko?! Mga mamatay tao ang mga yan?! Kaya ba hindi mo ako pinili dahil mas gusto mong lumandi sa iba?!" Bulyaw ni Greg sa akin. Namumula ang mata ko sa pag pipigil ng iyak. Greg, kailangan ko gawin ang mission ko na patayin ang mga pinsan mo! Kundi kayo ang papatayin nila. Gusto ko sanang isigaw sa kanya. "Kaya kong ibigay lahat ng gusto mo! Kahit ang buong kumpanya, ibibigay ko sa iyo! Basta manatili ka sa amin ni Grey! Akala ko... Akala ko iba ka?! Akala ko hindi mo kailangan ng pera. Napaniwala mo ako! Pinaglaban pa kita kay Mommy! Yun pala magpapakaputa ka para lang makakuha ng matabang isda!" Namula ang buong mukha ni Greg sa sobrang galit. Hindi ko matiis ang masasakit niyang sal