Share

CHAPTER 106

NAPAKUNOT ang nuo ni Amanda nang lumabas ang mga larawan ni Genis kasama si Charlene. May caption pa itong nakasulat na ito pala ang ipinagmamalaking nobyo ni Charlene. Kahit alam niya ang totoo ay naapektuhan pa rin siya ng balitang iyon. May kurot sa puso siyang naramdaman. Pero hindi niya kinompronta si Genis tungkol dito. Alam niyang nabigyan ng ibang kahulugan ng mga reporter ang madalas nitong paglabas dati kasama si Charlene. Kahit naman siya, inakala niyang may relasyon na ang dalawa.

Mahirap talagang ma-associate sa isang sikat lalo pa at maganda si Charlene at guwapo si Genis. Kung tutuusin, bagay ang dalawa. Parang pinigaan ng kalamansi ang puso niya habang naiisip na batang-bata si Charlene kumpara sa kanya. At matagumpay na ito sa napili nitong larangan.

Napasimangot siya at napuno na naman ng insecurities ang kanyang isip. Hindi magtatagal at kukulubot ang kanyang balat. Habang si Genis naman ay lalong gumagwapo. Bakit ng aba m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status