Share

CHAPTER 39

KUMUNOT ANG NUO ng kanyang ina, “Amanda, magsabi ka sakin ng totoo, nag-away ba kayo ni Genis?”

Napalunok si Amanda, hindi na niya kayang iwasan pa ang tanong ng ina, tuluyan na siyang napaiyak, “Mommy. . .”parang batang sabi niya, “Pwede po bang tayo lang munang dalawa ang makaalam nito? Huwag nyo na munang sabihin kahit na kanino?” pakiusap niya sa ina.

Tumango ito.

Sinimulan niyang ikwento sa ina ang lahat. Hindi makapaniwalang ginagap ni Aling Nena ang kanyang mga kamay. Gulat na gulat ito sa lahat ng mga sinabi niya. “Diyos ko, ibig sabihin pinaglalaruan ka lang ng lalaking iyon?” Nag-umpisa nang pumatak ang mga luha nito, “At pinagbibintangan niyang isa ang Daddy mo sa. . .” para itong mahihimatay habang iniisip ang lahat ng kanyang mga sinabi. “Hindi mamatay tao ang Daddy mo!” Mariing sabi nito sa kanya.

“Mommy, sa palagay nyo po kaya mag-iimbento si Genis ng ganun kabigat na paratang kay Daddy?” Mahinang tanong niya rito.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status